03

33 18 0
                                    

Ailbhe's POV

Mabilisan naming kinain ang mga pimamili kong mga chitchirya kaya ang eksena na lang namin ngayon ay nakatambay pa din dito sa paborito kong spot ng campus. Nakahiga ako sa upuan na mahaba habang ang dalawa naman ay abala sa pagtitipa ng kani-kanilang cellphone.

Kinikilig pa ata si Mehb base sa kakaiba nitong ngiti. She is smiling like a fool. Pag-ibig talaga.

Inilagay ko ang aking dalawang braso sa aking batok para suportahan ang aking ulo. I closed my eyes and feel the calmness of the place. I released a heavy sighed, this is what I want. I'm always craving for this. Calmness of the place, and the silence.

"Gala na lang tayo." Iminulat ko ang aking mata matapos iyun marinig.

"May dala kang sasakyan?" Tanong naman ng isa. Tahimik lang akong nakikinig sa pinagpaplanuhan nila habang nakahiga pa rin.

"Wala, may paa naman tayo lakarin na lang natin. Diyan lang naman sa labas ng campus." Sagot ni Sìofra. Pumikit si Mehb na animo'y dismayado tiyaka bumuga ng hangin.

"Nagyayaya wala namang service."

"Sa view deck nalang tayo pumunta, maganda din doon. I want to visit the place again." Suhestiyon ko sa kanila at sila'y sumang ayon naman. Pumapalakpak pa si Mehb sa tuwa.

Class hours pa kaya mahihirapan kaming tumakas. Gawain na namin ito dati pa. Ilang beses na din kaming nahuhuli at dinadala sa guidance office pero wala iyung talab sa amin. Life is to short, enjoy and chill. Besides, my father don't care about on what i'm doing naman. Nakafocus lang siya lagi sa pangalawa niyang asawa at sa anak niyang hindi nanggaling sa kanya samantalang ang totoo niyang anak ay nandito at kinukulangan ng pagmamahal at nagpupunta punta lang sa kung saan saan. It's so unfair. Life is unfair.

Iniligpit na namin lahat ng aming mga kalat tsaka lumakad para makarating na sa aming pupuntahan. Pero hindi iyun basta basta dahil kailangan pa naming dumaan sa gate ng campus na may gwardya. Mahigpit din ang school na ito kaya takang taka ako kung bakit ang dalawang ito ay pinalabas ni Ms. Arterya ng basta basta nalang. Ibahin nila ako dahil may nagawa na naman akong katarantaduhan kaya napalabas.

Tahimik lang ako habang sumusunod sa kanila na nasa harapan ko. Kagaya kanina ay tahimik pa din ang paligid at ang kunting huni lang ng mga gurong nagtuturo ang naririnig ko. Hindi tama ang ginagawa namin. It's like we are doing the cutting classes pero totoo naman talaga. Hindi na mailalayo sa cutting classes ang ginagawa namin ngayon.

Dadaan kami sa likod ng classroom ng grade 8 para makalabas. Ito nalang talaga ang paraan para magawa namin ang aming ninanais ngayon. May pader doon na medyo may kataasan kaya kailangan pa naming akyatin.

Seryuso lang kaming naglalakad ng biglang may tumawag sa amin. Nagkakatinginan pa kami dahil sa gulat.

"Patay!" Sìofra closed her eyes, isama pa ang takot at pagkatarantang mababahid mo sa kanyang mukhs

"Saan kayo pupunta?" We turn our gaze to the old women who talked. It was the second teacher of the school campus, Ma'am emerita Pacsa. She is holding a bunch of papers. Ma'am Emerita is a petite girl with a blonde hair, chubby cheeks and also have rinkles in the forehead.

Lumapit siya sa amin habang ang tingin ay masama at nakakunot ang noo. Mehb hid behind me and didn't even bother to look at Ma'am Emerita.

I just stood formally and gave Mrs. Emerita a force smile. Hindi ito ngumiti pabalik. Gezz, she is really pissed now!

"Ano't nandito kayo't pagala gala? Sino ang adviser ninyo at pinapayagan kayong pumarito sa labas habang class hours!" Sìofra gulped besides me.

"O-om may pupuntahan lang po sag-"

The So Called Ms. MalditaWhere stories live. Discover now