Kanina pa ako dito sa sakayan ng jeep 7:00 am ang pasok ko at 6:40 na lahat ng jeep na dumadaan ay puno ng sakay mahirap naman makipag siksikan.
May huminto na jeep sa tapat ng overpass kaya dali dali akong tumakbo para sumakay, pa hakbang na ako sa jeep ng biglang may sumakay na naging dahilan kung bakit na bitaw ako sa may hawakan ng jeep. Napadapa pa ako dahil doon.
"Pasensya na bata,importante lang yung pupuntahan ko hindi ako pwede ma late, may job interview ako" Sabi ng lalaki at agad pina alis ang jeep.
"Kainis! Sana wag ka matanggap sa interview mo na yan" Sabi ko sa sarili ko pero agad ko rin naman binawi dahil naalala ko ang tinuro sa amin ni mommy na kahit gaano kasama ang ginawa sayo ng tao hindi maganda na humiling tayo ng misfortune ng iba. Learn to forgive kumbaga.
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa nangyari, lahat naman tayo ay pinapahalagahan ang oras, bat may mga taong gahaman.
7:00 am na, late na ako kaya hindi na ako nag madali dahil kahit anong madali ko ay late parin naman ako, sabi nga sa nabasa ko "If you're late, don't rush, just enjoy, atleast late kang maganda".
Ng may pumaradang isa pang jeep sa harap ko ay wala na akong pinalagpas na segundo at agad akong sumampa, medyo napahiya pa nga ako ng konti dahil akala mo ay maagawan ako ng pwesto sa style ng pag sakay ko eh anim lang pala kami sa jeep. 7:30 na ng maka rating ako sa school,ayaw pa nga ako papasukin ng guard dahil wala akong id. Pinaliwanag ko naman sa kanya na third day palang ng pasok at wala pa binibigay na id kaya pinapirma nalang nya ako sa logbook.
May record na nga ako ng pagiging late sa school, Wow! Napaka saya. Agad agad akong tumakbo ng matapos ko mag pirma dahil patapos na ang first period ng klase, si Ms. Santos ang teacher namin ng first subject. Sya ang Pre Cal teacher namin, mabait naman sya at considerate sa mga estudyante nya pero ayoko kasi talagang ma miss ang klase lalo na Pre Cal ang subject, mahirap mag habol ng lesson.
Pag ka pasok ko ay parang may anghel na pumasok sa room dahil lahat sila ay nakatingin sa akin,Well! Hindi ko naman sila masisisi dahil sa ganda ko ba naman na toh eh pag titinginan talaga ako.
Muli akong namulat sa realidad ng tawagin ako ni Ms. Santos.
"Ms. De Lapaz, bat naka tayo ka pa dyan, take your sit"
"Uhmm, Maam Im Sorry im late"
"It's okay, next time be on time"
Nahiya ako bigla dahil hindi ko namalayan na naka tayo lang pala ako don, agad agad akong nag lakad papunta sa tabi ni Sam na naka ngiting aso sa akin, si David naman ay bumaling patalikod at nakangisi.
"Lagi kang wala sa ulirat" Natatawang sabi nya at binalint ulit ang tingin sa harap dahil nag didiscuss si Ms. Santos.
"Baka mamaya ay maaksidente ka nalang bigla dahil bigla bigla ka na lang na tutulala" Bulong sa akin ni Sam habang nag pipigil ng tawa. Dahil tapos na nga ang klase ay hindi na nga ako nag abalang mag labas ng notebook, hihiram nalang ako ng notes mamaya kay Sam.
"Okay class dismissed " Huling sinabi ni maam, bago lumabas ng room.
Napabuntong hininga na nga lang ako dahil sa nangyari, lagi na lang ba ako gagawa ng kahihiyan sa buhay ko.
"Why are you late?"Seryosong tanong ni David.
"Punuan sa jeep eh" Simpleng sagot ko sa kanya habang nag susulat ako ng notes.
"Anong nangyari dyan?" Turo nya sa braso ko na may maliit na sugat, dahil siguro sa pag kaka dapa ko kanina. Hayst naiinis ako kapag naaalala ko ung nangyari kanina.
"Ahhh, wala naman may sumingit kasi kanina sa jeep kaya na dapa ako" Pag amin ko.
Tumayo si David at pumunta sa lidod na parte ng room may kinukuha sya don, hindi ko na pinansin dahil akala ko ay may inaasikaso lang sya. Pero pag balik na sya upuan nya ay inabot nya sa akin ang isang bandaid.
"Here, ilagay mo sa sugat mo" Napatingin muna ako sa kanya bago kinuha agad dahil ang pangit nga tingnan mg sugat ko, ang kinis kinis ng braso ko tapos magakakasugat lang CHAR.
"Thanks" Simpleng sagot ko sa kanya
"Guys, check the gc, may message si maam" Sigaw ni Sam sa room.
Kanya kanya naman kaming kuha sa phone at binuksan ko agad ang messenger para makita ang chat ni Ms. Santos.
Ms. Santos: You will have a group activity tomorrow, nakalimutan kong i grupo kayo kanina. So i want you to group your self para ready na kayo bukas. Minimum of three and Maximum of five in each group, prepare white cartolina and marker tomorrow. Thank you.
Eto na simula na ng pakikipag laban ko bilang isang estudyante, nag sisimula na nga talaga ang klase. Pero sino ang makaka grupo ko. Gusto kong tanungin si Sam kung gusto nya kaso baka may iba na syang group.
"Tayong tatlo?" Tanong ni David
"Huh" Sagot ko
"Lutang ka ba? I said tayong tatlo mag ka grupo, tutal minimum of three naman daw" pam babara sa akin ni david.
"Go lang ako" Simpleng sagot ni Sam.
"Sige, ako na sa cartolina at marker may stock naman sa bahay" Pag piprisinta ko.
"So ano Groupmates na tayo " Tanong ni David
"g" simpleng sagot ni sam na nakatutok sa cellphone nya
"Sige"
"Ayusin nyo, ayoko ng pabigat na member" pag yayabang ni david
"Aba aba, ang yabang mo ah. Baka ikaw pa nga buhatin ko eh" pag bawi ni sam
"Sige nga, gawa" pang aasar ni david
Hindi ko na sila pinansin, dahil wala namang patutunguhan ang pag tatalo nilang dalawa kaya kinuha ko nalang ang cellphone ko para mag scroll.
YOU ARE READING
Happy Crush Lang Ba Talaga? [Completed]
Teen FictionNako! Patay tayo sa happy crush, happy crush na yan. 'Pigilan mo ang nararamdaman mo, dahil walang sasalo sayo' Started: 08/16/23 Ended: 09/01/23