Ngayon nakikita ko ang bago mo
Kasakasama mo habang hawak kamay pa kayo
Pero imbes na ingit, awa ang nararamdaman ko
Sa bagong mabibikta mo ng pangsiosiopao mo.Dahil pagnabola - bola mo na
At nakuha ang tamang timpla
At pag asadong asado na
Iiwan mo nalang ng bigla.Kaya dapat para ka nalang talang siopao
Na may palatandaan sa gitna
At ng malaman na namin agad
Kung anong motibo mo talaga.Kahel para sa bola bola
Kung mangbobola ka lang naman
At pula para sa asado
Kung magpapaasa ka lang naman.__________________________________
________________________//Sunday (time : 3: 20 am)
For your info. Kahel = Orange
Vote 👍🏼 and comment 🗒
Thank you😃😃😃
![](https://img.wattpad.com/cover/89811486-288-k325703.jpg)
YOU ARE READING
Panulaan
PoetryPanulaan ang mga salitang may malayang paggamit ng wika. Ang tulang mababasa dito galing lang saaking makating isipan na may iba't ibang pinanggalingan o pinagmulan na naging inspirasyon ang sariling karanasan o madalas sa mga taong nakakwentuhan o...