38

4 1 0
                                    

TWITTER

imrich 🔒 @erenimrich

Natatae ako. Sabi n'ya malapit na raw s'ya. Anong gagawin ko? Pakabigay n'ya sa'kin ng notebook baka kumaripas nalang ako nang takbo. Wala akong mukhang maihaharap matapos kong sabihin 'yung huli kong chat

imrich 🔒 @erenimrich

PAHAMAK KA TALAGA, IMRICH. BOBO KANG HINAYUPAK KA

imrich 🔒 @erenimrich

Hala hala hala! Sa kan'ya na yatang kotse 'yung paparating. Hanep tesla kulay pute 😭

Ang iingay ng mga kagroupo ko nung nagsimulang bumaba si Palette. Para s'yang artistang nililingon ng mga tao sa paligid. Nagkagulatan pa kaming dalawa kasi hindi s'ya makapaniwalang ako yung kapatid ni Kuya Sunlee, si utoy HAHAHAHAHA bantot pakinggan

imrich 🔒 @erenimrich

Sobrang ganda n'ya, naka short lang s'ya tapos sandong itim. She insisted na ihatid kami sa bahay nila Alex kung saan kami gagawa ng group project. Gusto ko sanang tanggihan ang alok niya dahil nakakahiya pero nakalimutan kong mga walang hiya nga pala ang mga kasama ko. Wala tuloy akong magawa kundi sumakay sa passenger seat, OO TEH SA PASSENGER SEAT KASI IYON ANG SABI N'YA 😭. DOON NIYA KO PINASAKAY. NAGMUKHA TULOY AKONG TUOD KANINA HAYUP

imrich 🔒 @erenimrich

Kung ano-anong tinatanong ng mga kaklase ko kay Palette na mukhang ayos lang din naman sa kan'ya, nakikitawa rin s'ya kapag may nakakatawa silang kinukwento. Nakakahiya. Minsan sumusulyap s'ya sa'kin para tignan kung buhay pa ba ako

Days Like These (Epistolary)Where stories live. Discover now