CHAPTER TWO

113 7 1
                                    

Yurie Rukawa Point Of View..

Ito ang unang beses na napanood ko si kuya Kaede na maglaro ng basketball.

"ANG GALING MO TALAGA RUKAWA!!." Sigaw ng mga fans ni kuya Kaede.

Habang nanonood ako ng laro ni kuya Kaede ay napansin ko ang lalakeng nakatirik ang buhok na ka one on one ni kuya Kaede at naalala ko siya.

Siya yung lalakeng nakabungo sakin nang papunta ako sa classroom.

"Siya yon." Sabi ko sabay turo sa lalake na nakatirik ang buhok.

"Kilala moba siya Yurie?." Tanong ni Rose isa sa mga classmate ko.

"Siya yung lalakeng bumunggo sakin." Sabi ko.

"Siya si Akira Sendoh, ang ace player ng basketball team." Sabi ni Rose.

"Ace player?." Tanong ko.

"Oo." Tipid na sagot ni Rose.

"Parang si kuya Kaede noong middle school siya ang ace player at captain." Sabi ko.

"Yung bang lalakeng number 11 na Jersey ng SHOHOKU?." Tanong ni Rose.

"Siya nga ang kuya ko." Tugon ko.

"Gwapo pala kuya mo Yurie, type ko siya." Nakangiting sabi ni Rose.

"Gwapo nga wala namang jowa." Nasa isip ko abang nakatingin kay kuya Kaede at sabay buntong hininga.

"Sabihin mo sa kuya mo na interesado ako sa kanya." Sabi ni Rose.

"Ikaw nalang ang magsabi kung papansinin ka niya eh ako ngang kapatid nya hindi ako pinapansin sa bahay eh ikaw pa kaya." Sabi ko kay Rose.

"Kung ganon wag nalang hindi ko pala siya type, may type kase akong iba." Sabi ni Rose at napansin ko na nakatingin siya sa isa sa mga player ng SHOHOKU naka number 14 na Jersey.

Natapos na ang 1st half at nagtungo muna sa locker room ang mga player ng RYONAN at SHOHOKU..

Balak ko sanang lapitan si kuya Kaede ng bigla akong pinigilan ni Rose.

"Saan ka pupunta?." Tanong ni Rose.

"Lalapitan kolang si kuya." Sabi ko.

"Mamaya mo nalang siya lapitan, pumunta muna tayo sa locker room para puntahan ang mga player ng RYONAN basketball team." Sabi ni Rose at inila ako papunta sa locker room...

Pagkarating namin sa locker room kung nasahan ang mga player ng RYONAN...

"Hoy Sendoh pagsabihan mo nga mga fans mo na wag silang basta-basta pumapasok dito." Sabi ng isang player ng RYONAN.

"Wag ka naman magsalita ng ganyan Koshino, pinsan ko ang isa sa mga yan na inaano mo baka kapag nainis yan mauna pa ang kamatayan mo kesa sa magkaroon ka ng asawa." Sabi ni Sendoh, kay Koshino.

"Girlfriend palang nga wala, magkaroon pa kaya ng asawa." Mainang sabi ni Fukuda.

"Manahimik ka nga Fukuda." Inis na sabi ni Koshino kay Fukuda.

"Pinsan ni Rose si Akira Sendoh?." Nasa isip ko.

Lumapit samin si Sendoh.

"May bago ka palang kaibigan." Sabi ni Sendoh.

"Ako nga pala si Yurie Rukawa." Pagpapakilala ko.

"Rukawa? Kaano-ano mo pala si Kaede Rukawa?." Tanong sakin ni Sendoh na nagulat nang narinig ang last name ko na Rukawa.

"Hindi ba obvious Sendoh? Magkapatid sila gwapo si Kaede Rukawa at maganda naman si Yurie." Sabi ni Rose na naiya naman ako.

"Gwapo nga si kuya Kaede pero hindi naman ako gaano ka ganda." Sabi ko.

"Ang ganda mo kaya Yurie." Sabi naman ni Rose.

Kaede Rukawa Point Of View..

Lumabas na kami sa locker room at pagkalabas namin ay lumabas narin sa locker room ang mga player ng RYONAN at napansin ko si Yurie na kasabay ni Sendoh.

"Anong ginagawa nya rito ba't kasama niya si Sendoh?." Nasa isip ko.

Tumingin nalang ako ng masama kay Sendoh.

Napansin naman ni Sendoh na nakatingin ako ng masama sa kanya at napansin din yon ni Yurie.

Nagsimula na ang 2nd half at si Yurie ay nanonood.

Awak ni Ryota ang bola ng ipapasa na niya sakin ang bola ay inagaw naman yon ng gung-gong na si Sakuragi at agad naman na kuha yon ni Fukuda.

"Hoy number 10 ng SHOHOKU wag mong agawin ang bola." Galit na sigaw ng mga tatlong babae.

"Umuwi na nga kayo mga pangit, hindi namin kailangan mga sigaw nyo rito." Malakas na sabi naman ni Sakuragi sa mga tatlong babae.

"Ano??." Sigaw ng mga tatlong babae na kinainis ang sinabi ni Sakuragi.

"Tama na yan Sakuragi, ayahan mo nalang siya." Sabi ni Ryota.

"Sa susunod wag mong aagawin ang bola gung-gong." Sabi ko kay Sakuragi.

YOU AND MEWhere stories live. Discover now