Page 4

7 0 0
                                    



Arqus' POV

6:00 am


Today is the day. Ika-limang araw na namin dito sa Van Hoven. Ito na ang huling araw namin dito sa Van Hoven. Limang araw na rin ang lumipas mula nung huli kong makita Miss death. Mag hahanap na kami ng mga taong karapat dapat naming isama pauwi sa Florethia, mayroon kaming standards na dapat isaalang-alang para malaman kung sinong nag stand out at nag sikap mag train para maka tungtong sa Florethia.

Maaga naming pinagtipon-tipon ang mga mamamayan sa field at maayos na silang nakaupo sa mga seats nila na kami ang nag arrange. Ilang minuto nalang ay mag sisimula na kaming mag hanap. Excited na rin ako kasi makikita ko na uli si Miss
death.

Oo na aaminin ko na. I'm quite interested to her.

"I can't wait to see her" mahinang bulong ni Samuel. Napatingin ako sa kanya. Type niya kaya si death?

"-and revenge" naiilang ng dagdag niya at luminga linga na tila may hinahanap.

"Sus, di mo lang matanggap na napabagsak ka ng babae. Grabe bro biruin mo K.O ka Hahaha- Araaayyy!!" Langhiya to binatukan ako. Napahimas ako sa ulo ko.

Inilibot ko ang aking paningin ko para sana hanapin si Death pero di ko siya makita.

"Siguro mamaya pa yun" sabi ko sa sarili

"Ang sabihin mo baka natakot magpakita sakin kasi alam nyang malilintikan siya" he said with a smirk.

"Pano matatakot yun? Eh kayang kaya ka nyang patumbahin kahit na di ka nya hinahawakan" I replied with a playful tone

"Shut the fuck up Ark" naiirita nyang sabi at nag peace sign lang ako. Maya maya nag salita ulit sya.

"Look at that girl, Siya yung kasama niya nung festival" turo nya sa isang kikay na babae na nakaupo sa di kalayuan. She's wearing a blue long sleeve na tucked-in sa black high waisted pleated skirt.

Ah! Oo nga siya yun pero bat di sila magkasama?

Mukha naman silang mag bestfriend kasi siya pa yung humingi ng dispensa noon. Lalapit na sana ako para tanungin yung kikay kaso biglang nag salita ang isa sa mga prof naming si Sir. Kleo na emcee na rin namin.

"First of all, Gusto kong magpasalamat sa pag dalo ninyo sa munting pagdiriwang ng kapistahan ng Florethia. Ngayon, para simulan ang seremonya, maaari lamang na tahimik na pumila ng dalawang linya. Sa kanan ang lalaki at sa kaliwa ang babae. Maraming salamat"

Sa hudyat na iyon nag simula na kaming kumilos at pumwesto sa harap ng pila. Kumilos na rin ang mga mamamayan at pumila na rin sila base sa kasarian nila.

Kailangan naming hanapan ng tattoo ang mga taong ito, kadalasan itong nakalagay sa pulsuhan. Tanda ito na karapat dapat na silang manirahan sa Florethia upang mag-sanay. The tattoo look like this

» ๛ « 

Hindi namin sinabi sa mga Van Hovennians ang tungkol sa tattoo dahil gusto namin, kusa itong lumabas kaya naman di nila alam ang hinahanap namin at kung bakit namin ito ginagawa. The tattoo symbolizes that they've found their special ability at kailangan namin silang dalhin sa Florethia para i-train sila upang maging malakas.

Charms are different from special ability because the moment you are born, you already have your charm. However, special ability is a different case. Only few people have it and you can only have one special ability. So, If isa ka na sa mga iyon. You're lucky.

Sa ngayon, patuloy kaming nag hahanap at nag susuri. Napansin ko na hindi pumila yung babae at nanatili lamang na nakaupo at nanonood sa ginagawa namin.

********


Minutes later, nag umpisa na rin ang piging, hiwalay ang table ng mga may tattoo sa wala, tapos na rin naming i check lahat. Actually hindi lahat. Yung babae, hindi pa siya na checheck.

"Hey, let's check her out" halos mapatalon ako nung biglang sumulpot si Samuel sa tabi ko. I composed myself and I nodded. Naglakad kami patungo sa babae ngunit humabol si Bea.

"Where are you going?" she asked Samuel.

"None of your bussiness" I uttered

"Am I talking to you Arqus?" she snorted

"Lah! Inaano kita? Hindi naman ikaw kausap ko e. Diba sam? Diba?" pabg aasar ko at na 'tss' lang si Samuel.

"Get lost" Bea said but suddenly Samuel spoke.

"Don't follow us" he coldly said.

"But-" wika ni bea kaso pinutol na ito ni Samuel

"Just leave me alone okay?" inis na sabi ni Samuel

"Y-yes" she said while stuttering at wala na syang nagawa nung tinalikuran namin sya at napatuloy sa paglalakad. Paalis na kasi yung babae. She's heading to the forbidden forest kaya naman binilisan namin yung paglalakad namin para maabutan sya.

Nung malapit na kami sa kanya, Samuel grabbed her arm.

"Ano ba! Bitawan nyo nga ako" she said at binawi ang braso nya.

"Where is she? The girl who stabbed me, where can we find her" Samuel asked in a calmed tone.

"Go find yourself" she bravely replied. Binasa ko ang isip nya.

"Hala! Baka mahanap nila si Fraia sa bundok"

Fraia? So fraia pala pangalan nya.

Slowly, I stepped near her at hinawakan ang braso nya.

"H-hoy bitawan mo nga ako." she muttered ngunit di ako nag patinag.

Inangat ko ang kanyang kamay at tinignan ang kanyang pulsuhan upang i check kung may tattoo roon. At tama nga ako, meron syang tattoo. Napa ngisi ako at saka tumingin sa direksyon si Samuel. Naka ngisi rin siya.

"Too bad, isasama kana namin" I said in my mind

"No! Di ako sasama sa inyo!" Hmmm. Mind reader ang special ability ng isang to.

"Ark, dalhin mo na siya pabalik sa field." may awtoridad na wika ni Samuel and I just nodded.

Hinila ko ang babae patungo sa field. Hinigpitan ko ang hawak ko dahil baka makawala pa sya.

"Bitawan mo nga ako! Masakit e" I paused then binitiwan ko sya but I made a fire handcuffs, sinigurado ko rin na hindi sya mapapapaso. Sakto lang para di sya makawala.

I let her lead the way back to the field while I followed her. Sometimes, I hear her deep sighs but most of the times nanlalaban sya. She uses her Earth charm para palindolin ang lupa, gumawa ng stone barriers, at umatake sakin. Lahat ginawa nya to injure me and escape but di yun umubra sakin. Kumpara sa kanya, mas trained at mas may experience ako sa gantong bagay kaya wala syang laban sakin.

Di rin nagtagal ay napagod siya at naubos ang lakas niya. Yun ang disadvantage kapag madalas mong ginagamit ang charm mo. Madali kang mapapagod. Hinang hina na syang maglakad at para na syang pagong. Pumunta ako sa harap nya at inalok ang aking likod.

"Umangkas kana, ipapasan kita" I said

"Hell no" she muttered

"Bilisan mo na choosy kapa eh, mukha ka na ngang zombie dyan" I teased her pero wala syang ginawa. She just stared at me.

"Don't worry, I'm harmless"  this time umangkas na sya at pinasan ko na nga siya then I started walking. She's light as a feather. I felt her warm breath in my neck which gave me goosebumps.

Nakarating na kami sa field at sa tingin ko ay tulog na sya kaya dinala ko nalang siya sa cabin ko. Nagtawag din ako ng healers para gamutin siya then I left her peacefully sleeping inside my cabin.

















Thank you for reading!
Vote and comment.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Samorre Academy: Academy of MagicWhere stories live. Discover now