CHAPTER TEN

75 8 2
                                    

      Ilang araw din sa Ospital si Charlotte.  Kaya ilang araw din akong nagpapabalik balik. Ayaw kong tumanggap ng tulong mula Kay Madame...saka ayaw din ni Charlotte.

      Ngayong araw ang labas niya sa Ospital. Hindi pa niya kayang maglakad dahil nakasemento pa ang isa niyang Binti nadislocate kasi ang buto niya sa tuhod nung sinipa daw siya ng Allessio ng yon.

      Tinulak ko ang wheeled chair niya palabas ng Ospital. Andun na ang Grab na kinontak ko para maihatid kami sa Bahay. Dahan dahang tumayo si Charlotte para makapasok sa loob ng kotse.

      "Dahan dahan ka lang. Ma."  natigilan siya at napatitig sa akin.  "Bakit?"

      Umiling siya. "Uwi na tayo. Arthur."

      Itinupi ko muna ang wheeled chair niya na binili ko para hindi siya mahirapang maglakad. Inilagay ko sa trunk ang wheeled chair. Pagpasok ko sa loob ng kotse agad akong niyakap ni Charlotte. Inakbayan ko siya.

      "Mamaya asa Bahay na tayo. Magluluto ako ng Tinolang Manok para may mahihigop kang sabaw.". tumango ito.

     "Matulog ka muna. Ma. Medyo matrapik e. May pagkain at inumin ka dito sa bag kung sakaling nagugutom ka."

    "Hindi ako nagugutom. Arthur. Gusto ko ng umuwe...gusto ko nang humiga sa kama natin."

     Kinantahan ko siya para makatulog naman siya kahit papaano. Naramdaman ko na lang na medyo bumigat ang pagkakayakap niya ibig sabihin tulog na siya.... inayos ko siya ng pagkakahiga para hindi maipit ang kanyang tiyan.

"CHARLOTTE GISING na andito na tayo sa Bahay."  marahan ko siyang niyugyog.

     Buti at mabait si Manong Driver siya na ang nagprisentang ayusin ang wheeled chair para makaupo si Charlotte. Binuksan ko muna ang gate para ipasok muna siya medyo mainit tanghaling tapat na kasi. Saka ko isa isang kinuha ang mga dala namin. Nagbayad na ako sa Driver at nagpasobra ako tutal mabait siya.

     Nilock ko din ang gate pagkapasok ko. Tinulak ko ang wheeled chair palapit sa pinto saka ko iyon sinusian. Pagbukas ng pinto itinulak ko uli ang wheeled chair para makapasok na si Charlotte. Binuksan ko agad ang elektrikpan at T.V.

      Inilatag ko ang mga dala kong pagkain sa malapad na center table saka ako dumeretso sa kusina para magluto ng Tinolang Manok. Nagsaing din ako madami para madaming kakainin ang mag-ina ko ang laki kasi ng ipinayat niya simula ng kinuha siya sa akin ni Allessio.

     Sinusulyap sulyapan ko siya habang nagluluto ako. Natatawa siya sa pinapanood niyang pelikula... Sige din ang kain niya ng mga tinapay at biskwit na inilatag ko sa center table. Ang sarap pakinggan ng tawa ni Charlotte.

      Habang inaantay kong kumulo ang Tinola nagtungo ako sa kuwarto para ayusin iyon. Kumuha din ako ng dalawang unan para sandalan ni Charlotte habang nakaupo siya sa sofa. Namiss ko yung ganito na inalagaan ko siya.

     Bumalik ako sa Sala. Inayos ko muna ang mga unan saka ko binuhat si Charlotte at inihiga sa sofa. Bahagya siyang nakaupo para kumportable siya habang nanonood ng T.V.

      Bumalik uli ako sa kusina para tignan kung luto na ang Tinola.

      Luto na kaya nagsandok ako ng isang mangkok na ulam at isang platong kanin dinala ko iyon sa Sala saka iyon inilapag sa center table. Kumuha ako ng kutsara at tinidor. Umupo ako sa tabi niya paharap sa kanya.

      "Ma. Kain na."

      "Arthur?"

      "Susubuan kita. Para hindi ka mahirapan. Medyo mainit lang ha. Tapos mamaya hihigop ka ng sabaw para may mahihigop ang Baby natin."

Just Once my Wild Charlotte Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon