Chapter 66

7K 153 6
                                    

Gab's POV

Nasaan ako? para akong nasa tuktok ng isang mataas na lugar... natatakpan ng makapal na ulap ang paligid... wala akong makitang malinaw.


Sa di kalayuan mayroong dingding.. di ko sigurado kung anong gusali yon. Para malaman ko ang nagtungo ako sa direksyon ng dingding na iyon. 

Habang papalapit ako ay unti unti kong nakikita kung anong klaseng gusali ito. May kampana sa tuktok... siguro simbahan ito...


Nang makalapit ako ay tama nga ang hinala ko, sa itong simbahan.. tumuloy akong lumakad papasok dito. Habang papalapit ako sa pintuan ng simbahan ay napansin ko ang telang nakabalot sa aking katawan... Isa itong puting bistida. 

Sa altar mayroong nakatayong tao pero hindi ko maaninag kung sino kaya lumakad ako papunta duon...

Habang papalapit ako lumilinaw ang imahe ng tao.


Lalaki,  nakatingin siya sa akin habang papalapit ako sa altar...  




.

.

.

.

Si... Xavier... 



Konti na lang... mahahawakan ko na siya... pero naglaho siya sa paningin ko.. mag isa na lang ako sa harapan ng altar... 



"Gab, okay ka lang? wag kang umiyak please... Gab.. Gabriella..."

Ang boses na iyon... pamilyar... pero hindi iyon ang boses ni Xavier..


Dahil sa boses na iyon ay dumilat ang mga mata ko... ramdam kong basa na ang pisngi ko, pero mayroon nang kamay na pumupunas sa luha na dumadaloy sa pisngi ko.


"Jake.."  



"hula ko di  maganda ang panaginip mo... tahan na... nandito lang ako."


Sumandal ako sa kanya, kailangan ko nang mabuo ang sarili ko ulit... dahil  wala na akong magagawa pa.




Jake's POV


4:00 am 

Maaga akong nagising dahil hindi ako mapalagay...

Kagabi, umiiyak nanaman si Gab... alam niya ang magaganap ngayong araw. Sinasabi niya saking ayaw na niya maalala, ayaw na niyang umiyak pero hindi niya mapigilan.. ayaw na niyang masaktan pero hindi niya magawa.

Ang hirap panoorin... kung ako na lang sana ang minahal niya, kung ako na lang ang naikasal sa kanya hindi niya ito mararanasan. Ang hirap panoorin na nasasaktan ang mahal ko, kung may magagawa lang sana ako para baligtarin ang mga pangyayari.....

My Devil HusbandWhere stories live. Discover now