Chapter 12

7 2 0
                                    

"Problema ni Villafuerte?" tanong ko dahil nilampasan niya lang kami at na upo sa ibang table.

"Hay baka malungkot dahil na talo siya kanina" malungkot na sambit ni Dorothy bago tinanaw ang crush niya.

"Tss..." irap ko ng mag tama ang mga mata namin.

Kumain na lang ako at hindi mapigilang mapa ngiti ng may naglagay ng flavor chocolate milktea na favorite ko.

"Thank you zyaire babey!" masayang sambit ko na kinatawa niya.

"welcome beh! uwi na ako" kinurot pa ang pisnge ko bago tumakbo pa alis.

Nang makaalis na siya ay nag pa tuloy lang ako sa pag kain ng mapansin ko ang mga nakakailang na tingin ng mga kaibigan ko.

"Thank you zyaire babey!!" pang gagaya ni Dorothy.

"welcome beh! uwi na ako" kinurot pa ni Nhova ang pisnge ni Dorothy bago sabay silang tatlong tumili.

"Mga gaga! bakla yun!" sambit ko na kinatigil nila.

"What?!!" laglag panga nilang sambit.

"Bakla si Zyaire Mikael Camino?!"

"Bakla yun Joo? e bat ang gwapo!!"

"Oo nga!  tapos ang tahimik pa, diko nga naririnig ang boses niya pag wala ka eh!"

"Ay basta bakla yun! mas babae pa yun sa atin kung mangarte!"

"Sayang siya!"

"oo nga!"

→→→→

Uwian na at cleaners na naman ako.

"Jo una na kami!" paalam nilang tatlo.

"Sige bye bye!" tugon ko bago bumalik sa pagwawalis.

Nagwawalis ako at hinihila ang mga armchair para malinisan ng biglang may tumulong sa akin.

"Thanks!... Villafuerte?!" gulat kong sambit.

Tumaas ang kilay niya.

"Hala! kasama pala kita sa cleaners?" gulat kong tanong na kina tango niya lang.

"Sungit!..." ika ko.

"Tsk!"

"May problema ka ba sakin?" asar kong tanong.

"Wala." cold nitong sagot.

"Wehh?!" pangungulit ko kasi feeling ko talaga may galit siya sa akin.

"Wala nga."

"Kung ganon, bakit feeling ko galit ka sakin?" tumaas nag kilay ko.

"K-kasi you didn't cheer for me..." mahinang bulong nito na narinig ko naman.

"So galit ka sakin dahil hindi kita cheneer?"

Nanlaki ang mata niya at namula. "Huh? hindi kaya?"

"wehhhh? Kakabulong mo lang eh!" ngisi ko kaya napa iwas siya ng tingin.

"Bat ka naman magagalit kung hindi kita cheneer eh ang dami na ngang nag Checheer sayo" sabi ko na kina lingon niya.

"Di nga ako galit." ika niya.

"Okay sayang naman, kala ko galit ka sakin e le-libre sana kita ng isaw mamaya!" nanlaki ang mga mata niya sa narinig.

"U-ummm.. oo na! galit ako kaya tapusin na natin to ng malibre mo na ako!" excited na sabi niya na kita natawa ko.

Isaw lang naman pala ang katapat sa galit niya.

→→→→

Please Don't forget to vote thank you!

You Will Never KnowWhere stories live. Discover now