CHAPTER 14 [ UNEDITED ]

4K 133 42
                                    

Callista





“Callista, punta ka raw sa faculty room pinapatawag ka ni Professor Gomez.” tawag sa'kin nung kaklase ko sa harap.

Tahimik akong naglalakad ngayon papunta sa faculty room dahil pinapatawag ako sa hindi ko malaman na dahilan.

Habang naglalakad ako ay ramdam ko ang mga matang nakatitig sa'kin kaya lumingon ako mula sa likod.

Pag lingon ko ay sumalubong agad sa'kin si Callie na seryoso ang mukha.

“Come with me, you have something important to know.” seryosong sabi nito.

“Sorry, pupunta pa ako sa faculty room eh. Pwede namang dito mo na lang sabihin, baka kasi may sasabihin na importante rin si Professor Gomez.” pagtanggi ko sa kanya.

Napangisi naman siya dahil sa sinagot ko. Ano bang problema nito? akala ko wala na siya rito dahil hindi ko na siya nakikita.

“Do you want to know about Savannah Valencia?” tanong nito sa'kin na nagpa-laki ng dalawa kong mata. Anong koneksyon nilang dalawa?

“So? come. Follow me.” agad ko siyang sinundan. Desidido akong malaman kung ano nga ba talaga si Savannah sa buhay ko at kung sino talaga siya.

Wala na akong pakialam kung hindi ako makapunta sa faculty room, gusto kong malaman ang lahat lahat.

Habang naka-sunod ako sa kanya ay napansin kong papunta kami sa isang room na pribado kaya bigla akong kinabahan.

Pumasok na kami roon at bumungad sa'kin ang loob nito na puro libro ang laman. Malamang ay isa itong inabandunang library kaya puro na alikabok ang loob.

“A-anong ginagawa natin dito? akala ko ba may sasabihin ka sa'kin?” matapang kong tanong sa kanya pero ngumisi lang siya.

May mali rito. Dapat hindi na ako sumama sa kanya.

May kinuha siyang envelope sa ibabaw ng lumang cabinet at ibinigay ito sa'kin.

“Ano 'to?” tanong ko sa kanya.

“Open it.”

Bigla akong nakaramdam ng kaba habang binubuksan ko ang envelope na ibinigay niya. May pictures na nakalagay sa envelope at tiningnan ko ito nang maigi.

Nakita ko ang mukha ko nung siguro ay 12 years old pa ako at may katabi akong batang babae habang magkatabi kaming nagdu-duyan. Hindi ko makilala ang babae na iyon kaya tiningnan ko pa ang ibang pictures.

Yun pa rin ang nakikita ko. Ako at yung babaeng hindi ko makilala kung sino habang magkasama kami kahit saang lugar.

Hanggang sa makita ko na ang last picture ay nabitawan ko ito bigla.

“S-sino siya?” tanong ko kay Callie habang tinuturo ang babaeng nasa litrato.

Tumawa naman ito nang mahina kaya mas lalo akong nairita at hinawakan ko siya sa kwelyo.

“Sabihin mo. Sino ang babaeng 'to?!” hindi ko mapigilang mapasigaw at hindi ko rin mapigilan ang mapaluha dahil sa nakita kong litrato.

Si Mama at Papa na walang buhay sa kotse. Puno ng dugo ang kanilang katawan na aakalain mong naligo ng isang timbang dugo habang may bata na nakangiti sa harapan nila at may hawak itong lighter.

Yung batang kasama ko palagi sa picture ang bata rin na nakangiti habang pinagmamasdan ang mga magulang kong walang buhay.

Sino nga ba siya? Siya ba ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ko? Siya ba ang pumatay sa mga magulang ko?

The Obsessed Psychopath (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now