Kabanata 20

1.3K 27 2
                                    

Kabanata 20

Girlfriend

----------

Umaga pa lang ng September 24, halos mataranta ang lahat ng estudyante ng FEU dahil hindi pa sumisikat ang araw, nagkakaubusan na ng magandang schedule para sa second semester. Sa online kami kumukuha ng block kaya sobrang malas kapag nagloloko ang internet.

Nakapili na ko ng magandang block. Syempre ay kasama ko si Maru. Siya ang pumili ng block na iyon. Ang sabi ni Maru, iyon din daw ang kinuhang block ni Yuni. Si Opera ay iyon din daw ang kinuha pero dahil nagkaubusan na at hindi nakaabot si Precis, umalis na lang din si Opera para samahan si Precis sa ibang block. Iyon ang sabi ni Maru sa chat. May mas alam pa siya kesa sa akin. Nakakalungkot lang pero ako rin naman ang may kasalanan kung bakit hindi ko iyon alam. Iniiwasan ko sila.

Ngayong araw rin ang birthday ni Maru. Binati ko siya nang tawagan niya ako sa Skype kanina. Hindi ko namalayan ang oras habang nag-uusap at nagkukulitan kami kung hindi pa niya sinabing kailangan na niyang kumilos para sa UAAP CDC mamaya. Kasama nga pala ang block nila para sa magchicheer sa pambato ng FEU.

Hindi ko maiwasang manghinayang. Dapat ay kasama rin kami pero nagkaroon ng conflict sa pagrereserve ng ticket ang PE faculty. Minalas ang tatlong block na tinanggal sa listahan. Ang malas ng block namin.

Nakatunganga lang ako sa aming tv habang hinihintay na magperform ang FEU Cheering Dance Company. Katabi ko si Ate Lousha habang kumakain siya ng home made pizza. Hindi ko alam kung nararamdaman ba niya ang pagkailang ko sakanya ngayon. Hindi ko siya gaanong kinakausap. Kapag nagkukwento siya o kaya ay may tatanungin sa akin, tipid lang ang mga sagot ko o di kaya ay tatango at iiling lang ako sakanya. Hindi ko alam kung napapansin niyang lumalayo ako sakanya.

Ayokong plastikin ang sarili kong ate kaya imbes na makipag-usap ako sakaya na para bang wala akong nararamdamang insecurities at inggit ay mas mabuti pang itikom ko na lang ang sariling bibig at wag siyang kausapin. Hindi pa rin mawala ang inis ko noong gabing pinagalitan ako nina mama at papa sa harap mismo ni Zieg. Si Zieg na nakatitig sa ate ko habang nanlulumo ako. Naiinis ako kay Zieg at naiinggit ako kay Ate Lousha. Dati pa lang ay malaki na ang nararamdaman kong insecurities sakanya pero nitong mga nakaraang araw, mas lalo lang lumalala.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Punong puno ang katawan ko ng insecurities. Lahat na lang kinaiinggitan ko. Walang pinapatos. Pati ang sarili kong ate at sariling mga kaibigan. Walang mali sakanila. Wala sakanila ang problema. Nasa akin.

Malalim akong bumuntong hininga dahilan para tignan ako ni Ate Lousha.

"May problema ka ba?" tanong niya, umiinom ng orange juice.

Umiling lang ako. Alam kong magtatanong pa siya pero pumikit agad ako para malaman niyang ayaw kong makipag-usap. I'm sorry, ate.

Dinilat ko lang ang mga mata ko nang magperform na ang FEU CDC. Their performance was okay. Okay pero may kulang. Kulang sa dating. Kulang sa pasabog. Kulang sa charms. Ewan. Iyon ang napansin ko.

Nawalan na ko ng ganang panoorin ang iba pang magpeperform dahil doon. Alam ko nang hindi mananalo ang FEU kaya pumasok ako sa kwarto ko at nagpahinga para makaligo na. Niyaya ako ni Maru na pumunta sa bahay nila mamaya dahil may handaan daw. Niyaya na ko ni Mave noon at balak ko talagang hindi pumunta dahil hindi pa kami ayos ni Maru noon. Pero ngayong okay na kami at siya mismo ang nagyaya sa akin, abot tenga akong pumayag sa gusto niya. Susunduin niya ako mamaya sa FCM pagkatapos ng UAAP CDC.

Kagat ko ang aking labi habang pumipili ng damit. Hindi ko alam kung dress o t-shirt at jeans ang susuotin ko. Sa huli ay napili kong mag dress. Birthday naman ang pupuntahan ko, e.

Kung KailanWhere stories live. Discover now