CHAPTER 15

1.3K 40 28
                                    

Nasindak ako nang bumaling sa amin ang atensiyon ni Lucian. Mabilis niyang iniwas sakin ang mga mata na para bang hindi ako dapat na pinagtutuonan ng atensiyon.

Pabalang niyang binitawan ang kwelyo ni Rouse pero nanatili ang talim ng mga mata.

"Ayusin mo ang gulong 'to. The least thing I want right now is a friend who has a record with a married woman." si Lucian bago tinalikuran si Rouse.

Bahagya akong gumilid nang malapit na ito sa amin ni Lucid. Tiningnan niya lang ang kapatid niya at nilampasan na kami.

That's the time I realized I wasn't breathing. Halos habulin ko ang hininga ko nang tuluyang mawala sa paligid si Lucian. Kung hindi pa naglakad palapit kay Rouse si Lucid ay hindi pa ako matatauhan.

"Tinik mo rin kasi." natatawang sabi ni Lucid at mahinang tinulak ang balikat ni Rouse.

"Sa lahat naman kasi bakit si Luanna pa?"

"Shut up, Lucid!" natawa si Lucid at umiling-iling.

"Tangina mo rin kasi. Alam mo namang kapatid ng kaibigan mo pero pinatos mo pa rin. Bumalik lang ang una mong pag--"

"Shut the fuck up!" iritadong sabi ni Rouse at sinamaan ng tingin si Lucid. Tumawa lang si Lucid at nakangising lumingon sa akin.

"Ang panget ni Victorino, 'no?" he randomly asked. Wala akong naisagot. "Deserve mo ng mas gwapo, 'yung walang sabit, at isang De Grano." nagsalubong ang mga kilay ko dahil hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin.

Tumawa si Lucid nang bahagyang suntukin ni Rouse ang sikmura niya.

"Stop giving her ideas." si Rouse at nilampasan na si Lucid. Bumagal ang lakad niya nang malapit na sa akin. Nakatingin lang ako sakanya at doon ko nakita na putok ang mga labi niya. May bakas pa ng dugo.

Nag-iwas siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Naiwan kami ni Lucid sa labas.

"Gamutin mo na sugat no'n." si Lucid sa gitna ng katahimikan.

"Nandun naman si Manang." sabi ko at nagkibit-balikat. Tumawa si Lucid at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

"Ang lamig mo pa rin talaga. Kaya hindi ko talaga alam kung bakit ang dami naming gustong-gusto ka."

"Tangina, ang swerte na ni Salvatore." iling-iling niya. Nakatingin lang ako kay Lucid na para bang isa siyang malaking puzzle. Mas lalo lang akong walang naintindihan sa mga sinasabi niya.

"You'll soon understand." sabi niya nang mapansing hindi ko nakuha ang mga sinabi niya.

Naglakad siya palapit sakin at mabilis na nilamon ang distansiya naming dalawa.

"Let's go. It's getting cold here." sabi niya at nauna na. It took me several seconds before I followed him.

I watched Lucid walked towards where his car is parked. Hindi na siya lumingon o nagpaalam pa.

Pagpasok ko sa loob ng bahay, naabutan ko si Rouse na sapo ang panga niya habang nakaupo sa mahabang couch. Wala si Manang sa paligid.

"May first aid kit ka ba?" tanong ko nang makalapit na sakanya. Tumingin siya sakin. Natagalan bago siya tumango.

"Sa kwarto ko."

"Let's go. Gamutin ko ang sugat mo." I volunteered. Parang bigat na bigat siyang tumayo sa couch. Pinauna ko siya sa paglalakad at sumunod ako. Kahit ang mga hakbang niya ay sobrang bigat, para bang tamad na tamad itong maglakad.

"Are you okay?" hindi ko na napigilang itanong. Nasa hagdanan na kami nang lingunin niya ako. Tipid itong tumango bago nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating sa kwarto niya ay malawak niyang binuksan ang pinto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Here Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon