Chapter 4

3.6K 81 2
                                    


Dala dala ko ang cartolina at marker papunta sa room namin, hindi na ako nag commute dahil ihahatid na lang daw ako ni kuya araw araw nakita nya kasi yung braso ko na may bandaid kaya tinanong nya ako hindi naman ako makapag sinungaling dahil alam na alam nya kung kapag hindi ako nag sasasabi ng totoo. Kaya sinabi nya sa akin na sya na ang mag hahatid at susundo sa akin ako lang naman ang may gusto na mag commute dahil gusto ko maranaaan yung nararanasan ng ibang estudyante na nag cocommute sila papasok at pauwe.

Naroon na sila Sam at David at hinihintay ako dahil ako ang may dala ng gagamitin namin mamaya para sa group activity. Napatingin ako kay David dahil may iba sa kanya ngayon, bago ang hairstyle nya at naka salamin sya ngayon, bagay sa kanya ang naka salamin dahil lapat na lapat ito sa matangos nyang ilong hindi din sya katulad ng iba na kapag nakasalim ay nag mumukhang nerd,he looks so smart. Well matalino naman talaga si David dahil kapag nag didiscuss ang mga teacher namin ay active sya sa recitation, same as Sam matalino din ang isang to if i rarank ko sila pumapangalawa si Sam.

Matalino din naman ako dahil consistent honor student ako pero talagang kailangan kong pag hirapan ito, hindi ako katulad ng ibang tao na pinanganak na silang matalino kumbaga likas na sa kanila yon. Kapag may mga exams at quiz ay stack knowledge ang inaasahan nila samantalang ako ay kailangan ko pang mag review ng masinsinan.

Hindi naman ako naiingit dahil alam kong may kanya kanya tayong kakayahan pero diba mapapa sana all ka lang kasi talaga.

"Dala mo?" Baling sa akin ni David. Seryoso syang nakatingin sa akin. GOSH ang cute talaga ng mata nya.

"Stop staring at me, baka malusaw ako nyan" Mahanging sabi nya.

"Ahhh, ano nga ulet ung tanong mo?" Patay malisya kong tanong.

"I said kung dala mo ba kako? Supladong sabi nya. Aba aba ang suplado naman nito, buti na lang cute ka.

"Bulag ka ba? Nakita mo naman siguro na hawak ko diba". Mataray na balik ko sa kanya para magantihan ang pag susuplado nya kanina. Kung tutuusin ay kanina ko pa naman talaga hawak yung cartolina, hindi ba nya nakita imposible naman dahil ang laki laki nito.

"Sungit" Huling sabi nya.

"Ang aga aga naman nyan" Pang aalaska ni Sam sa amin ni David.

"Para kayong asot pusa" Dagdag pa nya. Humarap sa amin si David pero sabay lang naming inirapan ang isat isa. Maya maya pa ay dumating na si Ms. Santos, pinaliwanag nya ang mga dapat gawin. Pag ka tapos mag salita ni Ms. Santos ay inumpisahan na namin ang pag gawa, sa buong oras ng pag gawa namin ay nag babardagulan lang kami ni David dahil sa sobrang kahanginan nya, inaasar nya ako dahil lagi daw akong lululutang ang isip. Si sam naman ay ang gumagawa ng group activity namin dahil wala syang maasahang matinong sagot galing sa amin dahil puro kalokohan ang sinasabi ni David.

"Sa wakas tapos na rin ang INDIVIDUAL ACTIVITY ko" Parinig ni Sam sa aming dalawa, inirapan nya lang kami at lumabas niligpit na ang mga ginamit nya, hindi naman ako nabahala na baka hindi nya kami nilista don dahil nakita ko ang pangalan naming tatlo, mas malaki nga lang ang sulat sa pangalan nya.

Lunch time na pero nag paalam sa amin si David na hindi sya sasabay sa amin kumain dahil pupunta sya sa misic club para mag audition. Nag uumpisa na pala mag bukas ang mga club dito sa school may mga organization din.

Mag au-audition si David sa music club as vocalist, marunong pala syang kumanta. Nag ka interest tuloy ako na marinig syang kumanta kaya sinabi ko kay Sam na panoorin namin si David mag audition. Nung una ay ayaw pang pumayag ni Sam dahil nagugutom daw sya pero napapayag ko din sya.

Agad kaming nag punta sa gym dahil doon gaganapin ang audition sa music club, agad kong nakita si David dahil sya lang ang naka salamin sa mga participants. May name tag na nalagay sa kanyang kanang part ng damit nya at may number den pang 12 sya.

Unti unti ng tinatawag ang mga pangalan ng nag audition, infairness magagaling talaga sila at di hamak na may mga talent talaga pero hindi sila ang pinunta ko dito, ung isang nag audition ay kinanta nya yung Leaves by Ben&Ben kaya napa sabay ako dahil favorite song ko yon. Lagi iyong kinakanta sa akin ni Mommy sa tuwing malungkot ako kakantahin nya iyon sa akin, kahit malungkot din ung kanta ay gustong gusto ko yon pinapaminggan kapag malungkot ako. Na miss ko tuloy bigla si mommy sa kanilang dalawa ni daddy ay kay mommy talaga ako pinaka close dahil laging wala si daddy sa bahay, marami kasi syang inaasikaso at mga trabaho.

Hindi ko namalayan na si David na pala ang naka akyat sa stage ni reready nya ang mic. Confident syang naka tayo sa harap halatang alam na alam nya ang ginagawa nya walang bakas ng kaba sa mga mukha nya, naka ngiti pa nga sya. Nag simula ng tumugtog ang isang pamilyar na kanta.

Ikaw at ako pinagtagpo

Nag-usap ang ating puso

Nagkasundong magsama habangbuhay

Nagsumpaan sa Maykapal

Walang iwanan tag-init o tag-ulan

Haharapin bawat unos na mag-daan

Sana'y di magmaliw ang pagtingin

Kaydaling sabihin kayhirap gawin

Sa mundong walang katiyakan

Sabay natin gawing kahapon ang bukas

Bawat salitang binibitawan nya ay nag lalaro sa tenga ko, punong puno ng emosyon bawat bukas ng bibig nya. Walang nag sasalita sa mga nanonood lahat nakatutok sa kanya ay nakikinig. Naka tuon ang atensyon ko sa kanya hanggang matapos ang pagkanta nya. Pag katapos ng kanyang pag kanta ay nag palakpakan ang mga nanonood maging ang mga judges ay nakikipalakpak.

Pa baba na sya ng biglang sinigaw ni Sam ang pangalan nya. Napatingin sya sa direksyon ng boses ni Sam pero imbis na kay Sam sya mapatingin ay nag tama ang mga mata namin, biglang uminit ang pisngi ko sa ganong tagpo.

Happy Crush Lang Ba Talaga? [Completed] Where stories live. Discover now