Chapter 28

642 35 4
                                    

Nakalapag kami ng San Francisco by 8AM, US time. Napaaga ng isang oras ang flight namin which supposedly a 13-hour flight.

Ginising ko na si Jema na mahimbing pa din ang tulog. Agad naman itong nagising ng tapikin ko ang balikat niya. "Love we're here." Sabi ko sabi ko sakaniya

Nagkamot muna ito ng mata dahil sa tagal ng pagkaka tulog niya. Inabutan ko siya ng wet wipes upang magpunas ng mukha niya.

"Thanks Love." Tugon nito. "Oh my, we're here na talaga Love!" Sabi nito after magpunas. Bakas sa mukha nito ang excitement.

Maski din naman ako ay excited din. Although, ayaw kong masyadong umasa dahil sa din sa experience namin noon.

"Yes Love, we're here na talaga for real!" Tugon ko at hinalikan ang lips niya. Pinauna na muna namin amg iba na makalabas bago kami naglakad palabas ng eroplano.

Holding hands kaming naglakad dahil backpack naman ang dala naming hand carry bag. Dumiretso na kami sa hotek kung saan kami naka book.

Actually, eto din yung hotel namin noon kay Adrielle. I can't help but reminisce. Napangiti ako. Ang dami naming nagawa dito noon.



*Flashback*

Last try na namin ito ni Jema, kung hindi pa makakabuo ay susuko na kami. Inaya ko siyang lumabas dahil mejo depressed at kinakabahan siya.

Yung una at pangalawang try kasi ay failed kaya hindi na din kami masyadong umaasa. Last strike na to kumbaga.

Bukas pa ang schedule namin kaya may time pa naman kami. Niyakap ko siya dahil naka fetal position siya sa kama, halatang down ang Asawa niya.

"Tara Love labas tayo!" Aya ko dito. Pilit ko siyang iniharap sa'kin. Noong una ay wala itong reaction, ngunit dahil sa pangungulit at paglalambing ko ay napapayag ko din itong humarap sa'kin.

"Tara na kasi Baby ko." Lambing ko dito.
Sumiksik naman ito sa leeg ko at ramdam kong may luhang umagos.

"Love what if hindi talaga pwede? What if mag fail tayo ulit?" Sabi niya habang umiiyak.

"Eh di mag fail." Sabi ko naman at marahan kong hinaplos ang likod niya. "Eh di mag aadopt tayo." Dagdag ko pa. "Love it will be fine. Eh di tayo na lang tatandang dalawa." Tuloy tuloy kong sabi habang hinahalikan siya sa labi.

"Eh what if gusto mo ng baby tapos hindi ko mabigay?" Malungkot niyang sabi. Marami na din kasi kaming gastos sa pagpunta pa lang dito at sa procedure talagang nakakapang hinayang.

Actually, meron o walang baby, hindi naman na magbabago pa yung pagmamahal ko sa Asawa ko. Masaya siguro kung meron kaming anak na aalagaan pero kung hindi naman ipagkakaloob eh di, kami na lang hanggang pagtanda.

"Eh what if mahal na mahal kita? What if okay lang kahit tayo lang sa pagtanda?" Tugon ko kay Jema. Pinapa realize ko dito na wala siyang dapat ipagalala dahil hindi naman mababawasan ang pagiging mag-asawa namin kung wala kaming anak.

Like other couples na nahihirapan magbuntis, ang mahalaga, pipiliin niyong mahalin ang isa't isa hanggang sa pagtanda.

"Kaya tara na po, bangon na tayo. Ang ganda ng lugar oh, mag explore tayo!" Aya ko dito. Hindi siya sumagot. "Loooove! Please?" Ulit ko ng wala pa din itong reaction. "Sige ka pag ayaw mong bumangon, maghahanap ako ng ibang kasama!" Biro ko.

Kinurot ako sa tagiliran kaya napa aray naman ako dahil sa nipis ng kurot niya sa'kin. Haha

"Ouch! Biro lang Love! Syempre hindi kita ipagpapalit noh!" Bawi ko sa sinabi ko.

BOOK 2: You Are The Reason, Too! ❤Where stories live. Discover now