Long time no update✋
Hope you all like it!
___________________________
Hingang malalim
Umupo ng taimtim
Sulyapan ang tanawin
At langhapin ang hanginIpikit ang mga mata
Pakinggan ang damdamin
At sabihing pwede na.
Pwede ka ng humingaPa-agusin ang luha
Ibuhos na natin
Wag kang magalala
Hanggat nandito kaPwede kang huminga
Hindi kailangan magsalita
Sapat na ang ikaw.
Sapat na ang iyong ginawa.Hindi mo man naririnig ito
Maniwala ka, MAGALING KA
Dahil hanggang ngayon
Nandito ka humihingaNapagod ka man
Gumising ka naman
Nagpahinga ka man
Pinapatuloy pa rin namanKaya hanggat nandito ka
Ikaw na nagbabasa
Ituloy mo lang yan
Dahil hindi ka nag-iisa✍🏼Louisse Iris Forbes
August 04,2023 (2142H)
![](https://img.wattpad.com/cover/89811486-288-k325703.jpg)
YOU ARE READING
Panulaan
PoetryPanulaan ang mga salitang may malayang paggamit ng wika. Ang tulang mababasa dito galing lang saaking makating isipan na may iba't ibang pinanggalingan o pinagmulan na naging inspirasyon ang sariling karanasan o madalas sa mga taong nakakwentuhan o...