Chapter 30

3 1 0
                                    

It's been 2 years since he left.

My relationship with Adam Adrian Villafuerte is going strong na dumating sa point ng aking buhay na akala ko siya na.

Away, selos, ang dami na naming mga pagsubok na nilampasan para makaabot ng  dalawang taon. I thought we will last forever pero ika nga nila nothing last forever.

Dumating kami sa puntong nagkakasawaan, I don't know if he feel the same way, na parang unti-unti ng nawawala ang pagmamahalan namin.

We tried to fight but we couldn't win. Lumaban naman kami e kasi pinipilit namin na kami sa huli pero darating talaga ang araw na patitigilin kana.

Nagmamadali akong naglakad papasok sa isang restaurant kung saan nagkakasiyahan sila Villafuerte at kanyang mga kaklase. Nanalo kasi sila kanina sa isang performance task kaya nagkaroon sila ng kasiyahan, nag paalam naman siya sa akin kanina kaya pinayagan ko kaya lang tinawagan ako ng isang ka klase niya na naka inom daw siya at balak na nilang umuwi kaso nga lang daw ayaw pang magpaawat ni Villafuerte sa pag inom.

Pagpasok ko sa restaurant nahulog ang dala kong payong dahil umuulan ngayon. Gulat na gulat ako sa nakita ko at para akong sinaksak ng ilang beses na patalim sa aking likuran.

Kitang kita ko kung paano hinalikan ni Villafuerte si Antonella sa harap ng mga ka klase nila.

We all shocked sa nangyari. Inimulat niya ang kanyang mga mata habang hinahalikan si Antonella kaya naman nagtama ang aming mga mata.

Nagulat siya at mabilis na naitulak si Antonella.

"B-babe..." ika niya at tumakbo papalapit sa akin bago siya maka lapit ay napatakbo ako palabas at sumubsob sa ulan habang napahagulgol.

"Putang1na ang sakit!" I screamed. Napaluhod ako sa gitna ng kalsada at inabangan na lang na masagasaan ako para matigil na ang pag kirot ng damdamin ko, my mind is blank para itong hindi gumagana.

May bumusina ng malakas kaya napapikit na lang ako pero bago yun may biglang humila sa akin ng malakas kaya natumba kami sa gilid ng kalsada.

"PUTANG1NA JOANNE NAG IISIP KA BA?!" Galit na ika ni Villafuerte kaya galit akong napatayo hindi ininda na basang basa kami ng ulan ngayon.

"BAT MO AKO INILIGTAS E PARANG PINAPATAY MO RIN NAMAN AKO!!" I screamed na kinatigil niya bago napaluha at napaluhod sa harap ko.

"S-sorry..." umiiyak na ika nito na kinatigil ko.

"Sorry? tingin mo mababalik mo ang tiwala na buong buo kong binigay sayo ha?!" Galit kong sigaw sa kanya na kinahagulgol niya.

Niyakap niya ako habang nakaluhod.

"S-sorry babe, trinry ko namang lumaban para hindi maubos ang pagmamahal ko sayo..." He whispered na kinawalan ng lakas ko kaya napa upo ako sa sahig.

"B-babe ano bang sinasabi mo?" takot kong tanong bago hinawakan ang mga kamay niya.

"Joanne tanggapin na natin ang totoo" He brokenly said na kina iling iling ko bago napaluha.

"P-please no.. noh..lalaban pa tayo diba?.. kakalimutan ko yung kanina!... please lets make this work... please parang awa mo na... hindi ko kaya.. please" pagmamakaawa ko na iling iling niya habang ang mga mata ay tila pagod na.

"Tama na Joanne! itigil na natin to!" He said bago kinalas ang kamay kong nakahawak sa kanya. Napahagulgol akong iniabot ang kamay niya na pilit niyang inilalayo sa akin.

"P-please no..? parang awa mo na... kakalimutan ko yun.. papatawarin kita.. please! wag mo akong iwan maawa ka naman hindi ko kaya Adam!" Pagmamakaawa ko habang nakaluhod na sa harapan niya.

You Will Never KnowWhere stories live. Discover now