CHAPTER SEVENTEEN

52 4 2
                                    

Naisip ni Sendoh na yayahin si Yurie na mag date silang dalawa kaya nga lang hindi nya alam kung saan.. Buti nalang ay nandyan si Mitsui.

"Manood kayo ng cine at dapat romance para romantic." Sabi ni Mitsui kay Sendoh.

Naisip rin naman yon ni Sendoh na manood sila ng cine at dapat romance para romantic..

Pagkaalis nila Sendoh at Yurie sa iskuwelahan ng SHOHOKU ay niyaya na ni Sendoh si Yurie na manood ng cine pagkatapos ng klase... Pumayag naman si Yurie na manood sila ng cine pagkatapos ng kanilang klase.

Maaga ang uwihan nila ngayong araw..
Alas 3:00 palang ay tapos na ang klase...

Kasama ni Yurie si Rose at si Lesley naglalakad sila papunta sa basketball gym para panoorin ang practice nila Sendoh.

Pagkarating nila ay nagsimula na ang practice ngunit wala si Akira Sendoh..

"Wala pa yata dito si Akira." Mainang sabi ni Yurie na nakatingin sa mga player na nag pra-practice.

"Pasensya na kung ngayon lang ako may inano lang ako na mahalaga." Sabi ni Sendoh na dumating.

"Sabihin mo nga diyan sa boyfriend mo na maagang pumunta sa practice lagi nalang kaseng late." Sabi ni Koshino kay Yurie.

"Hindi na mauulit." Sabi ni Sendoh na napaawak pa sa kanyang batok.

"Lagi mo nalang sinasabi na hindi na mauulit pero nauulit parin." Sabi ni Koshino.

Magsasalita sana si Rose ng magsalita si Yurie.

"Wag kanang magalit kay Akira at isa pa ang mahalaga pumupunta siya sa mga practice kahit nauuli siya." Sabi ni Yurie kay Koshino at natahimik na lamang si Koshino.

"Pasalamat ka Sendoh." Sabi ni Koshino.

"Hindi yata alam ng babaeng yan kung ano ang ugali mo." Sabi ni Fukuda.

"Oh siya practice na." Pagyaya na lamang ni Sendoh.

Nagsimula na ang practice.

"Ba't ka natahimik kanina?." Tanong ni Fukuda na para bang inaasar pa si Koshino.

"Hindi kita katulad na pumapatol sa babae." Sabi ni Koshino.

"Anong sabi mo?." Inis na sabi ni Fukuda.

"Wag mo kong itulad sayo." Sabi ni Koshino na lalong kinainis ni Fukuda.

Napa buntong hininga na lamang si Sendoh abang pinapanood ang dalawa na nag-aaway.

"Ang yabang talaga nito." Sabi ni Fukuda.

"Tigilan nyo nga yan." Sabi ni Sendoh sa dalawa.

Tumigil naman ang dalawa..

"Yurie." Tawag ni Rose.

"Ano yon?." Tanong naman ni Yurie.

"May pupuntahan ba kayo mamaya ng pinsan ko?." Tanong ni Rose.

"Niyaya nya ko na manood kami ng cine mamaya." Sagot ni Yurie.

"Kaya pala tinanong nya ko kaapon kung ano ang oras ng uwihan ngayong araw." Sabi ni Rose na napatingin kay Sendoh.

"Buti nalang pumayag ang kapatid mo na manood kayo ng cine ni Sendoh mamaya?." Tanong ni Lesley kay Yurie.

"Walang alam si kuya." Sabi ni Yurie.

"Hindi alam ng kuya mo?." Gulat na tanong ni Rose.

"Meron bang kapatid na walang pake-alam kung magkaroon ng kasintahan ang kapatid nya? Kase ang kuya ko sinabi nya sakin wala daw siyang pake-alam saming dalawa ni Akira.." Sabi ni Yurie.

"Hindi totoo yan.." Sabi ni Alisa na dumating sa gym.

"Sa tingin ko may ibang plano ang kuya mo Yurie, alam kong hindi siya papayag na basta nalang maging kayo ni Akira." Seryosong sabi ni Alisa.

"May plano ang kuya ni Yurie? Ano naman yon?." Tanong ni Lesley.

"Ano kaya iniisip ni kuya?." Tanong ni Yurie sa kanyang sarili.

(After Practice)

Hindi hinahasahan nila Sendoh na pupunta sa iskuwelahan ng RYONAN si Rukawa..
At alam na pala ni Rukawa na manonood ng cine sina Yurie at Sendoh..

"Pumunta kaba dito para sunduhin ako?." Tanong ni Yurie kay Rukawa.

"Hindi... Sasabay lang sana ako sanyo, manonood kayo ng cine hindi ba?." Tanong ni Rukawa.

"Pano mo nalaman na manonood kami ng cine?." Tanong ni Sendoh kay Rukawa.

"Sinabi sakin ni Mitsui, manonood daw kayo ng cine at tamang-tama gusto kong manood ng cine." Sabi ni Rukawa.

"Sabihin mo gusto molang bantayan si Yurie." Bulong ni Sendoh.

"Hindi paba tayo aalis?." Tanong ni Rukawa na ngumiti pa sa harap ni Sendoh na para bang iniinis ito.

Umalis na silang tatlo hindi ganito ang gustong magyari ni Sendoh ang gusto nya ay sila lang dalawa ni Yurie hindi kasama si Rukawa.

"Oo nga pala Rukawa dalawa lang ang nabili kong ticket." Sabi ni Sendoh kay Rukawa.

"May binili akong ticket na alam kong pareho lang ng sanyo." Sabi ni Rukawa na nilabas ang ticket nya.

AKIRA SENDOH POINT OF VIEW...

Mag-eenjoy daw ako dito sabi nila sakin... Mukhang hindi... sino ba naman ang Mag-eenjoy kung ganito😧😞..

Katabi ni Sendoh si Yurie at si Rukawa naman ay nakaupo sa likuran nila.

Hindi talaga mag eenjoy si Sendoh kapag kasama nila si Rukawa. Maraming couple ang nanonood ng cine at nakaakbay sila sa kanilang girlfriend samantala si Sendoh ay aakbayan nya sana si Yurie ng biglang sisingit itong si Rukawa.

Kumain nalang muna ng popcorn si Sendoh nang nakatulog si Rukawa...

Inakbayan ni Sendoh si Yurie...

Pagkatapos ng movie ay nagising si Rukawa..

Lumabas na sila at napansin ni Rukawa na magkaawak kamay ang dalawa.

"Anong nagyari abang tulog ako?." Tanong ni Rukawa sa dalawa.

"Sayang hindi mo napanood yung ending." Sabi ni Sendoh.

"Namatay ba yung lalake na may gusto sa kapatid nya?." Tanong ni Rukawa.

"Patay agad?." Sabi ni Sendoh.

Nagpaalam na si Sendoh kay Yurie..

YOU AND MEWhere stories live. Discover now