CHAPTER SIX

76 9 0
                                    

       Pinagmamasdan ko si Charlotte habang pumipili siya ng mga makeup... alam kong namiss ang mga bagay na yon. Simula kasi ng inayawan ko siya binago na niya ang sarili niya para lang mapansin ko. Papunta na sila sa Counter. Kitang kita ko ang ngiti niya. At sa unang pagkakataon hinawakan niya ako sa braso ko saka ako nginitian. Yon oh...namiss ko yang smile na yan. Dati naaasar ako sa tuwing nakasmile siya sa akin... ngayon hinahanap hanap ko yon nakakawala kasi ng pagod.

      "Yan na bang lahat ng gusto mo?"

      Tumango lang siya.

       Tinotal na ng Cashier ang pinamilk namin. Inabot ko dito ang Credit card ko. Okay kahit maubos pa ang laman nun Basta ang mahalaga masaya si Charlotte masyado ko siyang nasaktan dati kaya kulang pa ito kasi kahit binalewala ko pa siya eto siya itinuloy niya ang pagbubuntis sa anak ko...Tama kulang pa itong kabayaran ko sa ibinigay sakin ni Charlotte... excited na akong makita ang minions namin. Isang malaking paper ang dagdag sa dala ko ngayon pero ayos lang.

        "Saan mo gustong kumain?"

        Lumingon siya sa paligid.  "Sa Mang Inasal. Gusto ko ng inihaw na manok saka Toyo yung may kalamansi. Tara na Arthur naglalaway na ako."

        Natigilan ako kasi ang haba ng sinabi niya. Hinatak niya ako. Nakahanap agad kami ng upuan. Umorder muna ako. Pagbalik ko sa upuan namin dala ko na ang order namin. Maganang kumain si Charlotte naka-ilang unli rice pa nga siya Kasi talagang nagugutom daw siya. Naubos niya ang unang order ko na manok kaya pumila uli ako para bilhan siya. Pinagmamasdan ko siya habang sinisimot niya ang buto ng manok. Mabilis Naman ang pila kaya nakabalik ako agad Bago niya maubos pati buto.

      Hindi naman kami nagmamadali e kaya okay lang na kumain pa siya. Sarap na sarap siya sa Toyo na may kalamansi.

        "Charlotte."  awat ko ng hihigupin na naman niya ang sawsawan.

         "Hmp?"  napatingin ito sa akin habang hawak ang maliit na lalagyan ng sawsawan.

        "Baka masobrahan ka sa Toyo. Baka jasi magka UTI ka o baka umitim si Baby?"

         Tinitigan ako nito saka nakangusong inilapag ang maliit na mangkok ng Toyo. Ang cute niya. So ngayon ramdam ko na mahal ko siya.

         Hindi ko na napigilan pa. Tumayo ako at bahagyang yumuko... Saka ko siya hinalikan sa labi. Namiss ko ang halik na yon. Isang gabi ko lang siyang nahalikan...kumpara sa unang halik ko sa kanya masbanayad at may paggalang ang halik ko ngayon. Saglit akong humiwalay sa labi niya.

      Namilog ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.  "Arthur nakakahiya madaming tao nakatingin sila----"

       Hindi ko na siya pinatapos pa bigla ko siyang hinalikan at masmasarap ngayon lasang lasa ko ang Toyong may kalamansi natawa ako kaya humiwalay uli ako saka umupo. Wala akong pakialam sa mga tao. Ang mahalaga lang ay si Charlotte ayaw kong maramdaman niya na binabalewala ko siya.

       Medyo kumunot ang noo niya. Nag-angat ko ang paa ko ng tapakan niya ako.  "Bakit mo ko tinatawanan? Pagkatapos mo akong halikan."

       Hala mukhang iiyak siya. Agad kong hinawakan ang kamay niya.  "Hindi kita pinagtatawanan... Yung Toyo Kasi nalasahan ko. Saka pwede pahalik uli pagdating natin sa Bahay? Kung pwede lang naman."

      Namula ang mga pisnge niya saka yumuko. Hindi siya sumagot. Pinisil ko ang kamay niya. "Kain ka lang. Kapag kulang pa sabihin mo lang."

       Tumango lamang siya. Tumayo ako at tumabi sa kanya. Inilagay ko ang kanang braso ko sa likod ng kinauupuan niya saka ko kinuha ang cellphone ko para magselfie kaming dalawa naalala ko kasing Wala pa kaming picture na dalawa.

Just Once my Wild Charlotte Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon