Kabanata 6

1.6K 39 8
                                    

Kabanata 6

Lesson Learned

"If ever you're in my arms again, this time I'll love you much better..."

—————


Hindi ako nagpalamon sa pagkabigo at sakit na naramdaman ko. Binaliwala ko ang lahat at umastang walang nangyari. Kaya naman nang matapos ang huling subject namin sa oras na alas tres ay nag-iwan ulit ako ng puting sticky note sa desk ni Maru.


Uwi na ko, Maru! Ingat ka!

- Ej


Ayan ang nakasulat sa maliit na sticky note. May dalawang subject pa kasi sila at hanggang mamaya pang alas sais ang klase niya. Gusto ko sana siyang hintayin para magsabay kaming umuwi. Parehas lang kaming taga Quezon City. Kaso nakakahiya naman, eh. Kaya wag na lang. Siguro sa susunod na lang. Kakapalan ko pang mabuti ang mukha ko.

Hindi ko siya nakita pagkalabas ko ng classroom. Siguro ay late na naman iyon. Nitong mga nakaraang araw ay palagi siyang late na pumapasok. Hindi naman siya ganoon dati. Ano kaya ang pinagkakaabalahan non?

Nagpasalamat ako kinabukasan nang wala akong nadatnang sticky note na malapit sa basurahan. Ibig sabihin ay tinanggap niya ang note ko? Wagas na ang ngiti ko sa naisip ko. Kami ang unang magkaklase sa araw na ito. Umagang umaga pa lang kaya tahimik pa ang buong Nursing Building. Nakangiti lang ako habang nakaupo sa aking upuan nang may mapansin ako sa teacher's table. Lumapit ako doon.

Kaya naman pala wala akong nakitang sticky note malapit sa basurahan ay dahil nandito siya sa teacher's table. Ang block ni Maru ang palaging huling nagkaklase sa classroom na ito kaya ibig sabihin ay kagabi pa ito nandito at ang swerte swerte ko dahil ako ang unang nakakita nitong lukot lukot kong sticky note. Jackpot! Mabuti na lang at apat pa lang kami sa classroom.

Dinampot ko iyon at mabilis na lumabas ng classroom para pumuntang cr. Pumasok ako sa isang cubicle. Tahimik sa loob. Sobrang tahimik kaya naiyak na ako.

Kinulong ko sa isa kong palad ang kawawang sticky note. Tahimik akong umiyak. Hinayaan ko lang na tumulo ang mga luha ko. Umupo ako sa nakatakip na inodoro at yumuko.

Another rejection. Another disappointment. Another heartache.

Namamaga ang mga mata ko sa buong araw na iyon. Panay ang tanong sa akin nina Opera kung bakit at anong nangyari. Sinabi ko sakanila ang nangyari at pinakita sakanila ang lukot na sticky note. Lahat sila ay napangiwi ang mukha.


"Sabi ko naman sa'yo tigilan mo na 'yan! Mukha ka na kayang tanga!" Galit na utas ni Yuni.

Inirapan ni Opera ang hawak niyang lukot na sticky note. "Ang arte naman ni Maru."

"Eh hindi naman kasi niya kilala kung sino ang nagbibigay niyan." Tinignan ako ni Precis. "Magpakilala ka na kaya?"

Napakagat ako ng labi sa suhestiyon niya. "Nahihiya ako, eh."

"Ngayon ka pa ba mahihiya?"


Nagulat ako nang hilain ako ni Yuni palabas ng classroom. Hindi siya nagpaalam sa prof namin na busy sa pag check ng papers namin. Sinundan lang kami ng tingin nina Opera at Precis.

Hindi na ko nabigla nang masilayan ko ang gwapong mukha ni Maru sa labas ng classroom. Kasama niya si John habang nakaupo at nakasandal sila sa dingding ng railings. Lumakas ang tibok ng puso ko at gusto ko na ulit pumasok sa loob. Sumakit na rin ang tiyan ko nang binaling niya ang tingin sa amin ni Yuni. Napatingin na rin si John sa amin at may binulong kay Maru.

Kung KailanOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz