Paano muling magsimula?
Sa katulad kong nawawala
Paano hahanap ng sagot
Sa utak na punong-puno ng tanongSaan hahanap ng gamot
Sa pusong sugatan
Paano babangon muli
Sa aking pagkadapa
Gusto kitang makilala
Tulungan mo kong ika'y makita
Sa matang nabulag sa baluktot na paniniwala
At sa mga matang natakpan ng makapal na kurtinaPero bago yon tulungan mo muna ako
Tulungan mo muna akong muling magsimula
Dahil hindi na alam kong paano muling magtiwala
Handa na kong sumugal para ika'y aking makilalaSa paglipas ng araw ako'y naghintay
Na ika'y dadating at hihilomin ang aking sugat
At hindi nga ako nagkamaling sayo'y magtiwala
Dahil unti unti mo akong binabagoAt unti unting muling natuto
Saaking pagdurog ngayon ay binubuo mo
Ang dating madilim na daan ngayon maliwanag na
Ang dating bulag ngayon ay nakakakita naDahil ikaw ang nagsilbeng ilaw
Saaking madilim na daan
Ikaw ang magsilbeng mata
Sa aking pagbubulag-bulaganAt ikaw pala ang tamang sagot
Saaking mga katanungan
Ang iyong kabutihang
Napakasarap sa pakiramdamKaya aking sinuong ang kadiliman
At doon ka natagpuan
Ang mga matang nagliliwanag
Na punong puno ng pag-asaAng mukhang walang bahid ng pagkukunware
Na punong puno ng pagmamahal
Ang iyong buhok na walang kasing kinang
Na nagtaglay ng pagkamanghaAng iyong pagmamahal ay walang harang
Na kahit sino ay pwedeng matagpuan
Na kahit sino ay pwedeng malaman
Basta gustuhin lang namin at aming matutuklasanKaya ako'y tuluyang kumuwala sa aking pagkakakulong
Bumangon sa pagkadapa
Umaalis sa pagkakakadena
At hinulma sa mas magandaNa pwedeng maging bagong ako
Bagong ako na sasamba sayo
Na ikukulong ang sarili sa yakap mo
Babangon sa bagong umagang binigay moAt babalik para isigaw muli ang pangalan mo
At mas minahal kita ngayon sa bagay na
Hindi mo ko hinulma para maging sila
Hinulma mo ko parang maging akoBinuo mo ko para hindi maging katulad nila
Binuo mo ako para hindi maging normal
Dahil ang katotohanan sa likod ng lahat
Binuo mo ko para bigyan ng sarili kong istorya.____________________
__________//
🙏🏻
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Panulaan
ПоэзияPanulaan ang mga salitang may malayang paggamit ng wika. Ang tulang mababasa dito galing lang saaking makating isipan na may iba't ibang pinanggalingan o pinagmulan na naging inspirasyon ang sariling karanasan o madalas sa mga taong nakakwentuhan o...