88

176 0 0
                                    

» 88 «

Messages: Phil

Today 8:18 PM

Phil anong oras ka babalik
Pota kailangan ko ang tulong mo pare

Pauwi na pare hinihintay lang namin si Capt Vinci gawa nung form
Anong maitutulong ko ba? Si Von asan?

Pare kausapin mo naman si Blythe oh

Ha bakit
Ano bang nangyari

May nagpost ng pic ko online
Ito
📎 sent a link
Ikaw ang kasama ko kahapon dyan di ba alam mo kung ano ang totoong nangyari

Hala gago ayan nga yung nakita ko kanina
HAJAJAHAAH tawang tawa ako pre ayan yung babaeng tingin nang tingin sayo kahapon di ba

Gago tawa ka pa dyan
Nang dahil sa post na yan nagalit yata sakin si Blythe 😩
Akala yata nambabae ako pucha eh hindi ko nga yan kilala 😩

Tanga edi ipaliwanag mo
Sabihin mo yung totoo
Kahit nga ako nagulat nung nakita yang post e
Pero yung caption talaga HAHHAHAHAH taena parang long lost friend lang
Akalain mong napicturean ka pala nun?

Di ko nga rin alam
Dumaan lang naman sya nun sa pagkakatanda ko
Taena

Ayan daming galit sayo ol pre
Potangina cheater ka raw payag ka nun
Nasan ba si Von at mapatulan tong mga to parang mga gago wala naman silang alam sa nangyari

Wag mo nang pansinin pare di naman mahalaga yan
Mas importante na malaman ni Blythe yung totoo kaya lang pota ayaw akong replyan ngayon

Baka naman nag-aaral pre mamaya mo na guluhin
Wag kang kati-katira

Hindi pre sabi sakin kaninang umaga wala naman daw syang gagawin ngayon
Nakauwi na pati sya galing party sabi sakin ni JM
Di ko na alam gagawin ko

Taena ka sige sige ako kakausap
Baka makauwi ka na naman sa inyo bigla e maaga tayo bukas gago

Salamat pare
Libre kitang Jollibee bukas

Jump Then Fall | EpistolaryWhere stories live. Discover now