Prologue

1.3K 23 1
                                    


          Naniniwala ba kayo na may tao tayong makikilala at magiging parte ng buhay natin pero sasaktan lang pala tayo? Na sobrang mamahalin mo ng sobra pero in the end wawasakin lang pala yung pagkatao mo? Na aakalain mo sya na pero sa huli iiwan ka lang din naman pala mag-isa. Na mas pipiliin mo na lang kitlin ang buhay mo para matapos na yung paghihirap at sakit na nararamdaman mo.

          Dahil sa nangyari dumating ako sa point na kailangan ko kuwestyunin ang self worth ko. Kaawaan ang sarili ko. San ako nagkulang? Anong mali sakin? Bakit ako? Naging mabuting tao naman ako pero bakit kailangan ko magsuffer ng ganito? Bakit? Bakit yung iba masaya naman? Di ko ba deserve maging masaya?

          Pero naniniwala din ako na lahat ng taong inaalis sa buhay natin napapalitan ng higit pa. Na lahat ng sakit na naramdaman mo dati mapapalitan ng saya. Na lahat ng panget na alala mabubura ng mga bagong memories.

          At lahat ng ito nangyari sa di mo inaasahang lugar, oras at tao. Na yung akala mong ending ay magiging simula pala ng forever.

Forever with youOnde histórias criam vida. Descubra agora