02

49 22 10
                                    

Ailbhe's POV

"Penge pa." Pumulot ng fries si Mehb sa hawak ko tsaka ito isinubo kahit pa man puno pa ang bunganga nito. Si Sìofra naman ay busy'ng nakatutok lang sa kanyang selpon.

Habang nakatingin ako kay Sìofra ay siya namang pananamantala ni Sehb na kumuha ng fries na hawak ko. Ang bilis pang isubo. Akala siguro nito hindi ko siya nahahalata.

"Sayo nalang kaya to, Mehb?" Sarcastic kong sabi dito na may masamang tingin.

"Hah? Eh? Sure ka ninyan? Geh akin na." Gaga talaga to. Kitang sarcastic lang ginaw pang totoo.

"Kanina ka pa kuha ng kuha ah, edi sayo na." Tsaka ko siya inirapan at napakamot naman ito sa kanyang ulo. Hindi pa nga kase ako nabubusog siya na iyung umuubos.

"Ail, alam mo na bang kahit sa social media sikat yung nangyari kanina." Sabat ni Sìofra sa usapan namin ni Mehb habang ang mata ay nakatutok pa rin sa kanyang selpon.

"How come?" I asked her. Pero walang impossible dahil lahat na ata ng mga tao ngayon ay may mobile phones. Pwede nilang ivideo ang nangyari kanina at i-apload sa social media.

"Gurl! Alam mo naman ang mga tao ngayon! Mga pakealamero't pakealamera. Malamang pinost sa fb!" Tumango tango lang ako. Wala naman akong pake kahit ipa billboard pa nila ito.

"Tarantada talaga tong si Sheena. Tignan mo naman yung caption oh! Baka pag nakita ko left and right kong masampal yan." Gigil na ani ni Sìofra at lumapit naman si Mehb dito. Kita ko ang pagkunot noo ni Mehb habang tutok ang mata sa hawak na selpon ni Sìofra.

"Ano ba yan? Read it." Tumingin silang dalawa sakin ng sabay saka ibinasa ni Mehb ang naturang kinaiinisan nila ngayon.

"Gosh, did Ailbhe Mapanghe Galera just basted our king?! Saby Keil Villanueva?! Napakaswerte na nga ng gaga sinayang pa niya! What a bitch. Pero sabagay okay na iyung ginawa niya. We don't want puffy girls that Ailbhe will be Saby's girlfie. Hindi din sila bagay sis, She is ugly. HAHAHHAHAHA." Napataas ang aking kilay. Is that so? Wala man lang katinag tinag sakin.

"Do you imagine that Ail?! This bitches just called you ugly and mapanghe!" Galit na ani ni Mehb. Sila, galit na galit na pero ako, kalmado lang. Hindi talaga ako malubay-lubayan ni Sheena ah. Napaghahalataang insecure.

"Ano ng balak?" Sìofra asked. Ngumisi lang ako kaya napasamid siya ng konti saka ako tinitigan ng may pagkadismaya.

"Gaganyan ka lang? Pangisi ngisi? Hindi ka gagalaw?!" Inis nitong sabi pero kalmado naman.

"Tsk. It's better to be silent. Wala tayong mapapala sa pagpatol sa kanila." Kalmado kong sagot sa kanila at napatango tango naman ang mga ito. Nagawa pang kumuha ulit ni Mehb sa fries na hawak ko. Walang hiya!

Nataranta kaming tatlo na nakatuon lang sa pagkain nang pumasok bigla ang adviser namin. Hindi man lang namin namalayan ang oras! Time na pala namin para sa first subject. Itinago ko ang milktea'ng hawak sa ilalim ng upuan ko habang ang dalawa ay kinuha lahat ang mga fries. Mabilis silang tumalima at nagsipunta sa kani-kanilang upuan.

"Good morning class." Bati ni binibining Anterya sa amin habang ang isang kilay ay nakataas pa. Napairap nalang ako at na pa 'tsk'.

Nagsitayuan ang mga kaklase ko pero nanatili lang akong nakaupo sa aking upuan habang naka dekwatro.

"Good morning Ailbhe. What's with that all black? Namatayan ka ba? Condolence." Sabay ngiti sa akin ng nakakaloko.

"Do I need to answer your question ma'am? I'm sorry but it seems like damdamin ata ni sir Julius para sayo ang namatay." Deretso kong sagot sa kanya at dumaan naman ang pagkagulat sa mukha nito. She scowl and her face turns red like a tomato. Did I just said something that make her angry?

The So Called Ms. MalditaWhere stories live. Discover now