Chapter 2

94 9 1
                                    

Bitbit ni Raymond ang dalawang paper bag na kaniyang ibibigay sana sa dalagang nakasama niya buong gabi. Masaya siyang bumalik sa club at inaasahang makilala pa nang lubusan ang dalaga.

"Sir Raymond!" bulalas ng secretary nito nang makita siya.

"Yes? Is there a problem?" tanong niya.

"Sir, umalis po yung babae. Sorry po, hindi ko napigilan. Ang bilis po niyang tumakbo paalis!"

Nang sabihin iyon ng kaniyang secretary ay tila ba nanlumo siya. Napabuntong hininga na lamang si Raymond habang nakatitig sa mga bitbit niyang hindi na niya naibibigay pa sa dalaga.

"Find her, I want to know everything about her, Gale." Mabilis namang tumango ang secretary niyo.

Malungkot na pumasok ng silid si Raymond. Magulo ang kama at bigla niyang naalala na kinuha niya nga pala ang isang heels nito. Gusto niya kasing malaman ang size ng mga paa niya kasi binilhan niya ito ng sandals na flat lamang. Dahil naiisip nitong baka sumakit na ang paa niya sa 6 inches nitong heels.

Mas lalong nag-alala si Raymond, siguro ay naglakad iyon nang walang heels ang isang paa. Paano kaya iyon uuwi? Balak ko pa namang ihatid siya kung sakali para malaman ko kung saan siya nakatira. Mukhang dadalas ang pagbisita ko rito sa New York para sa dalagang 'yon.

Biglang tumunog ang cellphone ni Raymond. Nakita niya ang pangalan ng kaniyang nakatatandang kapatid na tumatawag. Agad niya iyong sinagot.

"Hoy!" sigaw ng kapatid niya mula sa kabilang linya, halos mabingi naman si Raymond kaya nagsalubong ang kilay niya.

"What do you want?"

"Samahan mo 'ko. Pinapupunta ako ni Dad sa Brazil! I hate there! Dapat ikaw ang inutusan!"

"I'm here at New York."

"What!? Kailan pa!?"

"Two days ago."

"Oh, kailan ka uuwi?"

"I don't know, maybe after I finish some of my business here," sagot niya.

"Hhmmm, nandyan ka sa club? Sana naman pag-uwi mo ng Pilipinas ay hindi ka na single. Bawasan mo na kasi 'yang pagiging masungit mo para may babaeng magkagusto sa 'yo!" sermon ng kaniyang ate.

Napabuntong hininga si Raymond. Mabilis niyang pinatay ang call nila, dahil naiinis na naman si Raymond sa pagpupumilit ng kaniyang kapatid na pumasok na si Raymond sa isang relasyon. Sa totoo lang ay marami na siyang babaeng nakilala pero lahat sila ay sablay, sapagkat hindi talaga gusto ni Raymond ang babaeng masyadong obsessed sa kaniya. Pakiramdam nito ay nagustuhan lamang siya dahil sa yaman. Ngunit ngayon ay kakaiba ang nararamdaman niya para sa babaeng nakasama niya buong gabi.

"Sir!" Biglang bumukas ang pinto, iniluwa nito ang kaniyang secretary na may hawak na ipad. "I gathered data, heto po ang background ng babaeng nakasama ninyo."

Tila ba nabuhayan ang puso ni Raymond. Agad niyang kinuha ang gadget ng kaniyang secretary upang basahin ang mga naroon.

"Aryanna Perez, 22 years old. Daughter of Fidel Perez, a business man."

Biglang naging pamilyar ang apilido nila, tila ba nakita na niya ito sa mundo ng mga business man. Baka kilala ng kaniyang ama ang magulang ni Aryanna.

"So, she's Aryanna..."

"Also, I checked the surveillance camera. I was able to track her location. She's staying in a 5 star hotel, I told your body guard to check on her-"

"No, don't approach her. Alimin niyo lang kung anong galaw niya, kung nasaan siya at anong ginagawa niya."

Taming My Playgirl WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon