CHAPTER 9

599 23 5
                                    

I am clueless. I failed to process what he just said. Ilang segundo ata akong natulala bago tuluyang natauhan. Pilit akong kumawala sa hawak niya. Nagtagumpay naman ako.

Rinig ko ang mabibigat na paghinga niya, senyales na nakatulog na ito. Umalis ako sa kama at lumabas ng kwarto.

"He's just drunk, Ian. His words are nothing."

He said I was too focused to Ysmael that I failed to notice him? I literally met him when I applied as an architect in his company. I don't even have an idea that he exist. Hindi siya sakin pamilyar. Unang beses ko siyang nakita sa kompanya.

Mas lalong hindi ako pinatulog nang mga nangyare. Nakaupo ako sa mahabang sofa sa living room. Kung makakatulog man ako baka dito nalang ako pumuwesto. Ayokong bumalik sa kwarto. Kung pwede lang umalis ngayong gabi o 'di kaya ay bumalik sa hotel ay ginawa ko na. Kaya lang baka kung ano pang mangyare sakin sa labas. Bago ako sa lugar na 'to kaya wala akong ideya sa pasikot-sikot dito.

Nalaman ko nalang na nakatulog ako nang gisingin ako ni Manang. Ang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko minuto palang ang lumipas nang ipikit ko ang mga mata ko. Madilim pa sa labas. Sa tingin ko ay alas singko palang ng umaga.

"Bakit dito ka natulog, Ma'am? Hindi ba binigyan ka ng kwarto ni Sir?" tinig nag-aalala nitong tanong.

"Hindi po kasi ako sanay." pagrarason ko nalang. Narinig ko ang buntong-hininga niya.

"Ipagtitimpla po kita ng kape. Halika rito sa kusina." aya niya. Tipid akong tumango at sumunod na sakanya.

Umagang-umaga ay binabagabag na ako ng mga isipin. Paano ko pakikiharapan si Engr. Victorino pagkatapos nang mga nangyare kagabi? Should I act like nothing happened? Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Maghahanda lang ako ng almusal. Inumin mo na 'yang kape, Ma'am." nagpasalamat ako at muling nalunod sa malalim na pag-iisip.

Hindi ako sumama dito para madagdagan ang problema ko! I have enough. Hindi ko lang na-a-address sa ngayon dahil sa trabaho ko pero pagbalik sa Manila ay pag-uusapan na namin ni Ysmael ang mga bagay-bagay. Tapos dumagdag pa itong kay Engr. Victorino.

"May gusto po ba kayong kainin, Ma'am?"

"I'm fine with anything, Manang. Salamat po." I sipped on my coffee.

"Narinig mo ba kagabi 'yung sagutan ni Sir Rouse at Ma'am Luanna, Ma'am?" Bakit ang chismosa nito ni Manang? Kagabi halos sabihin na sakin lahat. Ngayon uusisain ako tungkol sa isyu ni Engr. Victorino at Luanna. "Sigurado, oo. Ang lapit mo lang sakanila kagabi. Ako ngang nandito sa baba at nasa dulo pa ang kwarto ay narinig ko. Sa tingin mo, Ma'am, mabubuntis kaya ni Sir Rouse si Ma'am Luanna?" pasulyap-sulyap siya sakin habang nagsasangag.

"Nakakaawa si Ma'am Luanna kagabi. Rinig ko ang desperasiyon sa boses niya kagabi. Mukhang tinamaan talaga siya ng sobra. Kaya lang hindi ata ganun ang sa parte ni Sir Rouse." iniwan niya ang sinasangag para lumapit sa akin. Nasa harapan ko na siya ngayon at nakatingin sa akin. She looks invested to whatever I will say.

"Sa tingin mo, Ma'am, may pag-asa bang mahalin din pabalik ni Sir Rouse si Ma'am Luanna?"

"Wala ako sa posisyon para magsalita tungkol sakanilang dalawa." sabi ko at nag-iwas ng tingin. Muli akong uminom ng kape.

"Mukhang malabo, Ma'am. Kilala ko si Sir e. Hindi 'yan nag-gi-girlfriend. Sa tagal ko dito, wala nga 'yang inuwing babae dito. Ewan ko lang sa Manila. Siguro puro fuck buddy lang." halos masamid ako sa mga narinig ko. Napahilot ako sa sentido ko. Ang daldal niya!

Bumalik siya sa niluluto. Hinalo niya lang at muling iniwan. Lumapit ito sa ref at kumuha nang lulutuin doon. I saw her get eggs, bacon, ham, hotdogs, bread, cheese, tomatoes, and lettuce.

Here Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon