Chapter 28

2 1 0
                                    

"Oh anyare sayo at bakit parang natatae ka Jan?" natatawang tanong ni Zyaire habang kumakain ng burger.

Di ako mapakali at patingin tingin sa labas.

"Okay ka lang talaga Joanne Babey?" nag aalalang tanong nito sa akin kaya napalingon ako sa kanya.

"Z-Zyaire May sasabihin ako" kinakabahang sambit ko kaya napa ayos siya ng upo at nag seryuso na.

"Ano yun?" seryusong tanong niya.

"Nanliligaw si Villafuerte sa akin!" ngiting ngiti kong ika na kina tulala niya saglit bago napa iwas ng tingin.

Guni guni ko lang ba na nakita kong nalungkot si Zyaire sa sinabi ko?

"Kailan?" bigla niyang tanong.

"Kahapon lang" sabi ko.

Bat ang seryuso ni Zyaire ngayon?

"Siya yung tumawag?" He asked while looking at me directly.

"O-oo..."

"Sinabi mong magkasama tayo?" He asked na kinatango ko.

"Gusto mo ba siya?" biglang tanong niya kaya napa tingin ako sa kanya bago ngumiti.

"Oo hehe"

Pilit na ngiti ang binigay niya sa akin. "Okay... susunduin ka niya?"

"Oo sabi niya pupunta siya dito hehe mukhang nag seselos pa" ika ko na di mapigilang mapangisi.

Naka ngiti siyang napa titig sa akin. "Masaya ako para sayo..."

"Aww... thank you zyaire babey!" I smiled sweetly at him bago napa subo ng pag kain.

"Ubusin mo yan ha! hindi kita ibibigay sa kanya pag di mo yan na ubos!" ika niya kaya napa tawa ako at madaling kumain, nabulunan tuloy ako.

"Ano bayan Joanne! ganyan kaba kasabik na makasama siya!" asar niyang sambit bago ako inabutan ng tubig at pinunasan ang gilid sa aking mga labi.

"Oh nandito na pala siya!" ika ni Zyaire kaya napa lingon ako kay Villafuerte na kakadating lang. Sininyasan ko itong maghintay bago napa tingin kay zyaire at sa pagkain.

"Tss.... alis na wag mo na yan ubusin baka mabulunan ka ulit!" ika niya kaya napangiti ako sa kanya.

"Thank you zyaire ingat ka pauwi!" Malaking ngiti ang ibinigay ko sa kanya bago madaling tumayo at kumakaway sa kanya habang naglalakad ako papunta kay Villafuerte.

Hinawakan ni Villafuerte ang kamay ko kaya namumula akong napatingin sa kanya.

"Let's go!" He smiled kaya ngiting ngiti akong tumango sa kanya na kinatawa niya.

→→→→


Lunes at ang ganda ng aking umaga pano ba naman kasi kasabay ko ba namang pumasok si Villafuerte hehe.

Palihim niyang hinahawakan ang kamay ko kapag walang nakakakita kaya para kaming timang na ngumingiti.

Ganon ang parati naming Routine sa umaga. Sa recess naman ay binibilhan niya ako ng snack kaya tudo ngiti ako habang kumakain sa aking inuupuan, minsan panga sa subrang kilig ko nababatukan na ako ni Zyaire ang ingay ko daw kasi, palibhasa nililigawan ako ng type niya hahaha. Sa tuwing lunch naman ay tabi siya sa akin, minsan nga ay naghoholding hands kami sa ilalim ng mesa habang napapangiting sumusubo muntik na nga kaming mahuli ni Dorothy e hehehe.

Secret muna ang pangliligaw niya sa akin ng dumating ang isang umagang nabuking kami.

Nakalimutan kong bitbit pala ni Villafuerte ang bag ko, habang ako naman ay tumatakbo papunta kay dorothy at akbayan siya.

Tinaasan ako ng kilay nito at parang na disappointed na makita ako habang ako naman ay may malawak na ngiti sa mukha.

"Morning Shang!" I cheerfully greet her.

"Anyare parang kailan lang wala ka sa mode tapos ngayon grabi ang saya saya mo anong meron?" Takang tanong niya.

Nagtampuhan kasi kami ni Villafuerte Nong time nayun kasi dumidikit si Antonella sa kanya, nakakainis muntik ko ng mabasted si villafuerte sa nangyari!

"Wala di ba pwedeng maging masaya hahaha!" I smiled and chuckled.

Napa iling iling na lang siyang naka tingin sa akin. Bago ako henead to foot.

"Oh my god!....your inlove!!" She dramatically gasp na kinamula ko at ngumiti na.

Sakto namang dumating si Villafuerte dala ang bag ko at naka simangot sa amin.Kaya lag lag panga si Dorothy sa subrang gulat.

"Why did you leave me" ngumusong sambit ni Villafuerte sa akin na mas lalong kinalag lag ng panga ni Dorothy.

She look at me, kaya para akong na guilty bigla at namula. Puta!

Ngumuso ako bago nag peace sign "Sorry.." mahinang bulong ko kay Villafuerte kaya napa kagat si Villafuerte sa pang ibang labi niya para pigilan ang ngising gustong kumawala. Kaya napangiti na ako.

"Oh my god! umalis kayong dalawa sa harap ko! doon kayo maglandian! wag sa harap ko! oh my god I cannot!" pinag tutulak kami ni Dorothy kaya napangiti kami sa isa't isa at napatawa.

Nang nasa malayo na kami ay napahawak kami ng kamay habang nagtitigan bago  napaiwas ng tingin ng may ngiti sa labi.

Puta ang sarap pala sa pakiramdam pag hindi tinatago ang relasyon namin sa lahat.

Tama kayo boyfriend ko na si Villafuerte at kalat na kalat na yun sa buong school kaya ang daming nag co congrats sa amin at nang aasar.

"OMG jo! kailan pa ha?" Kinikilig na tanong ni Ella kaya napa ngiti ako.

"Nung nakaraan Linggo pa hehe" kilig kong sambit na kina tili nila.

"Kaya pala blooming yarn!" ika ni Nhova na kinatawa ko lang.

Nagsikuhan sila at may mapang asar na tingin ng lumapit sa amin si villafuerte.

"Let's go?" ngiting aya ni villafuerte sa akin kaya tumango na ako.

"Bye guys!" paalam ko sa kanila dahil mag de date pa kami hehe.

"Hoy Villafuerte ingatan mo yang kaibigan namin ha!" ika nilang tatlo kaya napa ngisi si Villafuerte bago sumagot.

"Yes naman!" sumaludo pa ito kaya napa tili sa kilig silang tatlo kaya kinilig na naman ako.

Isang buwan na kami ni Villafuerte ng dinala niya ako sa bahay nila para ipakilala sa parents niya.

Tudo ang kaba ko ng time nayun kaya tudo comfort din siya sa akin, sabi niya okay lang daw dahil gusto din daw ako ng family niya, araw araw pa daw niya akong kinukwento sa kanila.

Pagkatapos non ay na-meet and greet ko na ang family niya at grabi feel na feel ko talaga na gusto nila ako para sa anak nila.Makalipas ang isang Linggo ay siya naman ang pinakilala ko sa pamilya ko.Tuwang tuwa pa si mama at pabiro pa akong binulungan na akala niya daw ay si zyaire yung jowa ko kaya tinawanan ko na lang at sinabihang bakla yun na hindi niya pinaniwalaan.

Masayang masaya ako na sa puntong parang hindi totoo na nangyayari ito.

→→→→

Please Don't forget to vote thank you!

You Will Never KnowWhere stories live. Discover now