Chapter 12

47 2 0
                                    

Pagkauwi galing court ay sinalampak ko ang sarili ko sa sofa, habang hawak ang phone ko. Kaagad kong sinearch ang apelyidong Siman sa following ni Erich Lyn para mai-search naman sa following noon ang apelyido ni Gonzales. I want to know his name!

I smiled in satisfaction as I found Siman's Instagram account.

@seaman_d

Daniel Siman

6 posts | 367 followers | 122 following

Pagkakita ko ng account ni Siman ay hindi na ako nagsayang ng oras para pindutin ang following niya at i-search si Gonzales. Laking tuwa ko nang lumabas agad ang account ni Gonzales kahit letter G pa lang ang nata-type ko! I immediately stalked his account. It was public.

@gonza.scottwilliam

Scott William Gonzales

24 posts | 5,004 followers | 2,045 following

Ang dami niyang posts! 'Yun nga lang at andami rin niyang following. Dalawang libo, grabe?! Tiningnan ko naman ang following niya, himala at 'di puro babae. Mostly artists, basketball players at iba pang sikat na vloggers ang pina-follow niya.

Pinindot ko kaagad ang follow button. Ano pa bang gagawin ko, e nandito na ako sa profile niya. A little first move won't hurt. Pero di ko naman siya balak i-chat, 'no! First move na para sa 'kin ang pag-follow sa kaniya.

Matapos siyang i-follow ay sinearch ko naman ang name ni Erich Lyn para i-message siya. Nag-isip muna ako ng magandang sasabihin sa kaniya para 'di niya malaman na excited ako para sa game bukas.

leyzaneunize: nugagawen natin bukas?

Hindi siya online kaya tumayo na muna ako at umakyat sa taas papuntang kwarto ko. Inilipag ko ang bag at phone ko sa aking kama, at kaagad dumeretso sa C.R. para maglinis ng katawan. After that, I changed my clothes.

Saktong pagkatapos kong magbihis ay tumunog ang phone ko. Kinuha ko 'yon at agad na dumapa sa aking kama. Napangiti ako nang mag-reply na si Erich Lyn.

erichlyn: malamang kukuha ng requirements

Napasimangot ako.

Nakakainis, bukas nga din pala 'yon!

leyzaneunize: nu oras tayo pupunta???

erichlyn: nonood sana me game bukas, gus2 mo bang sumama? mga hapon na lang tayo pumunta ng school, hanggang 5 pa naman ang registrar

Nawala agad ang simangot ko sa reply niya. Napaltan kaagad 'yon ng malawak na ngiti. Pag sinu-swerte ka nga naman! Makikita ko ulit si Scott bukas!

Taray, first name basis!

leyzaneunize: gora ako beh daan ka dito bukas

erichlyn: tanga, lagi naman akong nandyan

I laughed at her message.

After our conversation, I turned my phone off. Busog pa ako kaya di na ako nag-abalang kumain sa baba ng tanghalian. I just decided to sleep. Medyo napagod ako, siguro dahil sa pagchi-cheer kanina. I hugged my pillow as I fell asleep.

Almost dinner na nang magising ako. Bumaba ako papuntang kitchen para uminom ng tubig. Nadatnan ko sa kusina si Manang na nagluluto. Nangunot ang noo ko, masyadong marami ang niluluto niya.

"Ano pong meron, Manang?" I asked her while I poured water into my glass.

"Ngayon darating ang magulang mo, iha," sagot niya. "Tumawag sila kanina, kaso tulog ka kaya kami lang ang nasabihan. Pauwi na sila ngayon."

Way Back Home (Rekindled Series #1)Where stories live. Discover now