Chapter 25

521 25 8
                                    

                   Naupo ako sa single sofa nila Kuya pagpasok ko.

                   "Oh Roni asan si Borj?" Tanong ni Junjun.

                   Bago pa ako sumagot pumasok na si Borj at derechong naupo sa arm rest ng sofa na kinauupuan ko. Tumayo at nagtungo sa kusina para tulungan ang mga girls magprepare ng merienda.

                   "Oh isang buwan kami mawawala ni Missy ah. Umayos kayo dito. Paki silip-silip na lang sila Mommy sa bahay. Kayo na din bahala sa utol ko."

                   "Alam mo kuya ang OA mo. Malaki na ko no. Hindi mo na kailangan istorbohin tong mga to para bantayan ako." Inilapag ko sa lamesa ang tray na may lamang juice.

                  "Oo nga pare. Don't worry ako na bahala kay Roni. Safe na safe to sakin. Kahit sa lamok di ko padadapuan to." Sabi ni Borj sabay akbay sakin.

                 "Mas kailangan ata ito ang bantayan nyo Junjun. Wag nyo palapitin tong si Borj kay Roni. Kapag nakita nyong lumapit itali nyo agad sa puno na maraming langgam."

                 "Pare naman. Akala ko ba okay na?" Nakataas nitong kilay. Tinapik lang ni kuya ang balikat nito bilang tugon bago nagtungo sa pinto dahil may nagdoorbell.

                 Isa-isang nagpaalam ang barkada para umuwi ng dumating sila Mommy at Daddy for dinner. Borj stayed and dine with us dahil na din sa request ni Missy. Minsan nawiwerduhan na ako sa babaeng to. Madalas siyang tumitingin samin ni Borj tapos bigla na lang ngingiti na parang baliw.

                 Kinabukasan hinatid namin si Kuya at Missy sa airport para sa kanilang honeymoon trip. As usual ang Mommy ko walang tigil ang paalala kahit na malalaki na kami. Natatawa na lang ako ng hilahin na sya ni Daddy pabalik sa kotse.

                  Kaming naiwan naman nagpasya munang mamasyal dahil bukas magiging busy na kami sa kanya-kanyang trabaho.

                 "Roni may sasabihin sana ako sayo." Seryoso sabi nito. Ipinark muna nya ang sasakyan sa tapat ng gate namin. 

                 "Ano yun? Ang seryoso mo ata."

                 "Uhm. Ano kasi." Kamot ulo nitong sabi. Kinakabahan.

                 "Kasi?" Humalikipkip ako at humarap sa kanya.

                 "Kailangan na kami naming bumalik ni Trisha sa Italy." Nagulat ako sa sinabi nya. "Pero don't worry babalik-balik naman ako dito kapag di busy."

                  "Kelan alis nyo?" Malungkot kong tanong.

                 "Next week pa naman. Pero sinabi ko lang sayo ngayon. Wag ka na magtampo" Nakatitig lang ako sa kanya habang pinoproseso ang sinabi nya

                  Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

                  "Ano ka ba Borj? Hindi naman ako nagtatampo. Besides dun ka naman talaga nakabase eh. Umuwi ka lang dito para madalaw sila Lola at para sa kasal ng kapatid ko. Naiintidihan ko naman. Nalulungkot lang ako kasi nasanay na ako na madalas kang kasama."

                  "Ako din naman nalulungkot na iiwan ka dito pero kailangan eh. Babalik naman ako. Promise." Hinawakan nya ang kamay ko at marahang pinisil. "I'll call you everyday. Para palagi pa din tayong nagkikita at nagkakausap." Jowa yern?

                   "Sinabi mo yan ah. But since isang linggo na lang kayo dito ni Trisha, okay lang ba na samahan mo ako sa buong week na yun para tingnan yung rerentahan kong place para sa itatayo kong bakeshop? Hindi pa alam ng barkada yun kaya wag ka muna maingay. Mapakadaldal mo pa naman. Mana ka sa bestfriend mo."

                    "Yun lang pala eh. Consider it done. Ikaw pa eh malakas ka sakin. Gusto ko din yun para palagi tayong magkasama." 

                   "Ikaw talaga puro ka biro."

                   "Hindi kita binibiro. Totoo yun. Tara baba ba tayo gusto ko din kasi makausap sila Tita eh."

                    "Huh? Bakit?" Takang tanong ko.

                   "Basta. Tara na." Mabilis syang bumaba ng sasakyan at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Nasa sala sila Daddy ng pumasok kami sa bahay.

                   "Good evening po." Magalang na bati ni Borj. "Pwede ko po ba kayong makausap?"

                   "Oo naman Borj. Tungkol saan ba?" Tanong ni Daddy habang pinapaupo si Borj.

                   Nasa tabi ako ni Mommy habang pinagmamasdan si Borj na kaharap ang tatay ko. He looks nervous and serious at the same time. 

                   "Magpapalam po sana ako kung pwede ko pong ligawan si Roni, Tito Charlie, Tita Marite." Nalaglag ang panga ko sa narinig. Parehong lumingon sakin ang mga magulang ko. Nambibigla naman tong taong to. Oo na agad. Joke lang.

                    "Salamat sa respeto Borj. Ngayon pa lang alam na namin na mabuti ang hangarin mo sa anak namin dahil nagpapaalam ka samin. Kung ano man ang maging desisyon ni Roni susuportahan namin. Ronalisa ano?"

                    "Roni pwede na kitang ligawan?" Letseng Italyano to ang galing magpakilig. Hindi ko na maitago sa mga ngiti ko

                     Nahihiya akong tumango bilang pagsang-ayon.

                    "Yes!" hiyaw nito.

                    "Hijo hindi ka pa sinasagot ng anak ko. Makahiyaw ka dyan. Roni wag mo sasagutin to. Nawala na nga yung isang maingay dito sa bahay mukhang ito naman ang papalit." Biro ni Daddy.

                    "Daddy naman." Hirit ni Borj.

                   "Pauwiin mo na yan Roni. Basted-rin mo na rin."

                    "Love ano ba? Palagi mo na lang binibiro si Borj." Aba may tagapagtanggol ang mokong.

                    "Thanks Mommy Marite." Yakap nya sa Mommy ko.

                     "Hindi sa tinataboy kita Borj pero umuwi ka na at gabi na. Baka hinahanap ka na nila Lola. Roni hatid mo na manliligaw mo." Yung nanay ko kung tumingin halatang nanunukso. 

                     Nagpaaalam na si Borj sa magulang ko. Habang narahan kaming naglalakad palabas ng bahay lihim ko syang pinagmamasdan. Ang swerte ko. Nakapamarespetong tao nitong maniligaw ko. Di ko mapigilan mapahagikgik dahilan para mapalingon sakin si Borj.

                     "I'm glad you're happy Roni. So pano starting tonight officially manliligaw mo na ako. Ako na lang bahala magsabi sa barkada. Pasok ka na."

                      "Good night Borj." Ngiti kong paalam sa kanya. 

                      "Good night baby."

             




SAGUTIN KO NA BA AGAD? OR PAHIRAPAN KO MUNA MANLIGAW?


THANK YOU GUYS!


xoxo

Forever with youWhere stories live. Discover now