34

184 2 0
                                    

» 34 «

Messages: Brent 👨‍✈️

Today 12:12 PM

San ka?

Dito sa bahay

Galing ka raw dito sabi ni manang nakita ka kanina
Bakit di mo ko tinawag?

May bisita kayo nakakahiya
Nag-uusap pati kayo ayoko namang mang-interrupt

Bakit ka mahihiya
Kilala mo naman si Twyla
Magkakilala kayo ah

Luh nakakahiya pa rin 🤣
Nakauwi na pala sya

Dumating kahapon
Sabi magbabakasyon daw dito sa Pinas

Kasama family nya?

Si ninang lang
Ano balik ka dito
Dito ka na maglunch

Hahahaha balik na lang ako mamaya
Kakakain ko lang din bago ako nagpunta dyan kanina eh
Tulungan ko pati si ate ayusin yung kwarto ni mama at uuwi na bukas di ba

Talaga ba
Wag nga ako
Di ka naman pupunta dito kung may gagawin ka

Seryoso nga
Hihiram din sana ako ng hagdan sa inyo kanina kaya napadaan ako

Para san?

Ikakabit yung paintings na binili ni ate
And yung kurtina papalitan

Sige ako na lang pala pupunta dyan
Ako na magdadala

Hoy shuta ka may bisita kayo ah
Nakakahiya kay Twyla
Kahit mamaya na lang pagbalik ko

Hindi
Nandito naman sina mama
Kakain lang ako

Gago pinuntahan ka nga dyan tapos lalayasan mo
Sama talaga ng ugali neto

Di mo ko mapipigilan
Hintayin mo ko
Dalhan ko rin ng catfood si Betty

Jump Then Fall | EpistolaryWhere stories live. Discover now