Chapter 15

40 1 0
                                    

Prenteng nakaupo ako sa upuan ng study table ko habang kausap si Erich Lyn.

leyzaneunize: asan kayo ni siman?????

erichlyn: inamo bakit

leyzaneunize: saan nga

erichlyn: lifestyle,,, tanginamo wag kang susunod

leyzaneunize: iw cheap

erichlyn: wampake basta wag mo kaming susundan dahil ayoko ng epal !!! tsaka bat mo ba tinanong

leyzaneunize: para malaman kung ideal date ba yang sa inyo HAHAHAHAHAHA at nalaman kong hindi :pp

erichlyn: alam mo bwakinginamo

Natawa ako. Tinanong ko lang naman siya kung saan sila nag-date ni Siman para maiwasan ko 'yung lugar na 'yon! Baka mamaya, doon ako yayain ni Chad, edi makikita kami ni Erich Lyn. Cannot be!

Grabeng headline 'yon pag nakataon.

Breaking news: Mag-ex, magla-lunch together without proper conversation?! Ate gurl mo, hindi nakatanggi!

Natawa ako sa naisip ko. Saktong nag-chat pa si Chad.

chadrivas: paalis na ako :) saan kita hihintayin?

leyzaneunize: saan ba tayo?

chadrivas: anywhere you want

leyzaneunize: wala akong alam na place rn, pero i want chicken wings huhu

chadrivas: is wings monster okay with you?

Wings Monster. May naalala tuloy ako bigla!

leyzaneunize: sure, see you :)

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong na-concious sa suot ko!

I was wearing white sleeveless bodysuit partnered with brown trouser with slit. I also wore a printed button down polo para di masyadong revealing ang suot ko. For my accessories, I wore a silver hoop earrings. Dahil silver ang hikaw ko, 'yung silver kong kwintas ang sinuot ko.

"Susuotin ko ba 'to o or hindi?" I asked myself in the mirror while holding Chad's bracelet.

'Di naman siguro niya bibigyan ng meaning pag nakita niyang suot ko 'to, 'di ba? Tapos puro silver ang suot kong accessories kaya bagay 'tong silver na bracelet sa suot ko.

Sige, Ley, paniwalain mo ang sarili mo.

"Bahala na," I whispered as I wore it.

Ang mahalaga, di ako overdressed!

Matapos kong suotin ang white Nike rubber shoes ko, nagpahatid na ako kay Kuya Berting sa Wings Monster. Buti na lang at malapit lang 'yon sa amin kaya 'di ako mag-aalala sa oras. Pagkarating doon ay pinaalis ko na si Kuya Berting.

Pagkapasok sa loob ay binati ako ng guard. Kukunin ko sana ang phone ko para itanong kay Chad kung nandito na ba siya, pero bigla siyang nahagip ng mata ko. Nang magtama ang tingin namin ay agad siyang tumayo at naglakad papalapit sa akin.

Tiningnan ko ang suot niya habang naglalakad aiya. Chad was wearing green polo shirt and gray trouser. Naka-puting Adidas na rubber shoes siya. Simple lang ang suot niya, pero ang lakas ng dating.

"Hi." He smiled at me.

Ang pogi! Parang nalimutan ko bigla ang past namin!

"Kanina ka pa?" I can't help but to ask him. Ayoko namang manahimik lang.

"Hindi naman, kakarating ko lang din," he answered. Niyaya niya na akong maupo dahil ise-serve na raw ang order niya. I insisted to pay him for our food, but he refuses it. Siya raw ang nagyaya, kaya siya rin ang gagastos.

Way Back Home (Rekindled Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora