Chapter 2

724 29 2
                                    

          Can't wait to land in Italy

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

          Can't wait to land in Italy. I feel so excited as I watch the clouds outside my window. Sobrang ganda. Ano kaya una kong titikman na pagkain dito? San kaya ako unang pupunta? Habang nag-aantay akong lumapag ang eroplado, I pulled out the Italy map guide Missy gave me. Sabi nya makakatulong daw to para di ako maligaw sa Italy. Si Jelai naman binigyan ako ng pocket dictionary para sa translations. At syempre si Tonsy, he lend me his travel camera para daw marecord at macapture ko lahat ng memories ko dito. Si Junjun? Ayun si Junjun pa rin na palaging nakabuntot kay Jelai. Hahahaha!

          Napansin ko na nahulog pala yung ID ko. Dadamputin ko sana pero naunahan na ko ng kung sino. Inabot nya sakin at agad na umalis. Di man lang tuloy ako nakapag thank you.

        Naging maayos naman ang byahe kahit malayo. Pagdating ko sa airport ng Italy agad akong tumawag kila Mommy para ipalaam na maayos akong nakarating. As usual walang katapusang bilin at paalala ulit kahit na bago ako umalis eh nasabi na nila lahat sakin. Naiiling akong naglakad palabas para sumakay na ng taxi papunta sa hotel.

       Dalawang araw lang naman ang convention pero I'm staying here for a week. Kaya I have 5 days para maglibot sa Italy. I'll be staying in the hotel kung saan gaganapin ang convention but I decided to transfer sa isang Inn after para mas makatipid ako. Besides maganda yung Inn na nakuha ko since may restaurant sa baba at base sa mga nababasa kong review sa internet mukhang masasarap daw ang mga pagkain.

     Pasakay na sana ako sa humintong taxi ng biglang may lalakeng nakipag-unahan para sumakay. Aba't!

    "Scusa I'm in a hurry! Grazie!" Sigaw nya habang umaandar yung taxi.

    Ang kapal ah. Parang di lalake. Nakipag-agawan pa.  Teka nga muna. Parang yun yung lalakeng nag-abot ng ID ko kanina sa eroplano. Nagkibit balikat na lang ako at naghintay na lang ulit. While waiting nagpalinga-linga ako baka makakita ako ng kakilala. Hanggang sa mapadpad ang mga mata ko sa maliit na pitaka sa harap. Nahulog siguro nung lalake sa pagmamadali. Agad kung dinampot at pinasok sa bag dahil dumating na yung taxi na maghahatid sakin sa hotel.

     "Benjamin Jimenez" bulong kong basa sa nakasulat sa ID na nasa loob ng wallet. 

     Mukhang importanteng mga IDs laman ng wallet pero hindi ko muna mahahatid dahil bukod sa pagod ako sa byahe may convention pa kong pupuntahan ng maaga bukas. Siguro sa susunod ko na lang hahanapin may-ari nito. Ipagtatanong ko na lang kung saang lost and found ko pwedeng ihatid.

Kinabukasan.

         Convention outfit check

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

         Convention outfit check. I had one last glance of myself in the mirror bago lumabas ng kwarto at dumerecho na sa function hall ng hotel. Pinag-isipin kong mabuti lahat ng OOTD ko sa Italy. Syempre kailangan palaging IG ready tayo. Para san pa at maging fashion designer ang mapapangasawa ni Kuya. Sya na naging fashion consultant namin ni Jelai sa mga outfits namin.

         I signed up, wear my ID and look for my seat. Sa bandang likuran ko napiling umupo. Maraming taong umattend at balita ko nag-invite sila ng mga successfull business owners dito sa Italy para maging speaker.

         Napako ang attention ko sa host na nasa harapan.

         "Everyone let me introduce to you our guest speaker for this year's convention. Mr. Benjamin Jimenez."

Wait. What? Who?
         


Forever with youOnde histórias criam vida. Descubra agora