22

7 3 0
                                    

Palette

"Pal, saan nakalagay yung confetti?"

Hinalukay ko ang plastik na nasa aking gilid ngunit wala roon ang kanina pa hinahanap ni Dulce.

"Nandoon sa ilalim ng couch, natabunan ng mga unan." Sabat ni Abrina habang nagkakabit ng mga lobo sa pader.

Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga samut-saring pagkain sa mesa at pansamantala itong nilagyan ng plastic wrap para hindi papakin ng langaw.

Simple lang naman ang selebrasyong hinanda namin para kay Sunlee. Kaunting salo-salo para sa aming lima dahil wala rin namang dadalo bukod samin. Sunlee's parents aren't here too due to their family business. Karamihan sa mga handa ay inorder lang namin pero nagpresinta akong magluto ng spaghetti dahil bida-bida ako. 

Si Janus naman ay nilibot sa sementeryo si Sunlee, nang sa gayon ay makakilos kaming tatlo dito sa bahay nila. Nagtataka nga ako bakit sa sementeryo pa samantalang magdadrive lang naman saglit makakarating na ng mall.

Simula dati ang bahay na talaga ni Sunlee ang naging tambayan naming magkakaibigan, dahil bukod sa walang tao, pagkalaki-laki rin nito. Although, each of us has a luxurious life but iba yung kila Sunlee. Doble ang laki ng bahay at yaman nila kumpara sa'min.

"Pal, text mo na si Janus. Sabihin mo uwi na sila."

"Wait, yung cake i-ready muna."

"Teka nasa ref kukunin ko."

"Omg malapit na raw sila guys!" Tili ko at nagpapanic na hinablot ang party hat malapit sa'kin. Kan'ya-kan'ya kaming pwestong tatlo sa main door habang hawak ni Abrina ang cake at confetti naman kay Dulce. Nang makarinig kami ng tawanan, ay hudyat na nandyan na ang dalawa.

Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay nangibabaw ang malakas na putok ng confetti ni Dulce.

"Aaahh sakit!!"

"Happy birthday, Sunlee!" Sabay naming bigkas. Nagulat ako ng biglang uminda si Janus sa sakit habang hawak ang kaliwa n'yang pisngi na ngayo'y namumula na.

"Pinutukan ako ni Dulce sa mukha ng confetti!" Ngiwi nito.

"Sorry naman, na-excite lang hehe. Sorry ssob!"

"Happiest birthday, Libag!" Si Dulce na dirediretsyong lumambitin sa leeg ni Sunlee at kaagad na niyakap ito.

"Hip birthday, papi." Ani Abrina na tinampal pa ng bahagya ang puwetan ni Sunlee.

Nagbromace naman sila ni Janus habang ako ay tatawa-tawang sinuutan ng party hat ang birthday boy sabay humalik sa kan'yang pisngi. Gulat pa rin ang mukha nito na naka-mata sa aming apat.

"Required ba umiyak? Akala ko nakalimutan n'yo na birthday ko eh."

For us, special ang birthday ni Sunlee. Kami nalang kasi ang parang kasama n'ya kada magbi-birthday s'ya dahil wala naman parati dito sila tito at tita.

"Anyways, nandito pala yung kapatid ko guys. Kilala n'yo na naman 'to diba?"

Sumungaw ang ulo ng isang binatang lalaki sa likodan ng kan'yang kuya at nahihiyang kumaway sa amin.

"Hala ka, ang laki mo na utoy. Ikaw na ba 'yan?" Gulat na sambit ni Dulce habang nakaawang ng bahagya ang bibig.

"That's called puberty, Dulce."

"Buti pa yung bata lumaki pero si Pal hindi hahahahaha unfair 'no?" Pinanlisikan ko ng mata ang walang hiyang si Janus.

"Epal yang salot na 'yan huwag mo nalang pansinin." Baling ko kay utoy na mukhang sumama ang timpla ng mukha. Kumibot-kibot ang labi nito saka dahan-dahang tumango.

Days Like These (Epistolary)Where stories live. Discover now