Chapter 1

42.1K 460 7
                                    

Chapter 1

Gabriella's POV 

Kauuwi ko lang sa apartment namin galing sa trabaho. Ang kasama kong nakatira dito ay ang bestfriend ko. Ang pangalan niya ay Pia. 

Kasalukuyan siyang nakaupo sa sofa habang nagtatanggal ako ng sapatos sa may pintuan 


"Hello Butter! ang aga mo yata ngayon" bati niya sa akin 

"Hello Jelly!" sagot ko

Ang aga????

Hindi ba ako inabot ng syam syam dahil sa sobrang traffic? (?_?) 

Wag na kayo magtaka kung bakit may tawagan kami. Hindi lang magjowa ang may karapatang gumamit ng call signs nuhh. Trip lang, dahil wala kaming magawang matino, at saka kaming dalawa nalang yata ang natitirang babae sa mundo na single dahil kahit saan kami lumingon puro couples ang nakikita namin. Pati ang mga kaibigan naming beki mas blooming pa ang lovelife... ang saya noh? XD

"Maaga pa ba yun? ang traffic traffic kaya" nagtatakang tanong ko sa kanya 

"Gab, real talk.. hindi mo ba alam kung ano sa sarcasm?" sagot niya sa akin.

Ay.... sorry naman daw. Hindi naman kasi kasing bilis ng kidlat ang utak ko. 

 XD

"Ay, lilinawin naman daw kasi... "

"So kamusta ang araw mo" tanong ni Pia

"Hindi ako napagod sa trabaho, napagod ako sa pag upo sa loob ng taxi ng halos isang oras." pagrereklamo ko 

"Ayon.. buti nalang maaga ako umalis. Tama lang na may part time job ako. Nakakaiwas ako sa traffic" 

"Part time job? talaga? kelan pa?" 

Itong babaeng 'to kasama kong namumuha dito sa Maynila pero palagi parin akong nasosorpresa sa mga gimik at pinag gagagawa niya. Napakagaling na 'bestfriend' diba? 

(^_^)

"Kanina lang ako nagsimula beshhh"

"Akala ko ba ayaw mo ng dagdag na trabaho? Himala yata.."

"Hindi lang ikang ang pwedeng mag part time job nuh! Haler!!! ako din... Hehe, joke lang Gab, kailangan ko rin kasi ngayon ng medyo malaking kita kasi nagkasakit yung kapatid ko, kailangang ipaconfine."

Ang realidad ng pagkayod para sa pamilya, ang sakripisyo para mabuhay... yan ang buhay namin... simple lang, ordinaryo. 

"Ah, kaya pala. Sana nga gumaling na ang kapatid mo. So anong gimik ang pinasok mo?" tanong ko sa kanya 

"Nagtututor ako ng anak ng kakilala ni mama"

"Mabait ba naman yung batang tinuturuan mo?"

"Oo naman, ang cute cute nga nung batang yun eh." sagot niya with matching glowing eyes pa

"Hulaan ko, crush mo?" pang aasar ko sa kanya

"Ay grabe siya, cute lang!" dipensa niya 

"Okayyyyy" 

"Pero talaga ang cute ng dimples niya " banat niya 

"Malapit na talaga kitang paghinalaan" 

Nakawala lang siya sa ex niya... hayst. 

My Devil HusbandWhere stories live. Discover now