Tahimik lang kaming dalawa ni David habang nag lalakad palabas ng mall.
Pagkatapos ng nangyari kanina ay walang nagsalita sa amin.
Hanggang sa dumating sina Sam at Miz ay agad namang nag ayang umuwi si Sam.
"Antahimik nyo ata" sabi ni Sam na nasa harap namin
"Oo nga....ako David, Did you shoot your shot?" Tanong naman ni Miz
Hindi sumagot si David at nag patuloy lang kami sa paglalakad
Nang makasakay kami sa jeep ay wala talagang nag sasalita sa amin ni David, nahihiya siguro sya sa nangyari kanina.
Kahit ako ay hindi talaga makapaniwala sa sinabi nya sa akin.
Naging akward sa aming dalawa ang nangyaring yon.
"Something fishy" bulong ni Sam kay Miz pero narinig ko iyon dahil magkatapat lang kami ng upuan.
*********
Naunang bumaba sila Sam at Miz dahil mauuna ang bahay nila kaysa sa amin ni David.
"I'll take you home" basag ni David sa katahimikan naming dalawa.
"Sige" tanging nasagot ko lang sa kanya.
Huminto ang jeep dahil may mga pasahero pang nag aabang ng jeep, kaya umusog kami ni David papunta sa harap ng jeep dahil madami ang sumasakay.
Napuno ang Jeep at halos kalahati nalang ng pwet ko ang nakaupo, halos mag yakapan na rin kami ni David dahil sa sobrang siksikan.
Ang bango
Yon ang pumasok sa isip ko ng maamoy ang pabango ni David, ang manly ng scent ng pabango nya.
Lagi ko itong naamoy sa kanya pero ngayon ko lang naamoy ito ng malapitan.
Hindi katulad ng ibang manly na perfume ay hindi ito masakit sa ilong.
Eto ung tipo na kapag dumaan sya sa harap mo ay talagang mapapatingin ka sa kanya.
"Huwag mo akong amoyin....nahihiya ako" sabi nito kaya napabaling ang tingin ko sa may driver.
Luh! Ganon pala mag drive ng jeep. Ang cool!
"Hindi ah" tanggi ko
Natawa lang sya dahil don.
Nanatiling ganon ang posisyon namin dahil walang kumikilos sa amin.
Nagulat ako nang biglang pumreno ang jeep dahilan para mapayakap sa akin si David.
Mas lalong akward ang posisyon namin dahil nakapatong sya sakin kung tutuusin.
Tila nagulat din sya dahil hindi agad sya naka kilos.
"Pasensya na....may pusa na biglang tumawid" paghingi ng pasesnya ng driver.
Umayos na ng upo si David dahil hindi namin kaya kung ganon ang posisyon namin.
*******
Nag lalakad kami ngayon papunta sa bahay namin.
"Yung sinabi ko kanina sa mall" pag papa alala pa nya kaya nahiya na naman ako sa kanya.
"I...meant.....it" seryosong sabi nya
"Seryoso ako sa nararamdaman ko sayo" dagdag nya.
"Nakakabigla ka naman" sabi ko
"Hindi ako ready sa ganyan"
"It's okay hindi mo naman kailangan i reciprocate yung feelings ko sayo" nag bitaw sya ng matamis na ngiti.
I reciprocate? Kung alam mo lang, matagal na kitang gusto.
Pero ang manhid nya pala noh, di nya nahahalata.
"Ang manhid mo pala noh" sabi ko sa kanya
"Huh?" Si David
"Panong manhid?" Dagdag pa nya
"Secret.....you'll know soon....very..very soon" nakangiti lang ako sa kanya bago inunhan syang maglakad, patakbo takbo pa ako habang nasa bulsa ko ang dalawang kamay.
"Hoy anong ibig sabihin non?" Habol nya sa akin
"Ang tanga mo" sabi ko
Imposible namang hindi nya napapansin ang feelings ko.
Eh halos lahat ata ng tao ship kaming dalawa eh.
Pinipilit pa nya akong sabihin pero hindi ako nag salita, gusto ko muna damhin ang saya ng pag amin nya sa akin.
******
Nang makauwi ako ay agad akong umakyat sa kwarto ko para maglabas ng kilig.
Hindi ko na nga pinansin si Kuya na kanina pa ako tinatawag.
Pag kapasok ko sa kwarto ko ay ni lock ko ito agad para walang pumasok at saka ako tumalon sa kama.
Pinag hahampas ko ang unan dahil sa sobrang kilig.
Hindi naman ako sumisigaw dahil hindi naman ako ganon ka oa kapag kinililig.
Hindi parin talaga ako makapaniwala sa nangyari.
Sinampal ko pa ang sarili ko dahil akala ko ay panaginip lang lahat.
Si David, may gusto sa akin.
Ganito pala feeling ng ma crushback
Nakaka baliw
Dahil na rin sa sobrang saya ko ay nakalimutan ko ng magpalit ng damit at nakatulog na lang ako ng nakangiti.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa lakas ng alarm clock.
Agad din naman akong bumangon dahil may pasok ako, nakangiti na nga ako dahil hanggang ngayon ay naalala ko parin kung paano umamin sa akin si David.
Kinuha ko ang phone ko bago bumaba at may natanggap akong chat galing kay David.
david.arinuevo: goodmorning!! Andito ako sa labas ng gate nyo.
Pag kabasa ko non ay agad kong sinilip ang bintana at nakita ko nga don si David nag aabang sa akin.
Hindi ko na sya pinag hintay at agad akong lumabas.
Pag kakita nya sa akin ay agad bumakas ang ngiti sa mga labi nya.
"Hi" masayang bati ko sa kanya
"Let's go" aya nya
"Bakit ka nga pala nandito....na naman" tanong ko
Sus! Eme eme ko. Gusto ko din naman.
"Sinusundo ka" simpleng sagot nya
"At bakit naman?"
"Bakit masama bang sunduin ang taong nililigawan ko" direstong sabi nya habang nag lalakad kami.
"Ha?" Gulat na tanong ko
"Bingi ka? Ang sabi ko.....nililigawan kita" ulit nya
Gagi! Ang bilis naman nya.
"Sabihin mo lang kung ayaw mo para matigilan ko" humarap sya sa akin
"Ha? Ano.....hindi, hindi naman sa ganon....nabigla lang ako" utal utal na sabi ko
"Madami ka pang ikakabigla Jane" sabi nya
"David" Tawag ko sa kanya
"Bakit?" Sagot nya
"Seryoso ka ba sakin?" Tanong ko
May takot din sa part ko.
May tanobg din sa akin
Bakit ako?
"Oo.....sobra"
Natahimik nalang ako dahil don.
Nakuha ko na ang assurance na kailangan ko galing sa kanya.
YOU ARE READING
Happy Crush Lang Ba Talaga? [Completed]
Teen FictionNako! Patay tayo sa happy crush, happy crush na yan. 'Pigilan mo ang nararamdaman mo, dahil walang sasalo sayo' Started: 08/16/23 Ended: 09/01/23