Chapter 7

110 11 1
                                    

Dumating ang araw ng graduation ni Aryanna. Kakatapos lang ng ceremony at magkayakap ang tatlong magkakaibigan habang dinadamdam nila ang kasiyahan.

"Finally, graduate na tayo! Selfie muna!" itinaas ni Mitch ang kaniyang iphone ngunit nagulat sila nang makita ang lalakeng naglalakad patungo sa kanila hawak ang bouquet ng bulaklak.

Mabilis na napalingon si Aryanna sa likod nito at nakita si Raymond na nakangiti sa kaniya.

"Congratulations, Aryanna."

"R-Raymond..."

"Huy, ang sweet may pa-flower!" pambubuyo ni Nicole.

Agad namang tinanggap ni Aryanna ang bulaklak na iyon.

"Salamat, pero hindi ba may trabaho ka ngayon? Bakit nandito ka?" nagtatakang tanong ni Aryanna.

"I'm here to watch, buti nga pagdating ko saktong nagsimula ang graduation."

"H-Ha? Kanina ka pa dito?"

"Oo naman. Hinahanap ko nga si Mr. Perez, dumating ba siya?"

Napayuko si Aryanna. Alam na kaagad ni Raymond na wala rito ang ama nito. Hindi nagdalawang isip si Raymond na yakapin ang kaniyang asawa sa harapan ng madaming tao. Nagulat naman si Aryanna sa ginawa nito, ramdam niya ang paghimas ni Raymond sa ulo nito.

"You did well, congratulations."

"Thank you..."

"Are we going home now?"

"Ah-Eh..."

"Raymond, may celebration party pa kasi kami."

"Then, bukas na lang tayo umalis? We're going to Maldives."

"Huh? Pupunta tayo doon?"

"Yup, celebration ng graduation mo at sa—you know."

"Ahhh, sige. Bukas, pero ngayong gabi kami-kami munang magkakaibigan magsasama-sama, ha?"

"Sure. Ihatid ko na kayo, saan ba kayo pupunta?"

"Tara, girls!"

Masayang-masaya si Aryanna, pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng kapamilyang palaging naroon para sa kaniya. Habang nasa byahe ay ramdam ni Aryanna ang maraming messages mula sa mga social media accounts nito pero hindi niya iyon pinansin sapagkat kasama niya si Raymond. Pagdating sa club ay iniwan na sila ni Raymond.

"Girl, hindi talaga pumunta yung Dad mo kanina, 'no? Alam niya bang graduation mo?" tanong ni Mitch.

"Alam niya. Huwag na natin pansinin, i-inom na lang natin lahat. Sa wakas at hindi na tayo mag-aaral ulit! Wala nang dean's list na hahabulin!" sigaw ni Aryanna at itinaas ang baso ng alak niya.

Sabay-sabay silang napatayo at uminom ng alak habang sinasabayan ang malakas na tugtog mula sa malalaking speaker na pumapalibot sa buong club. Hindi dinadamdam ni Aryanna ang kaniyang ama ngunit sa puso nito ay nasasaktan siya, hindi man lang nagawang batiin o puntahan siya ng kaniyang ama sa araw ng graduation nito. Ngunit tandang-tanda pa ni Aryanna kung gaano ka-proud ang ama niya nang gumraduate ang ate Eloisa niya noon.

"Girl, napaparami na ata yung iniinom mo. Okay ka lang ba?" tanong ni Nicole kay Aryanna.

Napatigil si Aryanna sa pagsayaw nang halos matumba na siya sa sobrang kalasingan.

"Teka, tawagan na natin si Raymond. Lasing ka na, maupo ka nga muna!"

Napapikit si Aryanna habang inupo siya ni Mitch sa malaking upuan. Tinabihan siya ni Nicole.

"Naglasing na naman siya, siguro dahil 'to sa Dad niya," bulong ni Nicole habang nakatitig sa kaibigan.

"Mukha nga... Hello, Raymond, si Mitch ito!"

Nang malaman naman ni Raymond ang sitwasyon sa club. Mabilis siyang nagmaneho upang sunduin si Aryanna. Gustong-gusto pagaanin ni Raymond ang loob ni Aryanna, mukhang tamang-tama na pumunta silang maldives bukas, upang makahinga na si Aryanna sa sama ng loob nitong dala-dala.

"Aryanna!" napasigaw sa pag-aalala si Raymond nang makitang wala nang malay si Aryanna sa bisig ni Mitch.

"Kanina pa tulog 'yan. I-uwi mo na. Dito muna kami sa club," sabi ni Mitch.

Agad namang binuhat ni Raymond si Aryanna.

"Salamat sa pagbabantay sa kaniya. Mag-iingat kayong dalawa."

"Oo, mabigat pinagdadaanan niyan ngayon. Kaya pagpahingahin mo na, ito nga pala yung gamit niya."

"Thanks."

Inuwi na ni Raymond si Aryanna, tulog na tulog ito sa buong byahe at pagdating sa bahay nila ay naalimpungatan si Aryanna, lasing na lasing itong tumitig kay Raymond.

"Ikaw na naman? Bakit ba lagi na lang kita nakikita!" sigaw ni Aryanna sa kaniyang asawa.

Hindi na pinansin ni Raymond ang pagrereklamo ni Aryanna. Inihiga niya ito sa kama at tinanggalan ng heels.

"Raymond..."

"Yes?"

"Nasusuka ako—"

"What!?"

Bago pa man tuluyang madala ni Raymond si Aryanna sa banyo ay mabilis na nasuka si Aryanna sa bisig ni Raymond. Napapikit na lamang ito habang nararamdaman ang pagkalat ng suka ni Aryanna sa kaniyang braso at sahig.

*****************

Kinabukasan ay nagising si Aryanna nang kumikirot ang ulo nito. Bigla niyang naalala ang nangyare kagabi, ang huli niyang natatandaan ay sinundo siya ni Raymond sa bar. Pagtingin niya sa kaniyang sarili ay nakasuot na ito ng sando at shorts. Wala na rin siyang make up, akmang babangon ito nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Raymond.

"R-Raymond..."

"Breakfast is ready..." malumanay na sabi ni Raymond habang may dala-dalang soup dahil alam nitong magkaka-hang over si Aryanna.

"Bakit pala iba na yung damit ko?"

"You probably don't remember but, sinukahan mo 'ko."

"T-Talaga? S-Sorry, kasi—"

"It's okay. Everybody vomits. Kumain ka na lang para maging okay ang pakiramdam mo."

"S-Salamat, siguro sobrang nahirapan ka sakin."

"Okay lang, just next time sana hindi todo ang inom. I'm thankful at naroon ang mga kaibigan mo."

"E kaya lang naman ako uminom kasi..."

"Kahit hindi mo na sabihin, alam ko ang dahilan Aryanna. Naiintindihan kita."

Hindi makapaniwala si Aryanna, napaawang ang labi nito habang inilalagay naman ni Raymond ang table in bed.

"Salamat, pero pwedeng after lunch na tayo umalis kasi—"

Napahinto sila nang tumunog ang cellphone ni Raymond.

"Hello?" pagsagot ni Raymond sa call.

Agad namang tinikman ni Aryanna ang soup na gawa ni Raymond at muli na naman siyang namangha sa cooking skills nito.

"Yeah, but I actually have a flight... Okay, fine. I'll be there."

"Aalis ka?" tanong ni Aryanna nang patayin ni Raymond ang cellphone.

"There's an emergency but I promise, darating ako agad after lunch."

"Kung hindi tayo matuloy ngayon pwede naman bukas."

"Sure na mamayang gabi, aalis tayo. I just need to go for a while. Magpahinga ka muna and pack your things."

"Sige, Raymond"

Taming My Playgirl WifeWhere stories live. Discover now