CHAPTER FOUR

79 8 0
                                    

      Umupo ako sa tabi niya. Nanonood siya ng Movie. Sinubukan kong lumapit sa kanya pero lumayo lang ito sabay hikab.

       "Palitan ko lang ang kobre kama pati mga punda tapos pwede ka ng mahiga dun."  tumayo ako at dumeretso sa kuwarto ko. Isa lang kasi ang kuwarto ng Bahay ko pareho kami ni Peter.

       Dala ko na ang mga maduming punda at kobre kama. Natigilan ako ng makita kong nakahiga na sa couch si Charlotte nakabaluktot ito nangingitim pa ang mga braso niya. Ibinaba ko sa gilid ang dala kong mga labahan.

       Lumapit ako sa natutulog na anyo ni Charlotte. Sana kaya kong ibalik yung dati naalala ko nung araw na sinagot ako ni Luna. Naroon si Charlotte at alam kong nasaktan siya pero maspinili niyang manahimik. Yung araw na yon hindi na siya gaanong nagpapakita sa Dynamic Rythm.

       Gumalaw si Charlotte. Binabanggit niya ang pangalan ko baka nananaginip siya. Kahit pala sa panaginip umiiyak siya dahil sa akin. Ang T*nga ko talaga. Yumuko ako at marahan siyang binuhat.

       Pangako bukas paggising mo ipapakita ko sayo na mahalaga ka sa akin. Marahan ko siyang inihiga sa kama ko. Sakto lang ang laki nun para sa dalawang tao pero sa couch ako matutulog sigurado ako na ayaw din niya akong makatabi.

        Hindi ko alam pero may tumakas na luha sa mata ko. Ang sakit pala kapag binabalewala ka ng taong gusto mo.

       Pagdusahan mo Arth! Ikaw ang  gumawa ng ganitong sitwasyon. Hindi mo siya pinapahalagahan dati kaya magdusa ka! Sunod sunod ang luha ko habang nakain siguro gusto ko na siya dati pa tinatanggi ko lang dahil hindi ko kayang amin sa sarili ko….

       Binuksan ko ang Aircon para hindi siya mainitan. Sinigurado ko munang kumportable siya bago ako lumabas ng kuwarto saka ko isinara ang pinto. Hinubad ko na ang t-shirt ko. Pinatay ko ang ilaw sa Sala saka ako humiga sa couch. Pero hindi ako  makatulog at hindi ko din alam kung bakit. Umupo ako mula sa pagkakahiga. Hindi talaga ako makatulog. Tumayo ako at pumunta ng kusina para uminom ng tubig.

       Inubos ko muna ang isang basong tubig. Saka ako bumalik sa kuwarto ko. Patay ang ilaw pero bukas naman ang lampshade sa gilid ng kama ko. Tahimik akong naglakad palapit sa kama saka dahan dahang humiga sa tabi ni Charlotte. Bukas ko na lang iisipin ang palusot ko. Basta ang gusto ko sa mga oras na ito ay makatabi siya. Humarap ako sa kanya. Tulog na tulog siya. Dinama ko ang tiyan niya. Napangiti ako.

       "Baby...si Papa to... patabi lang senyo ni Mama ha. Sana hindi ka galit sa akin gaya ni Mama. Naging bad kasi ako...pero babawi ako sayo lalo na kay Mama."

       Saka ako nakaramdam ng antok. Wow totoong inaantok na ako. Lumapit pa akong lalo kay Charlotte saka ko siya niyakap. Tutal tulog na tulog ito hindi niya malalaman na yakap ko siya.

        Maaga akong nagising naghanda ako ng almusal. May Mall tour uli kami. Isasama ko si Charlotte kaya may dala akong dalawang bag.

      "Arth?"  tawag ni Zach asa labas siya ng Bahay ko.

      "Pasok ka pare."  sagot ko abala kasi ako sa mga binalot kong pagkain para kay Charlotte.

       "O ito na yung helmet na pinabili mo Red...so Anong gagawin mo sa dating helmet? Itatago."

        "Itatapon ko na yon pare baka umiyak lang uli si Charlotte."  tinapik ako ni Zach.

       "Good! So paninindigan mo na talaga?"

       "Oo naman akin yong dinadala niya kaya bakit hindi ko siya pananagutan. O gusto mo ba?"  alok ko sa kanya ng Isang sandwich.

        Bahagya siyang natawa saka kumuha ng Isa.  "Okay. Salamat sa sandwich. So kita kits na lang ba tayo dun?"

Just Once my Wild Charlotte Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora