05

31 13 0
                                    

Ailbhe's POV.

Iginugol ko lang ang buong oras ko sa pagseselpon hanggang sa magopen ako ng facebook ko at nakakita ng isang litrato ng tatlong tao habang na sa isang magandang restaurant at nagtatawanan ang dalawang mag-asawa habang ang anak nila ay siyang kumukuha ng kanilang litrato. I can't deny the fact that my heart skipped a bit. It was so painful seeing those pictures of them.

'Kung buhay pa ba si mommy magiging ganito din kami?' Tanong ko sa sarili ko.

Hindi ko maitago ang pait na nagdaan dito sa puso ko habang tinititigan ang litrato. It was posted by Grexia with captioned "happy to have you both in my life, i love you mom, dad. Thanks to the treat, dad @Kelbi Galera."  Sanaol hah! May pa treat treat pa. Kainggit naman yarn!

Hindi nga ako mabilhan niyan dati ng kahit Jelly ace! Nakakatampo talaga! Napaka unfair ng tandang to!

Napairap ako sa ere saka pabagsak na ibinato ang selpon sa kama ko. Ibinuhos ko ang pagtitig sa kisame ng wala na akong magawa. Nang hindi makontento ay kung ano ano na lang ang nilinis ko sa kwarto ko kahit hindi naman ito madumi. Matapos walisin ang mga kalat ko sa sahig ay napagdesisyonan ko na lang kunin ang isang libro na binili ko pa noon. Medyo may pagkahilig din ako sa pagbabasa ng mga novels.

Kaya kong basahin ang isang romance book sa loob ng isang araw lamang pero hindi ko man lang kayang hawakan ang mga librong related sa pag-aaral ko! Jusmiyo.

Well, nakakatamad naman kaseng magbuklat ng mga libro at magreview. (a/n: Alam ko relate yung nagbabasa)

Meron din ako yung ugaling bili ng bili ng mga libro pero hindi din binabasa kapag nasa kamay ko na. Ang ending, naging display na lang sa kwarto ko.

Dumiretso ako sa pang isahang taong sofa kung saan naroroon din ang mini table glass ko. Nakalapag lang din doon ang mga highlighters at mga ballpen na nakalagay sa loob ng isang maliit na basket.

Nagsimula akong basahin ang libro at medyo naiyak pa ako sa part ng conflict nito. Hindi maiiwasan.

Inenjoy kong basahin ang libro ni Author Jonaxx, at ang title nito ay heartless. Sa pagkakaalam ko ay siya din ang may pinakamataas na followers sa wattpad kaya siya tinaguriang Queen. Jonaxx. I am also a big fan of Q. J dahil sa husay nitong magsulat ng mga kwentong punong puno ng mga plot twists. Nakakamangha. Every part of her stories gives alot of lessons din. Hindi lang din about love ang pimupunto ng mga kwento niya kundi mga aral din tungkol sa totoong buhay.

Nang magsawa sa pagbasa ay kinuha ko nalang ulit ang selpon ko tsaka deretsang iniopen ang messenger ko.

'Tres marias'

Ako: bar?

Sìofra: gurabelz! Sunduin niyo'ko later dito sa bahay

Mehb:  haluuuhh! Pass ako now. Tinatamad akong kumerengkeng for todeys bidyow

Ako: pupunta ako mamaya sa bahay niyo. Let's see kung makakatanggi ka pa. You know me Mehb, right?

Pagbabanta ko dito. Ngayon pa tumanggi ang gaga, eh sayang-saya naman non kapag inaayang mag bar! Nagpakipot pa. Alam ko din namang hindi iyun magagawang tumanggi! Party is her life, too! Kaya imposibleng tatanggihan niya ang anyaya ko.

6:30pm nang magsimula akong magbihis. I just wore a red sphagetti strap, paired with a pencil skirt and a black 3 inches high heels. Naglagay din lang ako ng red matte lipstic sa maninipis kong labi tsaka naglagay din ng kaunting blush on sa pisngi ko. I just let my long straight hair hang in. Bagay naman iyon sa akin. Tumingin muna ako sa salamin at bumuntong hininga. You really look like her.

The So Called Ms. MalditaWhere stories live. Discover now