Chapter 16

59 1 0
                                    

"Tito Paulo must be proud of you," I told him.

"Siguro..." Chad said. "Sana."

Chad told me what happened to Tito Paulo. His death was sudden. May sakit pala siya sa puso, pero 'di niya 'yon sinabi kay Chad. Maging kay Emcy ay hindi rin. He died a week after our breakup. Kaya pala siya nag-transfer dati. Hindi lang pala dahil sa 'kin... o dahil kay Rhianne. Kundi dahil pala kay Tito Paulo.

I can't think how Chad survived those days without someone at his side. He only have Emcy. Walang magulang na nasa tabi niya... Tapos pati si Tito Paulo, nawala rin. It must be hard. No... It was really hard for him.

And I can't help but to be proud of him... because he survived.

Matapos ang usapan namin ay nagpaalam na ako para umuwi, at ganoon din naman siya. Halos mag-a-alas singko na nang maka-uwi ako. Magpapalit na sana ako ng damit nang tumunog ang cellphone ko. Chad messaged me.

chadrivas: jgh. thanks for today, ley :)

Smiling, I replied to him.

leyzaneunize: salamat din, chad

Kinabukasan, maagang dumating sa amin si Erich Lyn. Pero kahit maaga siya, naka-ready na ako. Tapos na akong mag-ayos. I was wearing yellow shirt again! Kahit asarin ako ni Erich Lyn, ayos lang!

"Ganap na ganap, ah!"

"Nakakahiya naman sa 'yo," pang-aasar ko. She was wearing green shirt. 'Yung pants naman niya ay white na may touch of yellow. Mukha tuloy dalawang team ang sinu-suportahan niya.

"Sorry, pantay kasi ang suporta ko," she said. "Hindi katulad mo na iniwan sa ere sina Scott, pagkatapos makita si Chad!"

"Tangina mo!" Scott na naman?!

Bago kami umalis ay chinat ko si Emcy na papunta na kami. Dala-dala ko na rin 'yung bracelet na ibibigay ko sa kaniya, 'yung may purple na pearl naman ang ibibigay ko. I can't wait to see her.

"Tatlo ang ipa-save mong seats kay Siman," sabi ko sa kaniya habang nasa byahe kami. Bago pa siya magtanong ay inunahan ko na siya, "Kasama natin si Emcy."

"Gago?! Totoo ba?!"

"Hindi."

Binatukan niya ako. "Parang bobo. Ano nga?"

"Obviously," maarteng sabi ko.

Nang makarating kami sa court ay hindi pa nagsisimula ang laro. Kakaunti pa lang ang tao doon kaya 'di masyadong sikip sa entrance. Tuwing pumupunta kasi kami dito ni Erich Lyn, nakikipagsiksikan muna kami bago makapasok.

After I sat down on my seat, I saw Chad laughing with his teammates. Yellow really looks good on him. Ang pogi niya lalong tingnan. Idagdag mo pa ang nakakahawa niyang ngiti. I can't help but to smile.

"Baka matunaw." Tinawanan ako ni Erich Lyn. "Ayaw kasing lapitan."

I shrugged. "Ime-message ko na lang siya."

Lalo siyang natawa. "Ay ang taray, nasa talking stage na ata."

"Whatever."

leyzaneunize: goodluck :)

Matapos kong i-send 'yon ay tinago ko na ang phone ko. Kita ko mula sa kinauupuan ko kung paano niya kinuha ang phone niya. Nakangiti siya habang nakatingin sa screen. Luminga siya sa paligid. Agad nagtama ang tingin namin.

"Thank you," he mouthed.

After few minutes, nagsimula na ang laro. Nasa kalagitnaan na ng second quarter nang may kumulbit sa kabilang gilid ko. Kunot-noo akong bumaling sa kaniya. Napatayo ako nang makita kung sino 'yon.

Way Back Home (Rekindled Series #1)Where stories live. Discover now