Chapter 14

45 1 0
                                    

Center of Attraction - 103
Born Free - 85

That was the score after the last quarter. Totoo ang chismis ni Erich Lyn, magagaling nga ang mga players ng Center of Attraction. Sa laki ng lamang nila, wala talagang pag-asang makabawi ang kabilang team.

"Alam mo bang player si Chad ng team na 'yon, ha?" Kinurot ko si Erich Lyn nang makalabas kami sa court.

"Tae, nabigla lang din ako noong nakita ko siya!" sagot niya sa 'kin. "Ano? Kamusta naman ang feeling na makita ang high school lover mo?"

Umirap ako. "You know what, Erich? Tumahimik ka na."

"Kilala kita, Ley," she said that made me stop from walking. I glanced at her. "You still loves him, 'no! Don't lie to my face."

Natahimik ako saglit, 'di alam ang isasagot. Hindi ko maitanggi at hindi ko rin masagot ang bagay na 'yon. May kung ano sa aking pumipigil. Parang may kumo-kontra sa aking sabihing hindi. Naguguluhan ako.

"Yung tinginan niyo kanina, that's how you look at each other before!" sabi pa niya. "Tsaka what a coincidence, 'no? You were wearing his team's shirt. Gagi, girlfriend ng basketball player ang atake mo, beh!"

"Sige, kwento mo 'yan," pambabara ko sa kaniya para tumigil na siya.

I'm not comfortable of that topic. Hindi ko pa alam sa sarili ko ang sagot sa mga katanungang pilit naglalaro sa isip ko. Kung mahal ko pa ba siya... Kung gusto ko ba ulit siyang makasama... At kung napatawad ko na ba siya nang tuluyan.

Ang daming naglalaro sa isip ko. Ang daming katanungan na wala pa ring kasiguraduhang sagot. Ngunit sa isa lang ako sigurado... Masaya akong nakita ko ulit si Chad.

At sa mga oras na 'yon, bigla kong naisip si Emcy. Gusto ko na rin siyang makita. Handa na ako.

Kaya noong gabi na, habang naka-higa ako sa aking kama, sinearch ko ang name ni Emcy sa Instagram. Hindi ko naman siya in-unfollow, pero I muted her account kaya wala na akong balita sa kaniya. I immediately tapped the message icon as I searched her name.

leyzaneunize. hi, emcy, it's been a while. kamusta ka na? i hope you're doing good :) let's catch up soon. i miss you.

Surprisingly, after a minute of messaging her, she immediately replied.

maicahcrizan:

huy hala

hi

gagi omg

leyyy

what the ef

i miss you :(

i'm doing good wipwoop (pero nagtatampo kasi ghinost mo me) chURROS HAHAHAHAHA LOVE U

i would love to bond with you ahuh (future la sallian here, kimmy)

Napailing ako. Emcy will always be Emcy. Tinatamad akong mag-type kaya tumawag na lang ako. Video call 'yon kaya nakangiti ako sa camera habang hinihintay na sagutin niya ang tawag. It took few minutes before she answered the call.

[Gagi, sorry, natagalan."] Ngumiti siya sa 'kin. ["Ley, grabe, nakakabigla ka naman! Nag-ayos pa ako ng kwarto ko bago kita sagutin! I'm shy with my messy room, eme!"]

Tumawa ako. "How are you?"

["Saks lang,"] sabi niya sa ibang boses. Natawa siya sa ginawa niya. ["Huy, 'di ka magiging conyo today!"]

"Sa DLSU ka papasok?" I asked her even though she already told me that she's a future La Sallian.

Naupo siya sa kama niya. ["Yep! Ang hirap magpaka-conyo! Like... Hi! Where is the architecture building ba?"]

Way Back Home (Rekindled Series #1)Where stories live. Discover now