Chapter 2

13.4K 259 48
                                    

"Looove!"



Bulong ni Deanna. Mas siniksik niya ang sarili kay Jema. Isiniksik din niya ang kaliwang kamay niya sa bewang nito saka ito hinapit.

Ewan ba niya, bumangon lang naman siya at nag CR pero pag balik niya iba na ang naramdaman niya. Napakagat labi siya.


Kita kasi niya ang Asawa niyang mahimbing na natutulog. Eto na nga ba sinasabi ko eh, ang rupok ko. Mas masarap kasing manggising ng natutulog. HAHAHA. Nasanay na kasi siya noong katabi pa nila si Adrielle. Alam na!

Tumingin siya sa relo sa side table, 5 AM pa lang! God! Bakit ako nakakaramdam ng kakaiba? Is it because naudlot yung binabalak ko kagabi? Hahaha. Kasi namaaaan!




*Flashback..kagabi...*

Inilapag niya si Jema sa kama at agad na hinalikan sa leeg. Kinagat pa niya ng marahan ang collar bone nito.

"Uhhhmm. Love! I think kailangan ko munang mag shower." Rinig niyang sabi ng Asawa niya habang patuloy niya itong hinahalikan sa leeg.

"Loooove! Wag na. Okay na to. Tuloy na naten!" Bulong niya sa tenga ni Jema. Nakayakap ang mga braso nito sa leeg niya. Andito na eh!


"Errr. Eh Looove! Ang lagkit ko na. Maghapon kaya akong pinagpawisan! Quick lang. Please? Ikaw din mag shower ka!" Sabi nito sakanya. "Gabi na Love pero amoy araw ka pa!" Natatawang biro pa nito sakanya. Waley!


Uurrgh! Ayaw man niyang papigil pero kilala niya ang Asawa, hindi ito mapapakali hangga't hindi ito nakakapag linis ng katawan!


Sabagay. Not bad! Sabi niya sa isip niya. Mas okay din pag bagong shower. Dagdag pa niya. Agad naman na napangiti siya sa naisip.






Nakita naman ni Jema na punong puno ng ngiti ang Asawa niya. Kaya naman inihilamos niya dito ang kanang kamay niya.

"Hoy Love! Ano yang ngiti na yan? Haaa? May binabalak ka noh!" Pang aasar niya sa Asawa niya. Excited din naman siyang masolo ito. Lalo pa at ngayon na lang niya ulit ito makakasama sa kwarto ng SILA lang.

"Hahaha. Love! Matic na yun!" Rinig niyang sabi nito sabay kindat! Deep inside kinilig siya... nope, nakuryente siya. Ganito ang epekto sakaniya ni Deanna. Kakaibang kuryente na siya lang ang may kayang gumawa nito sakanya. Errr!




"Tse!" Pagsusungit niya kunwari pero ngumiti din pagkatapos. "Shower na ako Love, para ikaw naman next!" Sabi niya sabay tayo at naglakad papuntang CR nila.

Lumapit naman ito sakanya, bago pa man siya tuluyang makapasok ng CR eh nahagip na nito ang kamay niya at saka siya hinila papalapit.






"Pwede baaaaang... Ano Loooove.. pwede ba akong su...ma...bay?" Nahihiyang sabi nito sakanya. Iniyakap ni Deanna ang mga kamay sa bewang niya. "Still remember our first night? Gawin ulit naten Love!" Sabi pa nito habang nagtataas baba ng kilay. Ang cute!




Hay nako, Deanna Wong mula noon hanggang ngayon, ang HILIG mo pa din! Natatawa siya sa naiisip.



"Tutal diba parang first night ulit naten? Kasi ngayon na lang ulit kita masosolo after 5 years?" Dagdag pa ito. Naramdaman naman niyang mas humigpit ang yakap ng Asawa sa bewang niya. Pero agad siyang naka isip ng kapilyahan.


Bibitinin na muna niya ito para lalong masabik! Napakagat labi na lang ulit siya. Sorna Babe!


Kahit pa ang tagal na nila, hindi pa din nawawala ang excitement nila sa isa't isa. Pakiramdam niya, palagi pa din silang bagong kasal. Yung everyday, may bago silang nadidiscover sa isa't isa.




BOOK 2: You Are The Reason, Too! ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon