PROLOGUE

47 9 7
                                    

PROLOGUE

“Okay! Another name added to my list!”

Nakangiting sinulat ko ang pangalan ng ex-boyfriend kong si Ben. Another name added sa listahan ko. 

Sinuri ko ang listahan. May naunang tatlong lalaking Ben din ang name before him. Didn't expect I already collected four Ben. 

“Bakit kailangan pang i-take down notes mga name ng mga ex mo, sis?”

Hindi ko inalis ang tingin sa maliit na notebook ko na may list ng mga naging ex boyfriend ko. Pang apat na si Ben mga naging ex ko. 

Napangiti ako. Ekis na sa Ben ang pangalan. Ayoko nang dagdagan ang list ko na Ben ulit ang pangalan. Baka si Ben10 na ang sunod kong jowa.

Sinarado ko ang notebook at binalik sa bag ko. Tinignan ko si Andrea, bestfriend ko, at sumipsip sa milk tea na binili namin kanina.

“For reference.”

“What?” Tumawa siya. “Ano 'yan for school purposes? Dapat may reference? Kaloka ka!”

“Bakit ka ba nangingialam? Kyng inggit ka, gayahin mo.” Masama na tinignan ko siya. “It's not your business so shut up!”

“Are you that kind of girl who will take vengeance after what they did to you? That's why you're taking down notes on their names?” 

“Do you think I'm that pitiful?” Nanliit ang mga mata ko sa kanya. “To answer your stupid question, of course not! A big no! Capital NO!”

“Gigil na gigil, sis.” 

“Anyway, may boys ka na dyan? Want ko magka jowa. May mairereto ka ba?”

Umikot ang mga mata niya. “Wala na akong kaibigan na pangalan ay nagsisimula sa B. Hindi ko rin talaga alam trip mo ba't kailangan letter b start ng jowa o makakalandi. Bakit kapag letter b ba ang pangalan ng jowa mo forever na kayo?”

“Again, it's not your business so shut up. And to clear my record lang, isa pa lang naging jowa ko 'no! Puro landian lang 'yung iba.”

“So inaamin mo rin na malandi ka?”

“Nope.“ Umiling ako. “Friendly ang dapat na term.”

Umikot ang mga mata ko sa buong canteen. Break time kaya sobrang daming tao ngayon. All the tables are occupied. Even the hallway and entrance are full of students. 

“Baliw ka.” Anas niya. “Sino na naman hinahanap mo riyan? May bago ka na namang target.”

Muli kong binalik ang tingin kay Drea at masama siyang tinignan. 

“Judgemental ka,” anas ko. “Hindi ba pwedeng I'm just trying to appreciate how our school canteen handles this many students?”

“Hindi ka marunong nun, huwag ako!”

“Alam mo panira ka ng moment. I close mo nga yang mouth mo. Kairita!”

Tumawa lang siya at lalo akong inasar.

The bell rang meaning it's already time. Umalis kami ng canteen at bumalik ng room. Saktong dumating si Sir Reyes, Math teacher, pag-upo namin ni Drea. Class began and all I could think of is how can I get someone who starts with letter B. 

I know you are wondering why I am obsessed with that. And why it should be started with letter b.

Simple. 

Kasi gusto ko. 

Joke! 

The truth is, I don't know when I start being obsessed with someone named with letter B. I think it started with my relationship with Bin. He's my first from everything. First boyfriend, first kiss, first broke up. He's everything to me back then. 

Not until he died because of a car accident. Tragic what happens to us but I already accepted it. Masaya na ako ngayon and I hope kung nasaan man siya ngayon masaya rin siya para sa akin. 

He's very loving, caring, and gentle in everything. Mahal na mahal ko siya to the point I cried the whole month noong matapos siyang ilibing. Matagal ako bago naka move on sa kaniya. And After that, hinanap-hanap ko na ang same treatment na ginawa niya. The first thing that came to my mind to find the same treatment he did is to find someone whose name starts with letter B. 

Doon nagsimula ang paghahanap ko ng kalandian o boyfriend. And the first ever rule is dapat letter b ang start ng name niya. Kapag hindi, edi ekis. Hindi ko bibigyan oras. Sorry not sorry. 

Argh! Namiss ko tuloy bigla si Bin! Madalaw nga siya sa sabado.

Tahimik ang buong room nang nagpakuha si sir Reyes ng one-fourth sheet of paper. Habang ako ay tulala lang sa hangin dahil hindi nakinig kanina sa discussion niya.

Ugh, I hate math! 

Pera lang ang bet ko pero pagdating sa solving and other topics about math, nababaliw ako! Grr! Hindi talaga ako magaling sa mga numbers na 'to! I hate it but I have no other choice but to answer this question. Ayokong bumagsak sa klase ni sir. 

Busy ako sa pagkagat ng takip ng ballpen ko habang nakatingin sa kawalan, iniisip kung saang part ng discussion ni sir ang question number two, when a group of basketball players walked outside our room. 

Instead of focusing on my paper and on the question in front, both my eyes and ears piqued outside as I heard an interesting name. 

“Bry, salo!” 

Someone shouted and immediately threw the ball to the guy who's busy on his phone. Nahuhuli siya but he made it, he caught the ball with only one hand while still holding his phone. 

Napanganga ako sa nasaksihan. Nice catch! 

“Boys, quiet!” sita ni sir sa kanila. “May nagkaklase rito.”

“Sorry, sir!” sabay-sabay na paghingi nila ng tawad kay sir.

Nag-asaran sila kung sino ang dapat sisihin bago lumampas sa room namin. 

I smiled while looking at the guy named Bry. I think I found one! Thanks, Destiny! You really don't fail to amaze me!



When A meets B (On Going)Where stories live. Discover now