START

5 4 0
                                    

*alarm clock*

Naalimpungatan naman ako nang biglang tumunog ang alarm clock ko. Puyat ako ngayon dahil nagbasa lang naman ako ng wattpad story hanggang madaling araw.

Hindi ko alintana ang oras at antok dahil sinasabayan ko pa ng paiyak-iyak ang pagbabasa ko. Gumugulong naman ako sa kama kapag nakakakilig ang nababasa ko.

Kinapa kapa ko naman ang alarm clock ko na nakapatong sa maliit na drawer katabi ng maliit kong kama. Nang mapatay ko ang alarm clock ay nagtalukbong ako ng kumot dahil sumisikat na ang araw na pumapasok sa aking bintana.

TEKA??? SUMISIKAT NA ANG ARAW?!

Agad naman akong napabalikwas ng bangon nang mapagtantong meron pala akong pasok sa skwelahan.

"Late nanaman ako!" frustated kong sambit habang nakawak ang dalawa kong kamay sa aking ulo't nakatingin sa bintana na may sumisikat na araw.

Napabangon naman ako at naligo ng mabilisan. Halos hindi ko muna inayos ang pinaghigaan ko. 6:30 na ng umaga ngayon at ang pasok namin ay 6:00 pero kahit late ng 30mins ay ihahabol ko pa toh. Kaya pa toh!

Nang makapagbihis ng uniporme ay hindi na ako nag abala pang kumain at magsuklay ng buhok. Alam kong reresbakan nanaman ako ng aming mahal na adviser mamaya.

Malapit lang naman ang school ko kaya tinakbo ko ito. Nang makaakyat sa building ay huminga muna ako ng malalim bago dahan dahang lumapit sa pintuan ng aming classroom.

Dinig ko na mula dito ang malakas na boses ng aming adviser. Ganiyan talaga si maam kapag naglelesson halos mabingi na kami sa malakas na pagsasalita nito.

Nang makatapat ako sa bukana ng classroom namin ay bigla na lamang napameywang si maam at taas kilay akong tiningnan.

"Aba'y late ka nanaman" mataray nitong saad habang hindi pa nito matanggal tanggal ang kaniyang kamay na nakahawak sa kaniyang beywang.

Nagsitinginan naman lahat ng kamag-aral ko na ani mo'y isa lang akong transferee na hindi nila kilala. Hindi na ba sila nasasanay na lagi akong late?

"P-pasensya na po maam. Hindi na po mauulit" nakayuko kong saad habang pinaglalaruan ang kuko ko sa daliri.

Napaangat naman ako ng tingin nang maramdaman ko ang yapak ni maam na papalapit sa akin.

"Makailang beses mo na yang sinabi, wala pa ring pagbabago. Kahapon ko lang narinig ang huling 'hindi na po mauulit' pero ano? Walang pinagbago!" saad niya at ginaya pa ang boses ko.

"Anong gagawin ko sayo? Oh siya pumasok kana" mataray nitong saad.

Tahimik ko namang tinungo ang upuan ko sa bandang likuran. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti dahil kahit anong late ko ay hindi pa rin ako matiis ni maam hehe.

Ilang minuto palang ng pagtuturo ni maam ay may bigla na lamang may kumatok sa pintuan ng classroom namin.

"Anong sadya nyo sir?" bulalas ni maam sa kausap nitong professor.

"Si Ms. Zoe po?" saad ng professor na ikinalaki ng mga mata ko.

Napabaling naman ang tingin ni maam sa akin at tinawag ako. Agad naman akong lumapit at kinabahan.

May ginawa ba ako???

"Kakausapin ko lang po si Ms. Zoe. Salamat po" saad ng professor na kaharap ko habang kinakausap si maam.

Napatango naman si maam at tuluyan na akong nakalabas ng classroom.

Sinundan ko ang professor at nanlaki ang mata ko ng magtungo kami sa isang guidance office.

Teka? B-bakit?

"Tuloy po Ms. Zoe" saad ng professor habang pinagbubuksan ako ng pintuan.

Para hindi magmukhang bastos sa harap ng nakakatanda ay pumasok ako sa loob. Gininaw ako sa sobrang lamig.

"Maupo po kayo" saad nito.

Naupo naman ako at iginala ang paningin ko dito. Napalingon naman ako sa pintuan nang may pumasok na isang nakahooding itim na lalaki.

Tila ba ay nabugbog ito dahilan ng pagkakaputok ng kaniyang labi sa bandang kaliwa. May pasa din ito sa bandang kanan ng kaniyang pisngi.

Padabog naman siyang umupo. Anong kinalaman ko dito?!

"Totoo ba na ginawa mo ito Ms. Zoe?" mahinahong saad ng Prof habang nakatingin ng masinsinan sa akin.

Agad ko namang itinanggi ang paratang niya.

"H-hindi po ako ang bumugbog sa kaniya. Kung tutuusin nga po ay nalate pa ako sa pagpasok ngayon" saad ko ay dinuro duro ang kaharap kong lalaki na nakayuko't iniinda ang kaniyang natamo niya sa kaniyang mukha.

Naibaba ko naman ang kamay kong nakaturo sa kaniya nang itinaas niya ang kaniyang ulo at tumingin ng malalim sa akin.

"Eh hindi naman siya ang gumawa nito eh. Magkapangalan lang sila!" iritadong saad ng gwapong lalaki habang nakatingin sa Prof.

Paanong magagawa ko ito?

Napatawa naman ako ng mapang asar.

"Sinayang niyo lang ang oras ko tsk" saad ko at agad napatingin ang Prof sa akin dahil sa pagsasalita ko ng hindi tama.

"Gusto mo bang mapatalsik sa paaralang ito?" nanlaki naman ang mata ko. Hindi maaari!

"Oy Zoe! May test na tayo! Ano kaba? Puyat ka nanaman???" nagising ako dahil sa pagkakaalog ng kaibigan ko sa akin.

"Panaginip lang?" naibulalas ko.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" saad nito.

Hindi na lamang ako sumagot at napabaling sa harapan. Napansin ko naman ang isang lalaki na nakahooding itim na nasa bandang harapan ng aming row.

Teka pamilyar siya! S-siya ba ang napanaginipan kong lalaki?!

"Nalate ba ako ngayon?" wala sa sarili kong saad habang hindi pa rin maalis ang tingin ko sa lalaki.

"Hindi. Bakit?"

"Transferee ba yang lalaki?" bulalas ko habang nakanguso sa tinitingnan kong lalaki.

"Ay oo dumating lang din siya kani kanina lang nung tulog ka" saad nito.

Kung gayon... It's all just a dream. A dream...

THE END...

IT'S ALL JUST A... (one shot story)Where stories live. Discover now