Naligo nadin ako after namin mag almusal para maka punta sa special place.
Nagdala nadin sya ng mga gamit pang decorate doon.
Naupo muna ako habang sya naman naglilinis.
Napa-isip tuloy ako, dahil sa babalik na si dhian, di kaya dahil don inayos nya to? Shut it raine! Ano bang karapatan mo!?
"Tapos nako sa paglilinis, ikaw naman" nagsalit si trent kaya naman tumayo nako para mag decorate.
Sinasabit ko lang yung mga ilaw at iba pang mga kung ano ano na di ko alam ang tawag.
"Okay na siguro yan." Sabi ni trent kaya umupo nako. Nakakatamad ngayon araw pero parang gusto kong kumilos.
"Trent?" Parehas naming narinig yung boses mula sa labas kung saan kami naka-upo.
"Sino yan?" Tanong ni trent at dahan-dahan lumabas. Sinundan ko naman to.
Pero tumama lang yung ulo ko sa likoran nya ng hindi sya naglakad.
"Aray ko trent!" Sabi ko at hinimas-himas yung noo ko. Tumingin ako sa harapan nya at may nakita akong babae. Mas maliit sya ng kaunti kesa sakin at mahaba ang buhok..
Nanginig bigla yung mga kamay ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig. Si dhian ba yon? Yon ba yung hinihintay nya?
Parehas kaming di naka-pagsalita ni trent at nagtataka na naka-tingin yung babae samin na di ko pa kumpirmado kung si dhian nga, kahit na malaman ko pa, natatakot akong aminin sa sarili ko kasi masasaktan lang ako.
"Dhian...." Biglang yumakap si trent sa babae, at tama nga ko...
Si dhian nga sya...
May namumuong luha sa mata ko. May parte sakin na masaya kasi sa wakas nakita kong ngumiti ng tunay si trent sa taong minamahal nya at bumalik na ulit yung hinihintay nya. Pero may parte din sakin na masakit kasi...
Paano kung balikan nya ng tuluyan si dhian? Paano nalang?
Naka yuko ako para di nila makita na naiiyak ako. Ayokong magtaka sakin si trent, lalo na si dhian.
"A-aalis nako. Mukang maayos naman na dito" ngumiti ako kay trent at dhian bago maglakad papalayo sa kanila.
Naglalakad ako papalayo, unti-unting bumubuhos yung luha ko at pinipilit kong pigilan Kasi what's the point?
Habang naglalakad ako, may humila ng kamay ko mula sa likod. Si trent pala, naka-ngiti sya.
"Kumain ka muna- umiiyak ka ba?" Hinawakan nya yung muka ko na basa. Hindi ako umimik at inalog lang ang ulo.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong nya sakin. Ningitian ko lang sya at iniwas Yung muka ko
"Tell me, anong problema?" Sabi nya uli.
"Wala..bumalik kana don" sabi ko dito at inalis yung kamay nya sa muka ko bago ako maglakad
"Sandali-!"
"Sabing okay lang ako. So please wag mo muna kong kausapin" mahinahon kong sabi sa kanya.
"Kung okay ka lang bat lumalayo ka sakin?" Tanong nya ulit.
"Baka hinihintay ka na ni dhian" sabi ko dito at ningitian sya.
"No.. sabihin mo muna sakin kung bakit ka umiiyak"
"Kasi ayokong bumalik sya" dineretso ko syang sagot na kinagulat nya naman. Hindi ako nakakaramdam ng konsensya o kung ano after kong sabihin yon.
"Okay na? Masaya kana? Ayoko syang bumalik kasi baka malimutan mo yung bucketlist, baka sa kanya mo ituon yung panahon mo. Pero sino ba ko? I don't have any rights kaya please, iwanan mo muna ko." Sabi ko dito habang malapit ng humagulgol.
"Bakit mo naman naisip na kakalimutan ko yon? Ako yung nagsabi so i will do what i say" sabi nya.
"So liligawan mo uli sya kasi paulit-ulit mong sinabi yon diba?" Naka-ngisi kong sabi sa kanya.
"Bakit ba ganyan yung reaksyon mo? I thought you'll support me sa mga gagawin ko pero parang kumo-kontra ka. Naiigit ka ba? I thought mapagkakatiwalaan kita Kasi you're always here for me, pero parang inggit nalang Yang iniisip at nararamdaman mo" galit na Sabi nito sakin. So he really thought i was jealous? Oo, nagseselos ako. Pero i never thought those words will come out from his mouth, iba yung inaakala kong sasabihin nya..
"No... I'm sorry.... I don't mean it..."
"Kung naiingit ka sana pala di nalang kita inaya sa bucketlist.. sinayang ko lang yung sinulat ko don" tuluyan syang umalis sa harapan ko at naiwan ako don mag-isa. Parang binuhusan ulit ako ng malamig na tubig dahil sa mga sinabi nya. Parang galit na galit sya sakin dahil hiniling ko na di bumalik si dhian.
Alam kong ang sama-sama ko dahil don. Pero natatakot lang naman ako na baka mawala yung atensyon sakin ni trent.
At nawala na nga..
Alam kong mali yung sinabi at inisip ko. Pinanguhan nanaman kasi ako ng takot at pangamba ko kaya ko yon nasabi.
Gusto ko lang naman ma malaman nya na gusto ko sya, pero hindi ko magawa. Dahil lang sa dalawang bagay.
Una, ayokong bigyan sya ng second choice at ayokong mahirapan sya sa pagpili kung sakali man na may maramdaman sya sakin. Ayokong may masaktan sya sa isa samin kaya ayoko ding umamin kahit na gustong-gusto ko na dahil naguguluhan din ako sa sarili at desisyon ko.
Pangalawa, dahil may naghihintay pa sakin... Si ford, hinihintay nya pako kaya di ako maka amin.
Alam kong huli na ang lahat para humingi Ng pasensya kasi nawala na yung tiwala nya. Pero sana di pa huli para gumawa ng paraan bago sila magbalikan sa isat-isa. Alam kong kung makikipag-balikan sya, talo na ko. Kung ngayon nga wala nakong magawa paano pa kaya pag naging sila na.
YOU ARE READING
hello stranger, bye my lover | sunki au |
Fanfictionwhat if you found the same person you already broke up years ago and forgot about? then you met him again, but its a new different persona, but same look. what will you do? Sunki au tagalog