CHAPTER SIXTEEN

40 6 1
                                    

Susunduhin ni Kaede Rukawa si Yurie sa iskuwelahan ng RYONAN at naghihintay siya ngayon sa labas ng iskuwelahan at abang naghihintay siya ay nakita siya ni Uozumi at nilapitan siya nito.

"May kailangan kaba?." Tanong ni Uozumi.

Ngunit hindi siya pinansin ni Rukawa.

"Hindi moba alam na sina Yurie at Sendoh ay sila na?." Tanong ni Uozumi na kinagulat ni Rukawa.

"Ano?." Mainang sabi ni Rukawa nang nakaalis na si Uozumi.

Lumipas ang ilang saglit ay tapos na ang klase nila Yurie at pagkalabas nya ay nakita nya si Sendoh na naghihintay sa kanya..

Sabay naglakad sina Yurie at Sendoh palabas ng iskuwelahan at pagkalabas nila ay nagulat sila kay Rukawa.

"Bakit kayo magkasama?." Tanong ni Rukawa sa dalawa.

Bigla nalang inakbayan ni Sendoh si Rukawa.

"May sasabihin ako sayo Rukawa...😉 Good news, kami na ni Yurie." Pabulong na sabi ni Sendoh kay Rukawa.

"Ako may sasabihin ako sayo." 😒 Bulong ni Rukawa.

"Ano yon?." Tanong ni Sendoh.

"Bad news... Hindi ako payag na maging kayo." Sabi ni Rukawa.

"Anong pinag-uusapan nyo?." Tanong ni Yurie sa dalawa.

"Wala naman." Sabi ni Sendoh kay Yurie.

Umalis na sina Yurie at Rukawa.

Pagkarating nila sa bahay.

"Totoo ba na kayo na nga ni Akira Sendoh?." Tanong ni Rukawa kay Yurie.

"Ano kase kuya.." Hindi matuloy-tuloy ni Yurie ang kanyang gustong sabihin.

"Ano?." Tanong ni Rukawa.

"Kami na." Sabi ni Yurie.

"Pansin ko nga kanina at hanggang ngayon kinikilig ka parin." Sabi ni Rukawa.

"Hulata ba kuya?." Tanong ni Yurie.

"Namumula kana nga oh sa sobrang kilig." Sabi ni Rukawa at iniwan si Yurie.

Nagtungo na sa kwarto si Yurie para magpalit ng damit at pagkatapos nyang magpalit nagtungo siya sa kusina para magluto ng pagkain.

Nasa kusina pala si Rukawa at tapos ng magluto.

"Umupo kana." Utos ni Rukawa at umupo naman si Yurie.

Napansin nyang galit si Rukawa.

"Galit kaba kuya?." Tanong ni Yurie.

"Bakit naman ako magagalit?." Tanong ni Rukawa.

"Naisip kolang." Sabi ni Yurie.

"Bakit si Sendoh? Pwede namang iba nalang eh." Sabi ni Rukawa kay Yurie.

"Sabihin kolang wala akong pake-alam sanyong dalawa." Sabi pa ni Rukawa.

Natuwa na lamang si Yurie sa pinagsasabi ni Rukawa.

Kumain na sila.

At kinabukasan kasama ni Yurie si Sendoh naglalakad sila papunta sa SHOHOKU para puntahan doon si Rukawa naiwan kase ni Rukawa ang kanyang lunchbox.

"Alam moba sinabi ni kuya na wala daw siyang pake-alam sating dalawa." Sabi ni Yurie kay Sendoh.

"Sinabi nya yon?." Tanong ni Sendoh.

"Oo." Sagot ni Yurie.

"Ano kaya ang iniisip ni Rukawa?." Nasa isip ni Sendoh.

Nakarating sila sa SHOHOKU..
Nasalubong nila si Ayako.

"Naparito kayo." Sabi ni Ayako.

"Naiwan kase ni kuya itong lunchbox nya." Sabi ni Yurie na nilabas ang lunchbox.

"Gusto moba na ako nalang ang magbigay kay Rukawa?." Tanong ni Ayako.

"Gusto kong makausap si kuya Kaede, pagkagising ko kase kaninang umaga wala na siya sa bahay eh." Sabi ni Yurie.

Nagtaka si Ayako kung bakit magkasama sina Yurie at Sendoh.

"Bakit kayo magkasama?." Tanong ni Ayako sa dalawa.

Nang dumating si Sakuragi.

"Sila na siguro kaya sila magkasama. Tama ba ko Sendoh?." 😉 Sabi ni Sakuragi.

Sabay na tumango sina Yurie at Sendoh.

"Wow.. Congrats." Sabi ni Ayako.

"Wag mona muna kami i-congrats." Pabulong na sabi ni Sendoh kay Ayako.

Habang naglalakad sila ay nag-uusap sina Ayako at Yurie tapos sina Sakuragi at Sendoh ay napansin ni Sakuragi na may problema si Sendoh pagdating kay Rukawa.

"Alam kona problema mo si Rukawa noh?." Tanong ni Sakuragi.

"Ba't mo alam Sakuragi?." Tanong ni Sendoh.

"Matalino kaya ako.. Alam ko na ayaw sayo ni Rukawa." Sabi ni Sakuragi na inakbayan pa si Sendoh para lang sabihin yon.

Nakarating sila sa gym at nakita nila kaagad si Rukawa na nakatayo lang sa gilid.

"Naiwan mo itong lunchbox mo kuya." Sabi ni Yurie kay Rukawa na nilapitan ito at binigay ang lunchbox.

Kinuha naman yon ni Rukawa at napansin ni Rukawa si Sendoh.

"Anong ginagawa nya rito?." Nasa isip ni Rukawa.

"Ba't ang aga mong umalis kanina?." Tanong ni Yurie kay Rukawa.

"Maaga ang practice namin ngayong araw eh." Dahilan ni Rukawa.

"Hindi naman maaga ang practice natin ngayon Rukawa." Sabat ni Mitsui.

"Oo nga naman Rukawa." Sabi naman ni Miyagi.

"Pwede na kayong umalis." Sabi ni Rukawa kay Yurie at nagtungo ito sa locker room.

"Hoy kuya hindi pa tayo tapos mag-usap." Tawag ni Yurie kay Rukawa.

Ngunit hindi man lang lumingon si Rukawa.

"Ano bang problema non?." Tanong ni Yurie.

"Wag mo nalang pansinin, ganon talaga ang kuya mo." Sabi ni Ayako.

"Tama siya." Sabi naman ni Miyagi.

"Enjoy nyo nalang muna ni Sendoh ang unang araw na naging kayo." Sabi ni Sakuragi.

"Kayo na?." Gulat na tanong ni Miyagi.

"Sana all." Sabi naman ni Mitsui.

"Mapapasana all ka nalang talaga noh Mitsui?." Tanong ni Miyagi, na para bang may ibig sabihin.

YOU AND MEWhere stories live. Discover now