Kabanata 49

1.3K 23 5
                                    

Kabanata 49

You Will Always Be

---------

"Anong plano mo sa sembreak? Anong gagawin mo sa Christmas and New Year?"

Tinignan ko lang si Shaira na nasa harapan ko at nakahalukipkip. Kanina pa siya tanong nang tanong sa akin ng mga gagawin ko this sembreak. Wala naman akong plano. Wala kaming family outing kapag Christmas break.

"Wala... Sa bahay lang."

"Ang boring naman ng Christmas break mo." Umirap siya. "Punta ka na lang sa amin. Kayo ni Zieg."

"I don't know. I'm still grounded. Baka hindi ako payagang lumabas."

Tinignan ko si Zieg sa aking tabi. Nakapatong ang kanyang ulo sa desk at natutulog. Maaga kaming natapos mag lunch break kaya umakyat agad kami sa room. Kaunti pa lang kaming nandito sa loob.

"Edi tumakas ka. Gumawa ka ng way para magkita kayo ni Zieg," naiinis niyang sabi. "Alam mo bang the best way to spend your Christmas and New Year is to be with the one you love?"

Inabot ko ang buhok ni Zieg at marahang sinuklay ito. Napangiti ako.

"Alam ko, Shai. Hindi mo na kailangang sabihin."

"So? May naisip ka na? Saan kayo pupunta ni Zieg? Tell me!" Nakita ko ang pag nguso niya. "Gusto kong sumama... Gosh! Bukas na ang last day ng pasok natin pero wala pa rin akong plano. Wala naman akong boyfriend. Si Zieg sana ang makakasama ko pero may Katarina na eh." Malakas siyang tumawa.

Imbes na mainis o mabahala sa sinabi niya, natawa na rin ako.

Mas lalo ko pang sinuklay ang buhok ni Zieg. Sobrang himbing ng tulog niya. Hindi ko mapigilang ngumiti nang malapad.

Ilang beses ko na bang sinabi ito sa sarili ko?

I'm so lucky to have Zieg Lloyd Gomez. Siya iyong tipo ng lalaking hindi dapat pinapakawalan pa.

Sa sobrang pagmamahal ko sakanya, niyakap ko siya habang natutulog. Narinig kong suminghap si Shaira.

"Masyado mo namang mahal si Zieg!" tawa niya.

I smiled at her. "Yup. I love Zieg so much."

Pagkasabi ko noon, nakita ko ang pagpasok ni Maru sa room. Kasunod niya si Yuni. Sabay silang napatingin sa akin.

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako sakanila o ano. Bago ko pa malaman kung anong gagawin ko, sila na mismo ang umiwas ng tingin sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin lalo na nang umupo si Maru sa tabi ko.

Pinanlakihan ako ng mga mata ni Shai. Tumaas ang kilay ko sakanya. Bakit?

"Gisingin mo na kaya ang boyfriend mo?" sabi sa akin ni Shai. Tumingin siya kay Zieg. "Malapit na mag time. Imbes na yakapin mo siya, halikan mo para magising!" tumawa siya nang malakas.

Napatingin sakanya iyong iba naming blockmates. Ang loka loka niya talaga.

Alam kong nakatingin si Maru sa akin ngayon. Kitang kita ko sa gilid ng mata ko ang pagsalubong ng kilay niya.

Huminga ako nang malalim bago ako lumayo kay Zieg. Tinapik ko ang braso niya para gisingin siya. But no response.

"Zieg..." Niyugyog ko ang balikat niya. "Zieg Lloyd..."

"Wow. Ang himbing ng tulog ng boyfriend mo ah? Mukhang puyat na puyat? Pinuyat mo ata siya kagabi, Katarina eh." Mapang-asar na tumawa si Shai.

Hindi ko siya pinansin.

Kung KailanWhere stories live. Discover now