Callista
3 days ago na simula nang makauwi kami rito sa Pilipinas. Lahat naman ay maayos, walang problema sa pag-uwi namin dito. Sa paglipas nga lang ng araw ay hinahanap na nila Leigh at Klay ang kanilang Dada. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila.
Hindi ko naman pwedeng sabihin na baliw ang Dada nila.
Nagsimula silang hanapin sa'kin ang Dada nila nang banggitin iyon ni Alex habang nag-uusap kami. Hindi namin alam na nakikinig pala ang dalawa.
“Mama, where is Dada? i can't wait to see her!!!” saad ni Leigh.
Napabuntong hininga na lang ako sa tinanong niya. “Baby, Dada is busy. Nasa ibang bansa ang Dada niyo, nagta-trabaho siya roon.” pagsisinungaling ko sa kanya na ikinatango naman niya agad. Mukhang kumbinsido naman siya sa sinabi ko.
Magsasalita pa sana si Leigh nang mag-ring ang phone ko kaya nagpaalam muna akong lalabas ako para sagutin ang tawag. Baka importante ito.
Nakita kong Unknown Number ito pero hindi na ako nagdalawang isip pang sagutin ito.
“Hello?” tanong ko sa caller.
“Hi, baby. I missed you, welcome back to Philippines.” saad ng nasa kabilang linya na nagpalaki ng mata ko at nagpabalik ng mga kaba ko simula nung nangyari ang lahat. Lahat ng inipon kong lakas at tapang ay biglang naglaho dahil sa sinabi niya.
Hindi ko sinasadyang maibagsak ang phone ko dahil sa gulat. Kilala ko ang boses na iyon, malambing at malamig.
Paano niya nalaman? p-paano?
Alam niya bang may anak ako? alam niya ba ang tungkol sa kambal? alam niya na siya ang Ina ng mga ito? NO HINDI NIYA DAPAT MALAMAN!
“Mama, why are you crying? sino away sayo?” nagulat ako dahil nasa harap ko na si Leigh at pinupunasan ang mga luha ko. Hindi ko rin alam na nagsibagsakan na pala ang mga luha ko.
Matagal na pala nung huli akong umiyak. Ngayon ay napupuno na naman ako nang takot dahil sa mga sinabi niya.
“I-i'm not crying baby, napuwing lang si Mama.” pagsisinungaling ko sa kanya at kinarga ko siya para hindi na siya magtanong pa ulit.
Masyadong matalino ang dalawa para maniwala sa mga pagsisinungaling ko. Namana talaga nila sa Nanay nilang baliw ang ugali nila. Hindi na ako magtataka, ako lang ang mahina ang pandama sa aming apat, pati na rin kay Alex. Siya ang palaging nakakaalam nang nararamdaman ko, she's the best girl friend i ever had.
Masaya ako na naging kaibigan ko siya kahit higit pa sa kaibigan ang tingin niya sa'kin.
____
“Kanina ka pa tahimik, Lis. Hindi mo man lang pinapansin ang kambal, ano bang nangyari sa'yo?” tanong sa'kin ni Alex na sinundan ako rito sa may balcony.
Kanina pa ako lutang na umaga dahil sa tawag na iyon. Ano kayang plano niyang gawin? Kapag ba nakita niya na naman ako ay ikukulong niya ulit ako sa isang silid? Re-rapin?
Akala ko ay magiging masaya na ako pagkatapos ng mga nagdaang taon, pero hindi pa pala. May kasunod pa pala ang mga problema ko noon.
“Lis? are you okay? mukhan ang lalim ng iniisip mo.” tanong nito ulit kaya napabuntong hininga ako at tiningnan siya nang maigi.
Sasabihin ko ba sa kanya na tumawag si Savannah? Sasabihin ko ba na nababalot na naman ako nang takot? Prro hindi pwede. Kailangan ko siyang harapin, sawa na ako maging duwag. Kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko gamit ang sarili kong mga kamay.
“Wala, iniisip ko lang yung mga lessons na ituturo ko sa Monday. Medyo napalalim lang yata, kinakabahan kasi ako.” ilang beses na yata akong nagsinungaling ngayong araw. Bahala na.
YOU ARE READING
The Obsessed Psychopath (UNDER EDITING)
RomanceCampbell University #1 Savannah Valencia & Callista Del Valle.