Chapter Four : Drunk [ EDITED ]

6.3K 220 33
                                    

Callista's Pov.


Nandito ako ngayon naghihintay ng taxi pauwi dahil kailangan ko pa rin na magtrabaho kahit nag-aaral ako. Ang sabi ni Miss Martha ay alagaan at bantayan ko kahit nasa school si Ma'am Savannah. Paano ko siya babantayan kung ako yung binabantayan niya?

Natigil ako sa pag-iisip nang may pumaradang sasakyan sa harapan ko kaya bigla akong napaatras jusko sana hindi niya ako dukutin at ibenta ang lamang loob ko please lord save me.

"Get in." napatigil na naman ako sa pag-iisip ng kung ano-ano dahil bumukas ang bintana nito at nakita ko ang blangkong mukha ni Ma'am Savannah. Kahit naman blangko ang mukha niya ay maganda pa rin siya. Her brown eyes, her lips, her nose and all of her body is beautiful. May boyfriend na kaya si Ma'am?

"Stop staring, Stupid. I said get in." agad ko namang binuksan ang back seat para sumakay at baka pagalitan pa ako nito.

"I'm not your driver." Malamig niyang sabi kaya lumipat ako sa passenger seat. Nagsimula na rin siyang mag-drive at ako naman ay nakatingin lang sa bintana. Baka kasi mahuli pa ako nitong nakatitig sa kanya at pagalitan na naman ako.

Hindi mo masyadong makikita ang mata nito dahil natatakpan ng bangs pero bahagya ko itong nakita kanina. Brown ang kulay ng mata niya at samantalang sa akin ay Asul. Tsaka ang hilig niya talaga sa black, kahit nasa University siya ay kulay black ang suot niya. May patay ba sa isip niya kaya ganun?

"Your eyes, it's beautiful. Naalala ko siya sa'yo." Basag niya sa katahimihan. Kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Sino naman binabanggit niya?

"Sino po, Ma'am?" tanong ko sa kanya habang naka-tingin pa rin sa bintana.

Hindi na siya nagsalita ulit kaya hinayaan ko na lang. Pumasok na naman sa isip ko yung nakita kong pictures ko sa kwarto niya. Bakit meron siya nun? Kukulamin niya ba ako? 'Wag naman sana. Itatanong ko na lang sa kanya.

"M-ma'am saan niyo po nakuha yung-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang mag-preno si Ma'am dahil may biglang tumawid.

"Stupid." Aniya sa naiinis na tono. Tumahimik na lang ako at hindi ko na lang tatanungin baka ako pagbuntungan ng galit nito, delekado na.

Next time ko na lang itatanong basta huwag ngayon dahil mukhang galit talaga siya. Nakakatakot siyang magalit parang may galit pala sa mundo eh napaka blangko ng mukha akala mo may palaging pasan pasan na problema.

"We're here." ipinarada niya na ang sasakyan niya at lumabas na. Agad naman akong sumunod at nakita ko si Miss Martha na nakangiting tumingin sa amin ni Ma'am Savannah. Loh pati si Miss Martha may sanib?

"Mabuti naman at isinabay mo si Callista sa pag-uwi mo." Nakangiting sambit ni Miss Martha. Ayos lang sana kung hindi na, mukha kasing napilitan lang si Ma'am Savannah. Magpapasakay na nga lang ng kotse galit pa tsk tsk.

"Mom. Kiera, Lucy and I will go to the bar later after dinner." Paalam niya sa Mommy niya gamit ang kanyang poker face.

"Callista will come with you so she can watch over you." Bigla namang tumingin sa'kin si Ma'am Savannah gamit ang kanyang mga matang walang emosyon.

Napairap naman siya na parang hindi sang-ayon sa sinabi ng kanyang ina. "But Mom-" hindi niya na natuloy ang sasabihin nang putulin ito ng kanyang ina.

"No buts, Savannah." Miss Martha said with finality on her voice. I looked at Ma'am Savannah, she just sighed.

"M-miss martha kailangan po ba akong sumama?" tanong ko rito dahil mukhang galit na ang anak niya. Ang sama ng tingin na ipinupukol sa akin jusko ano na naman bang ginawa ko?

The Obsessed Psychopath (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now