Chapter 13: Goodbye

122 3 0
                                    

Ang mabuhay sa Mundo ay sadyang mahirap. Pero Hindi Rin Naman natin maitatanggi na Masaya din Ang mabuhay sa mundong ibabaw. Mundo na punong-puno ng mga tao na mapanghusga. Mga tao na alam nating makasarili. Pero sakabila nang pagiging mapanghusga at makasarili nang tao nariyan parin Ang pagmamahalan. Pagmamahalan na kung Minsan ay Hindi pa natin namamalayan na umuusbong na pala.

Simula sa simpleng pag kakaibigan, Hanggang sa lumalim at maging magka-ibigan. Pero tulad nang Isang kaakit-akit at magandang kwento Ang Buhay nang tao ay may Hangganan din.

Ang masasayang Araw nang tao ay may katapusan din. Hindi mawawala sa Buhay natin Ang masaktan, Ang maiwan, at Ang mawalan nang emosyon. Pero alam Naman natin na Dito natin nasusubok Ang katatagan nang ating sarili.

Nasasaatin nalang kung mag papadala ba Tayo sa agos nang kalungkutan o lalaban Tayo. Lalaban kahit na paulit-ulit na masaktan. Lalaban hanggang sa matapos Ang ating misyon sa Buhay.

Ang Buhay ay umiikot lamang sa ilang mga Bagay. Kasiyahan, kagustuhan, pangangailangan, paniwalaan, kalungkutan at higit sa lahat ay pagmamahalan. Kung tutuusin ay napakadali lang na gampanan Ang Buhay kung ating papakinggan lamang. Madali lang magampanan ang lahat kung ating titignan.

Pero nagiging mahirap Oras na Tayo Naman Ang nasa ganitong sitwasyon. Sitwasyon na kung Minsan ay tinatakasan lang natin, sitwasyon na kung Minsan ay Hindi natin kayang panghawakan.

Pero sakabila nang lahat nang ito, Narito parin sa puso nang bawat Isa Ang pag-asa. Pag-asa na lumaban at ipag laban kung Ano Ang nararapat.

At kung Minsan mas madalas pa nating ipag labas Ang ating nararamdaman.

....

"Hayy! Ang bilis Naman nang panahon! Aalis na Tayo agad!" Wika ni Anya habang nag uunat-unat pa.

"Bakit? Ayaw mo pabang umalis?" Lumapit sa kaniya si Andrei Saka siya pumamewang sa harapan nang kaniyang kakambal.

"P'wede Naman kung ayaw mo pang umalis, okay lang. Mas okay lang na Hindi kana sumama at maiwan ka nalang Dito." Anito sabay talikod. Ngunit Bago pa ito tuluyang makalakad papaalis ay naka tanggap siya agad nang batok Mula Kay Anya.

"Bwiset ka! Iiwan mopa Ang pinaka maganda at pinaka mamahal mong kapatid! Hmph!" Naka nguso nitong Saad Saka tumalikod din at humalukipkip.

Natawa nalang Kaming tatlo dahil nag sisimula Nanaman 'yung kambal. Mga alas kwatro na at malapit nang tuluyang umangat Ang haring Araw.

Nandito parin kami sa bakuran at nag hihintay nalang nang tamang Oras. Napa kuyom Ako nang aking kamao. Napa kuyom Ako dahil nag pipigil Ako nang aking emosyon. Masakit para sa akin na aalis na Sila at Wala na akong pagkakataon pa na Muli silang Makita. Masakit sa akin Ang kanilang pag-alis, napaka bigat sa aking kalooban. Pero Wala akong magagawa, kahit na ayaw ko pa silang umalis ay Wala akong magagawa kahit na pigilan kopa Sila.

"Ate Mhaya..."

Nabalik Ako sa aking sarili Saka napa baling Kay Anya na naka Tayo pala sa aking harapan. Niyuko ko ito Saka Ako ngumiti.

"Hmm? Bakit? May gusto Kaba Bago umalis?" Tanong ko sa kaniya ngunit umiling lamang Ang batang nasa aking harapan habang nag tutubig Ang kaniyang mga Mata.

Napa lunok Ako at nawala Ang ngiti sa aking mga labi habang siya ay aking pinag mamasdan. Tila tinutusok nang daan-daang karayom Ang aking puso habang pinag mamasdan ko si Anya na umiiyak sa aking harapan.

"A.. Anya.." Hindi na Kiya nang aking mga tuhod at napa luhod na Ako sa damuhan habang pilit na pinupunasan Ang mga luha na biglang tumulo sa aking mga pisngi.

"A-ate Mhaya..." Banggit nito sa aking pangalan Hanggang sa ngumawa na siya nang malakas habang naka salampak din sa lupa.

Napa hawak Ako sa aking dibdib habang patuloy sa pag hikbi. Ramdam ko Ang sakit at lungkot nila habang Sila ay naka palibot sa akin. Hindi ko alam pero sobra na silang napa mahal sa akin Kaya't mahirap Ang mawalay sa kanila.

Falling Inloved With The Ghost In My RoomWhere stories live. Discover now