Page 1

15 0 0
                                    

Fraia's POV

Tanaw na tanaw ko mula dito ang buong VAN HOVEN. Napaka abala ng mga tao sa pag sasanay ng kanilang mga charms at nagpapakahirap sa pag ta-trabaho pero kahit ganoon mababakas mo sa kanila ang kasiyahan na tila ine-enjoy nila ang kanilang ginagawa.

Life in Van hoven is not like the fairytale that you're thinking. We are surrounded by big and heavy walls that protects us from Dark charmers, mga rebelde kung tawagin. Nakatira sila sa Yullon, isang madilim at halos walang buhay na lugar.

People in Van hoven produces food para i-supply sa sentro, sa Florethia, para kaming magsasaka. Samantalang sa Florethia, ayun sila nag-aaral lamang at nagsasanay. Nagpapasarap lang sa buhay. So unfair right!?

At ako? Eto nakatira sa liblib na bahagi ng Van hoven, sa forbidden forest. No one is allowed to enter here due to the dangers lurking around this forest. Despite all of that, I am comfortable living here, ako lang kase ang andito kaya sobrang kapayapaan ang natatamasa ko. I have my tree house at ang pet kong si Puff, a cat. He can do telapathy.

Okay na ako sa ganito, walang kaibigan, walang inaalala kundi sarili lang.

Payapa akong naka silip sa aking bintana habang tinatanaw ang buong bayan. Magagabi na. Nararamdaman ko rin ang marahang paghampas ng malamig hangin sa mukha ko nang makaramdam ako ng presensya ng isang tao, kaya't naging alerto ako.

"Andito nako!!!" napalingon ako sa kanya.

"Oh ikaw pala. Diba sabi ko wag ka nang babalik dito" malamig kong sabi at dinedma niya lang iyon. Pabaksak syang humilata sa sofa.

"Ano kaba? malamang, sino pa bang maglalakas loob pumasok sa forbidden forest at akyatin ang pagkatariktarik na budok maabot ka lang at saka ang lungkot kaya ng walang kasama, kung ako sayo, aalis nako dito" napakadaldal talaga nya, nakakarindi.

"Hindi ako ikaw" I answered at nag snob lang sya.

She's Missiele Summer but she insisted to call her Missy, isang napakadaldal na babae. She has a shoulder length brown curly hair, that matches her pale white skin, and her eyes are black. halos dalawang taon na nya akong ginugulo, kesyo kaibigan nya daw ako at nag aalala daw sya sakin eh kahit kelan wala naman akong naging kaibigan.

Nakilala ko sya dahil sa katangahan nya, ang lakas kase ng loob na pumasok sa forbidden forest di naman nya pala alam ang daan pabalik, ayun naligaw sya... Buti nalang nakita ko sya habang gumagala ako sa gubat. She was 15 years old back then, I was one year older than her. She was covered with wounds at walang malay. Inatake siguro sya ng mga lobo, at dahil naawa ako, dinala ko sya sa treehouse at ginamot sya. She was unconscious for almost three days, akala ko nga patay na e.

Buti nalang sanay nako dito. Halos 12 years na kase akong naninirahan dito sa tuktok ng bundok. 12 years na rin ang lumipas mula nung mamatay si mama at papa. Pero bago sila mawala, they gave me a crystal stone necklace. Yeah, it was beautiful pero di ko yun masyadong sinusuot. Sabi nila ingatan ko yun dahil yun daw ang susi. Pano naman magiging susi yon?

Tuwing biyernes, pumupunta si Missy dito tapos mag ii-stay hanggang linggo at babalik sa kanila tuwing lunes, buti nalang at may dalawang kwarto dito sa treehouse. Nasanay nalang rin ako sa routine nya.

Oo, mabait sya, maalaga, at malalahanin pero di ko sya kailangan. Ayokong mapalapit sa isang tao. Ilang beses ko na syang sinabihang layuan ako pero nagpupumilit parin sya.

Yes, I live in Van Hoven, a place where charmer lives. But I don't know much about the history of this place. Wala rin akong pake sa mga uri ng charms, ano bang mapapala ko dun. Actually, I don't want to be a charmer, masyadong complicated ang lahat ng bagay, mas gugustuhin kong maging normal na tao.

"Hey! Penny for your thoughts?" she said while waving her hands in front of my face.

"Tsss." then i rolled my eyes

"Wala ka na bang alam sabihin kundi 'tss'?" sabi nya

"None of your business" tugon ko, bat ba di sya maubusan ng sasabihin?

"Hay nako Fraia, kelan ka kaya magbabago, pag patay nako?" sigaw nya.

"Pwede rin" then I smirked

"Argh I hate you!" she said tapos nag pout sya at natawa naman ako ng bahagya dun.

"Oo nga pala, bukas na ang festival ng Florethia, " seryoso nyang sabi

"Tapos? Anong pake ko?" sarcastic kong sabi ko habang patungo sa aking kwarto para sana iwasan sya pero sinundan nya lang ako.

"Ano kaba? Bibisita dito ang mga taga Florethia para gumala, balita ko magaganda sila at super pogi! Omg! At saka magpapakita sila ng mga charms nila, sabi nila bihasang bihasa daw yung mga yun! Nakaka excite!! Ano? Sama ka? D'yan lang naman sa field eh" natutuwang wika nya na inaalog alog pa yung braso ko.

"Ah, Florethia festival?" i said

"Oo!! oo!! Ano sama ka? Sama kana Dali na!"sabi nya na parang i-naasahang oo ang isasagot ko

"Ayoko" sabi ko at saka hinatak yung braso ko mula sa pagkakahawak nya at saka ako umupo sa kama. At nanlumo naman sya. Kung makikita mo lang ang itsura nya, parang batang inagawan ng kendi.

"Ah basta, pupunta ako. Bahala ka dyan." sabi nya at pa-padyakpadyak na lumabas ng kwarto ko. Sa wakas, wala ng maingay.

Humiga ako sa aking kama at tumitig sa kisame. Pupunta ba ako?

"Ugh, kahit kelan talaga yung babaeng yon! Ba't ba lagi nya akong napipilit?" mahinang sigaw ko

Napalingon naman ako sa biglang tumalon sa kama ko, si Puff pala. Puff is a gray furry cat that has a deep blue eye.. Yeah, EYE...As in isang mata lang, his other eye is somewhat a mixture of green and orange. He is very unique. Nakita ko si Puff na pagala gala malapit sa treehouse kaya naman kinupkop ko nalang sya. Wala namang may ari e.

I hugged Puff and scratched his belly at tila nagustuhan naman nya ito. Di rin nagtagal, nakatulog na ako.






Thank you for reading!
Don't forget to vote and comment.

Samorre Academy: Academy of Magicحيث تعيش القصص. اكتشف الآن