Chapter 4

87 11 1
                                    

"I'm so grateful na anak ko ang napili mo for this arranged marriage," sabi ng ama ni Aryanna.

Napayuko naman si Aryanna at naupo sa malaking sofa. Hindi siya makatingin sa binata sapagkat naalala lang niya ang gabi na may nangyare sa kanilang dalawa.

"Actually, Mr. Perez... My father is the one who chose her."

"So, this is your first time meeting my daughter?"

Napatingin naman si Raymond kay Aryanna. Bahagyang napangiti bago sumagot.

"Maybe."

Napataas ang kilay ni Aryanna sa sagot ng binata. Bigla namang nag-ring ang cellphone ng kaniyang ama kaya wala itong nagawa kundi ang lumabas.

Pakiramdam ni Aryanna ay hindi siya makahinga, sapagkat silang dalawa lang ni Raymond ang nasa loob ng silid. Naupo si Raymond sa tapat ni Aryanna kaya napaangat ito ng tingin sa binata.

"You remember, don't you?" mataray na tanong ni Aryanna.

"Oo, naaalala ko." Seryosong sagot ni Raymond.

Napasinghap si Aryanna at halos magkiskis ang mga ngipin niya sa inis, dahil nagpanggap talaga ang binata na hindi sila magkakilala.

"Sa lahat ng lalake, bakit ikaw pa? Anyway, that's just a mistake. Lasing ako that night, you took advantage of me!"

"I didn't, ikaw ang nauna. Napilitan nga lang ako kasi sinimulan mo, hindi mo ba naalala kung paano mo ko halikan—"

Napatayo si Aryanna at halos tumalon sa lamesang nasa pagitan nilang dalawa para takpan ang labi ng binata, inis na inis siyang tinignan ito. Kaba ang nararamdaman ni Aryanna sapagkat para sa kaniya ay malaking kahihiyan ang ibigay ang perlas sa lalakeng hindi naman niya kilala.

"Shut up, magpanggap kang walang alam. Kalimutan natin ang gabing 'yon. Lasing ako, at hindi dapat nangyare 'yon," madiin na sabi ni Aryanna.

Napangisi naman si Raymond sa inasta ni Aryanna. Kitang-kita ang kamalditahan nito, ibang-iba sa ugali niya noong una silang nagsama. Hinawakan ni Raymond ang kamay ni Aryanna, malambot pa rin ito kagaya noong una niyang nahaplos ang balat nito.

"Fine, itatago natin sa lahat na kilala natin ang isa't isa at nagkasama na tayo sa Amerika. By the way, ganoon ka ba talaga? Pagkatapos mong sumama sa lalake bigla mong tatakbuhan?" kunot noong tanong ni Raymond sa dalaga.

Napaawang ang labi ni Aryanna at pumamewang sa harapan nito.

"Excuse me, first time lang 'yon kaya ako tumakas—not as in takas—"

"Wait... Ibig sabihin. First mo 'ko?" Halos tumalon ang puso ni Raymond sa tuwa.

"O-Oo. Baka isipin mo pa madumi akong babae. Baka nga ikaw 'tong iba't ibang babae na ang—"

"We're mutual, Ms. Aryanna. I don't date anyone, I'm single kaya napili rin ako ni Dad to have an arranged marriage."

"H-Huh? Ahh... Ganoon ba?" Napayuko si Aryanna, hindi niya alam kung ano ang isasagot sa binata. Bigla na lang siyang nailang nang malamang first nila ang isa't isa.

"I'm sorry everyone! I have an urgent meeting, let's call this a day. Madilim na rin." Napalingon sila sa ama ni Aryanna na pumasok ng silid.

Napabuntong hininga si Aryanna at binitbit ang kaniyang bag. Hindi man lang ito nag-abalang mag-paalam sa kaniyang ama o kay Raymond. Dire-diretso siyang naglakad palabas ng silid, ramdam naman nito ang pagsunod sa kaniya ni Raymond hanggang sa elevator.

Akmang pipindutin ni Aryanna ang ground floor ngunit nauna si Raymond. Napatitig ang dalaga sa binata, ganoon pa rin ang postura niya. Maganda ang tindig ng kaniyang katawan, ito rin ang nagbigay ng malakas na karisma dahilan para bumigay si Aryanna sa kaniya.

Pagdating sa ground floor, naunang maglakad si Aryanna ngunit napahinto siya nang biglang magsalita si Raymond.

"Ihahatid na kita, Aryanna."

"No thanks, kasama ko mga kaibigan ko," alibay lamang iyon para hindi na niya makasama pa si Raymond.

Naglakad si Aryanna patungo sa kalsada at binuksan ang cellphone nito upang kumuha ng grab. Habang naghihintay ay sinubukan niyang tawagan ang dalawa niyang kaibigan ngunit ni isa ay walang sumagot sa kaniya.

"Hi guys... I hope pakinggan niyo ang voicemail ko na 'to hanggang dulo. I have a big problem right now. Gusto kong uminom, gusto ko magpakalasing ulit. I want to be happy for a while bago ako tuluyang ipakasal ni dad. You heard it right, ipapakasal ako ni Dad sa lalakeng anak ng business man, at alam niyo ba kung sino 'yon? Yung lalakeng naka-one night stand ko pa sa Amerika. This is a big coincidence! Hindi ko matanggap. Hindi pa nga ako nakaka-graduate, tapos gusto na niya ako ipakasal? Si ate Eloisa nga mas matanda sa akin, nagtatrabaho na. Bakit hindi na lang siya ang ipakasal niya? Bakit ako pa?" Bigla na lang tumulo ang luha ni Aryanna.

Muli niyang naramdaman ang pagiging unfair ng ama nito sa kaniya. Iba talaga ang trato sa ate niyang si Eloisa, tila ba pinamimigay siya ng kaniyang ama kung ipakasal niya ito sa lalakeng hindi naman niya mahal.

Akmang pupunasan ni Aryanna ang luha niya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ipinangsangga ni Aryanna sa ulan ang kaniyang bag nang may kotseng huminto sa harapan niya, bumukas ang passenger seat nito at nagulat siya nang makita si Raymond na nagmamaneho.

"Sakay na, bilisan mo!"

Nababasa na ang cellphone ni Aryanna kaya hindi niya na ito nakatanggi.

"Baka magkasakit ka pa," nagulat si Aryanna sa pagiging concern ng binata.

"Ano naman kung magkasakit ako? Duh, lahat naman tayo mamamatay rin."

"Wear this, you might be cold." Inabot ni Raymond kay Aryanna ang kaniyang coat.

Ayaw sanang tanggapin iyon ni Aryanna ngunit inilagay na ni Raymond sa kaniyang dibdib iyon. Amoy na amoy naman ni Aryanna ang kakaibang pabango nito, na kahit nakapikit siya ay alam niyang si Raymond iyon. Ito rin ang amoy ni Raymond noong gabing nagsama sila, kaya tumatak sa isip ni Aryanna.

"Ihatid mo na ako sa amin, bilisan mo mag-drive. Gusto ko na magpahinga."

"Pwede ka matulog, if you want. Gigising na lang kita kapag nasa bahay niyo na tayo—"

"Uhhmm, alam mo bahay namin? Hindi ko pa naman sinasabi location pero—"

"Aryanna, of course I know. My father discussed it with me, Mr. Perez's house, company, and other things."

"So alam mo ring anak ako sa labas?" Napaawang ang labi ni Raymond, hindi siya nakasagot.

Napabuntong hininga lamang si Aryanna at nag-iwas ng tingin.

Habang wala itong kamalay-malay na narinig ni Raymond lahat ng sinabi nito sa voicemail kanina, lalong naging interesado si Raymond sa buhay ni Aryanna.

Taming My Playgirl WifeWhere stories live. Discover now